Kabanata 15

725 23 0
                                    

Rinig na rinig namin ang mabibigat na yapak ni Carlos sa pangalawang palapag pati ang malakas na pag-sarado ng pintuan ay hindi nakatakas sa aming pandinig.

Tumikhim si Katrina at tinuon na lang ang atensyon sa telebisyon. Ganoon din ang ginawa ni Fiona na parang wala lang sa kaniya. Sina Kylo at Halton ay parehong umiiling.

"Anong sinabi ni Cindy sa'yo, Chandria?" Tanong ni Arisse at bumaba ang tingin niya sa'king cellphone.

Paano niya nalaman na si Cindy ang kausap ko? Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.

"Hindi siya sasama kay Carlos." 

Bumuntong hininga si Arisse at bumalik ulit sa sofa, sa tabi ni Kylo.

"Nag-away ba sila?" Seryosong tanong ni Halton.

"Hindi naman yata?" Hindi ko siguradong sagot.

Kahit alam kong nag-away nga sila ay hindi pa rin ako sigurado. Ayaw lang siguro sumama ni Cindy dahil pakiramdam niya ay napipilitan lang si Carlos. At sa itsura ni Carlos kanina, hindi siya mukhang napipilitan. Siguradong nagtataka si Carlos kung bakit malungkot si Cindy. 

Hindi ko rin naman masisisi ang kaibigan ko dahil syempre, mahal niya si Carlos. Kahit hindi naman sila, may karapatan pa ring masaktan si Cindy. Hindi ko rin naman pwedeng sisihin si Carlos dahil paniguradong may dahilan siya. 

Tinext ko si Cindy at sinabi kong hindi na pupunta si Carlos. Wala naman akong natanggap na reply sa kaniya kaya hinayaan ko muna. Kakausapin ko na lang siya bukas. 

Binalik ko ang cellphone ko sa bag at nanuod na lang din. Minsan ay napapasulyap ako sa kusina at nahuhuli ako ni Halton kaya naman ngumingisi siya sa'kin. Siya kasi ang katapat ko kaya mabilis niyang makita ang magiging galaw ko. Iniirapan ko naman siya kaya bahagyang natatawa. 

Napatingin naman sa kaniya si Fiona. 

"Kuya Ton, anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ni Fiona.

Naglihis ako ng tingin kay Halton at tiningnan si Fiona sa aking tabi na yakap-yakap ang puting unan. 

Natawa ulit ang baliw na Halton bago umiling. 

Hindi na lang siya pinansin ni Fiona at nanuod na lang ulit ng palabas. Hindi na ulit ako sumulyap sa kusina. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na sina Dalton at Forrest. Pareho silang may suot na itim na apron kaya panigurado akong tumulong sa pagluluto si Dalton. 

Tiningnan ko si Forrest at nginitian. Diretso naman ang kaniyang tingin sa'kin at ngumiti rin pabalik. Sabay silang lumapit sa amin. Si Dalton ay umupo sa tabi ni Halton at siya naman ay tumabi sa'kin kaya bahagya akong tumabi kay Fiona para bigyan siya ng espasyo.

"Anong niluto ni'yo, Kuya Ton?" Tanong ni Arisse habang nanunuod pa rin. 

"Arisse, kanina pa ako nandito. Ba't ako ang tinatanong mo?" Sabi ni Halton. 

Tiningnan naman siya ni Arisse at tinuro si Dalton.

"Duh! Ikaw ba ang tinutukoy ko? Si Kuya Dalton kaya." Maarteng sinabi ni Arisse.

Natawa naman kaming lahat.

"Carbonara, Risse." Sagot ni Dalton kay Arisse.

Napatingin naman ako kay Forrest na kanina pa nakatitig sa'kin. Para bang hinihintay niya na mapatingin ako sa kaniya.

"Ikaw nagluto?" Nakangiti kong tanong.

Pinatong niya ang kaliwang kamay sa hita ko kaya mas lalo akong napangiti. Hinayaan kong gawin niya 'yon kahit unang beses ito nang may humawak sa'kin. Hindi ako nakaramdam ng pagiging hindi komportable sa kaniyang hawak. Pakiramdam ko, safe ako sa hawak niya.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon