Kabanata 50

532 16 2
                                    

Pagkatapos ng nangyari at nang tumigil na sa pag-iyak si Cindy ay itinayo na siya ni Carlos. 

"Uuwi na tayo." Matigas niyang sinabi.

Tumayo ako at tiningnan si Cindy na malungkot na malungkot ang mukha. Sigurado akong sinisisi niya ang kaniyang sarili. Nakayuko lang si Cindy. Hinawakan siya ni Carlos sa kamay at inalalayan maglakad. Awang-awa ako habang sinusundan ng tingin si Cindy. Sumakay na sila sa sasakyan at tuluyan nang umalis. 

Napatingin naman ako kay Forrest nang lumapit siya sa'kin. Muli niyang inangat ang kamay ko. Umigting ang kaniyang panga. 

"A-Ayos lang ako..." Nauutal kong sinabi kay Forrest. 

Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya binitawan.

"Nahilo ka ba?" Tiningnan niya ako sa mga mata. 

Sasagot na sana ako nang bigla siyang nagmura nang malutong. Nagtaka naman ako sa kaniyang reaksyon lalo na't mabilis na lumapit sa akin si Dalton. Hinawakan niya rin ang kamay ko at tiningnan ang sugat sa aking hintuturo. Nakakunot ang noo ko at tiningnan na rin ang hintuturo ko na parang nag-iba ang kulay. 

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Forrest kay Dalton. 

Huminga nang malalim si Dalton. "Kailangan ulit dumugo ang kaniyang sugat." Kalmado pero seryosong sinabi ni Dalton. 

"Pero tumigil na ang dugo." Sabi ni Halton at lumapit na rin sa akin.

Naguguluhan naman ako sa kanilang sinasabi. Hindi ko maintindihan ang nangyayari lalo na't nag-iiba ang kulay ng aking hintuturo. Nagiging kulay lila ang hintuturo ko. Hindi ko alam kung dugo ba iyon. 

"Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong sa kanila. 

Tiningnan ako ni Forrest at napalunok siya. Para bang natatakot siya para sa akin. 

"Humalo ang laway ni Cindy sa dugo mo kaya nag-iiba ang kulay ng dugo sa daliri mo."

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Dalton. 

"A-Anong pwedeng gawin?" Natatakot kong tanong. 

Mabilis na pumunta si Forrest sa aking likuran. Pinalupot niya ang pareho niyang kamay sa aking baywang. 

"Tatanggalin namin ang laway sa hintuturo mo at para magawa iyon, kailangan naming... sugatan ulit ang daliri mo." Mahinahon niyang sinabi sa akin.

"Ha?" Nilingon ko siya. 

Hinalikan niya ang pisngi ko. "Kailangan naming gawin iyon, Chandria." Matigas na ngayon ang boses niya. 

Hindi ako kumibo at napatingin sa hintuturo ko. 

"Arisse..." Tawag ni Dalton kay Arisse. 

Mabilis namang pumasok si Arisse sa loob ng mansion at mabilis ding nakabalik na may dala ng kutsilyo. 

"Anong gagawin ni'yo?" Halos maiyak ako nang sabihin iyon.

"Tangina." Malutong na sinabi ni Thunder at lumapit siya sa aking gilid. 

Hinawakan ni Thunder ang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. 

"Tumingin ka lang sa'kin. Huwag kang matakot." Sabi ni Thunder.

Suminghap si Forrest at umalis sa likuran ko. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo kay Arisse. 

"Ako na ang gagawa..." Seryosong sinabi ni Forrest.

Lumayo naman sina Dalton, Halton, at Arisse sa amin. Ang katabi ko na lang ngayon ay si Thunder na nasa gilid ko at si Forrest na nasa harapan ko na umiigting ang panga. Itinaas ni Forrest ang kamay ko at hinanda niya ang kutsilyo. 

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now