Kabanata 36

460 18 0
                                    

Dumiretso kami sa kanilang bahay. Tahimik lang kaming pareho at kahit hindi siya nagsasalita, alam kong hindi pa rin napapawi ang kaniyang galit para kay Lazaro. Kitang-kita ko ang galit niya kanina na handa na nga niyang patayin si Lazaro. Kung wala lang siguro roon si Dalton para paalalahanan siya, baka nga nakapatay na siya. 

Pumasok kami sa kanilang bahay at nagtungo agad kami sa kaniyang kwarto. Hinatak niya ako sa kaniyang kama at sapilitang pinaupo. Ako naman ay hinuhuli ang kaniyang tingin.

"Maligo ka muna bago kita iuwi." Malamig niyang sinabi.

Lumapit siya sa kaniyang cabinet at nakita kong kumuha siya roon ng puting tuwalya. Pagkatapos ay nilingon niya ako. Galit na galit pa rin siya. Bumaba ang tingin niya sa aking damit at nakita kong umigting ang kaniyang panga. 

Tumayo ako at naglakad patungo sa banyo. Gumilid siya para bigyan ako ng daan. Hindi ko tinitanggal ang tingin sa kaniya habang siya'y nakatingin lang sa aking damit.

"Gamitin mo 'to."

Inabot niya sa akin ang tuwalya. Kinuha ko naman iyon sa kaniya at pumasok na sa banyo. 

Malinis ang kaniyang banyo at kahit simple, magandang tingnan. Kumpleto rin ang kagamitan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang pasa sa gilid ng aking labi. Sigurado akong nakuha ko iyon dahil sa malakas na sampal ni Lazaro.

Hinawakan ko ang labi ko na pulang-pula. Pumikit ako nang mariin nang maalala ang halik ni Lazaro. Hayop siya! Hayop talaga siya! Humikbi ako at muling mabilis na tumulo ang mga luha ko. May napansin akong nakatayo sa aking gilid kaya naman mabilis kong pinunasan ang luha ko. Hindi ko naisarado ang pinto kaya naman nakikita pa ako ni Forrest. Nasa labas lamang siya at nakatitig sa akin. 

Pinilit kong ngumiti sa kaniya. 

"Ayos lang ako." 

Hindi nagbago ang kaniyang itsura. Hindi siya ngumiti. Nanatiling galit at seryoso ang kaniyang mukha. Tumalikod ako sa kaniya at dahan-dahan kong hinubad ang itim na damit. Binagsak ko lang iyon sa sahig. Bumagsak ang tingin ko sa mga paa ko na may mga putik. Napalunok ako at nilingon si Forrest. 

Nahabag ako nang makitang lumuluha na siya habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Nakasuot pa rin ako ng swimsuit. 

"M-Maliligo na ako." Mahina kong sinabi.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero alam kong kailangan kong maligo at linisin ang katawan. Wala siyang sinabi hanggang sa mabilis siyang nawala sa paningin ko. Huminga ako nang malalim at binuksan na ang shower. Hinubad ko na ang swimsuit at naligo na. Nilinis kong mabuti ang aking katawan. 

Nang matapos ako ay pinalupot ko na ang tuwalya sa aking katawan. Napatingin ako sa pinto na nanatiling nakabukas. Huminga ako nang malalim at lumabas na sa banyo. 

Napatingin ako sa buong kwarto nang hindi ko siya nakita. Siguro ay bumaba siya. Lumapit ako sa kama at may nakita akong panty roon na may tag pa. Kinuha ko iyon at tiningnan ang isang short na pambabae at itim na gray t-shirt na paniguradong sa kaniya.

Mabilis ko iyong isinuot habang lumilipad na ang aking isipan kung ano ang sasabihin ko kay Grandma. Umaga kaming nagsimulang maligo at ngayon ay gabi na. Ano ang sasabihin ko? Tapos ngayon, hindi ko alam kung saan dinala ni Carlos ang kaibigan ko. Bakit kailangang mangyari ito? Hindi ko na yata kakayanin kung makita ko pa si Lazaro o kung may gawin na naman siya sa akin.

Umupo ako sa kama habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang aking kamay. Ilang sandali pa ang lumipas nang tahimik na pumasok si Forrest. Muli, binigyan ko siya ng isang ngiti pero hindi man lang niya iyon sinuklian. Nanatili siyang seryoso. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now