Kabanata 3

1K 30 0
                                    

Maaga akong gumising ngayon dahil ito na ang simula ng klase. Alas singko pa lang ay tapos na akong maligo. I'm wearing a white blouse and pencil skirt. At pinili kong magsuot ng stiletto flats. At gaya ng kinasanayan ko, hinayaan kong buhaghag ang mahaba kong buhok na unti-unti nang natutuyo. Pagkababa ko ay nagulat ako nang makita si Grandma na nakaupo sa sala at umiinom na ng kape.

Tiningnan ako ni Grandma at ngumiti nang makita ang aking reaksyon.

"G-Good morning, Grandma. Ang aga mo po!" Sabi ko nang makalapit at humalik sa kaniyang pisngi.

Alas singko pa naman at mamayang alas sais pa naman siya nagigising at lumalabas ng kwarto niya. Mukhang alam ko na ang dahilan niya.

She giggled. "Good morning, Hija! I decided to wake up early today because I want to see you first before you go to your school."

I knew it! Napangiti na lang ako.

"You're so pretty today! Sigurado akong may magkakagusto agad sa'yo..."

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Sa'yo po ako nagmana eh ..." Sabi ko.

Siya naman ngayon ang napangiti.

Napatingin kaming dalawa ni Grandma kay Ate Celine na bumababa sa hagdanan. Nakaayos na rin siya at nakasuot na ng puting uniporme. Ang dalawa niyang kamay ay parehong nakasuksok sa bulsa ng kaniyang puting blouse. She looked at us and smiled. My sister is very pretty, too! Sa aming dalawa, si Daddy ang kamukha ni Ate at ang kamukha ko naman ay si Mommy kaya naman medyo hawig ko rin si Grandma.

Lumapit si Ate kay Grandma at humalik din. Kitang-kita ko naman ang matamis na ngiti ni Grandma. Ngayon ay pareho niya na kaming pinagmamasdan.

"Hindi na ba kayo kakain? Magpapaluto ako kay Cora kung gusto ninyo." Sabi niya.

"Hindi na po, Grandma. Sa hospital na lang ako kakain at itong si Chandy ay hindi madalas kumakain sa umaga lalo na kapag may pasok." Kilalang-kilala talaga ako ng kapatid ko.

Tumango ako kay Grandma bilang pagsang-ayon. Nakainom na rin naman kasi ako gatas kanina at ayos na iyon. 

"Nag-gatas naman na po kami ni Ate kaya ayos na po 'yon. Sa school na lang po ako kakain mamaya."

She sighed and nodded. "Huwag kayong magpapa-gutom." Bilin niya.

Tumango kaming dalawa ni Ate at nagpaalam na sa kaniya. Lumabas si Manang Cora para samahan si Grandma sa terasa habang tinatanaw kami. Pareho kaming magdadala ng sarili naming sasakyan ni Ate. Magsasabay lang kami sa pag-alis.

Tiningnan ako ni Ate. "Magiingat ka. Text me if you have a problem in your school, Chandy!" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

I nodded. "Huwag kang mag-alala. I'm going to be fine."

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Mag-iingat ka rin, Ate!" Sabi ko.

Pagkatapos ay sabay na kaming pumasok sa sarili naming mga sasakyan. Nasa unahan ang avanza ni Ate kaya naman nauna siyang lumabas, sumunod din naman ako. Saka lamang kami naghiwalay ng daan nang makalabas kami ng Purok sais. Lumiko na si Ate sa kanan patungong Gapan, ako naman ay lumiko sa kaliwa patungong Hulo.

Normal lang ang pagpapa-takbo ko dahil hindi pa naman ako mahuhuli dahil maaga pa. Alam ko na rin naman ang room number at schedule ko kaya hindi na ako mahihirapang maghanap mamaya. Inaamin kong may kaunting kaba akong nararamdaman ngayon. Iba na ang eskwelahan ko ngayon kaya normal lang na makaramdam ng kaba. Ngayon lang naman ito.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now