Kabanata 16

696 20 1
                                    

Gaya ng sabi niya, hindi nga siya uminom at nanatili lang siya sa aking tabi. Nag-uusap kaming dalawa pero madalas ang pag-titig niya sa'kin. Kaya naman nang mag alas sais na ay nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil ayoko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama at naramdaman niya iyon.

"Ayaw mo pang umuwi?" Nakangisi niyang tanong.

Nasa kusina kami kanina pero nang makita niyang alas sais na ay inaya niya na ako kaya naman nasa sala na kami. Sina Fiona at Katrina lang ang nasa sala at nanunuod pa rin. Naririnig pa namin ang maingay na tawanan ng mga pinsan niyang lalaki mula sa balkonahe. Mukhang nagkakatuwaan na habang umiinom.

Tiningnan ko ang kapatid niya at si Katrina na naka-pokus sa panunuod bago siya sagutin. Nakaupo kami sa kaliwang sofa at ang dalawa ay sa kabila naman. 

"Pwedeng mamayang six thirty na?" Tawad ko.

He chuckled. Uminit naman ang pisngi ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Nilagay niya naman ang kamay niya sa aking hita at mas lalong lumapit. Naramdaman ko na lang ang ilong niya na nasa tainga ko na. Pakiramdam ko'y tumaas ang mga balahibo ko sa batok.

"Gusto mo pa akong makasama?" Tanong niya pero bakas ng panunuya ang kaniyang boses.

Sinulyapan ko naman ang dalawa na nasa tapat lang namin. Mahina lang naman ang boses niya pero pakiramdam ko'y naririnig iyon ng dalawa. Nakita ko kasing ngumuso si Fiona habang si Katrina ay tumaas ang kilay at umayos sa pagkakaupo.

"Umayos ka nga..." Saway ko sa kaniya.

Hindi ko siya matingnan dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Baka kapag humarap ako'y may mangyari pa. Hindi niya naman ako sinunod at narinig ko ang paghinga niya sa aking buhok. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko at napagtanto ko na tanging siya pa lang ang nakapagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam na kahit kailan hindi ko naramdaman sa ibang lalaki.

Mas lalo siyang natawa. Napatingin ulit ako sa dalawa, medyo naiilang ako dahil kahit hindi sila nakatingin, alam kong alam nila ang nangyayari ngayon. Nahihiya tuloy ako sa iisipin ni Katrina. Baka naiisip niya na kapag nasa eskwelahan naman kami ay hindi naman ako ganito. 

"Ang bango mo, Chandria." Gosh! Ang husky ng boses niya. 

Kinagat ko naman ang labi ko at hindi na nakapagpigil. Bahagya kong inilayo ang ulo ko para tingnan siya. Tiningnan ko ang mga mata niya na kumikinang dahil sa ilaw. Nag-pintig din ang tainga ko dahil sa kaniyang sinabi. Ang sarap pa lang marinig ang pangalan ko. 

Basta siya ang magsasabi...

"Really?" Nakangisi ko na ring sinabi.

Mahina lang din ang pagkakasabi ko, sapat na para siya lang ang makarinig.

"Yeah..." 

Tumitig siya sa mga mata ko at halata sa kaniya na nasisiyahan siya. Ginala ko naman ang tingin ko sa kaniyang mukha. Ang gwapo-gwapo niya talaga at hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyon. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Naalala ko tuloy ang naisip ko noon habang nakatingin sa kaniyang mukha. Na darating ang lalaking para sa'kin, handa man ako o hindi. 

Siya na siguro iyon...

"Ayaw kong kumain, Chandria. Kayo na lang ni Thunder."

Sinulyapan ko naman si Cindy na nakaupo pa rin sa kaniyang silya. Break time na namin at lahat ng mga kaklase namin ay lumabas na. Kaming dalawa na lang ang nandito sa room. Ang mga gamit niya ay nasa arm chair pa. Wala talaga siyang balak pumuntang canteen at kanina niya pa iyon sinasabi. Ayaw niyang magkita sila ni Carlos.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now