Chapter 5

1K 24 5
                                    

Chapter 5

Slap.

"Hayop ka," ani ko sa kanya. Nararamdaman kong namamasa na ang mga mata ko. Umatras naman siya habang hawak parin ang pisnging nasampal ko. "Sinong nagbigay ng karapatan sa'yong paglaruan ako?" nanginginig ang boses kong tanong sa kanya.

Hayop siya. Hindi porke't mahal ko siya pwede niya na akong paglaruan. Ikakasal na siya for Pete's sake! I glared at him pero tahimik lang siya.

"You are in love with me," bulong niya habang dahan dahang humarap sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako ng tuluyan. Lumapit ako sa kanya para sampalin siya pero hinawakan niya ang magkabilang pala-pulsuhan ko. "Bitiwan mo ako! Ano bang kailangan mo sa akin?!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na kumakawala.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Napahikbi ako, "Ang gago mo, bitiwan mo ako!"

"Kelan pa?" Tanong niya sa akin. His voice sound pained. Humiwalay ako sa kanya at this time hinayaan niya ako.

"Why do you care? You're going to be fucking married soon. So, what the hell do you want and why do you want to freaking know?!"

"Because, maybe! Just maybe! If you told me sooner," lumapit siya sa akin, "baka ikaw ang pakakasalan ko ngayon," umiling ako at sinampal ulit siya.

"Fix your head. You're freaking insane," saka ko siya iniwan at dumiretso ng takbo papunta sa bahay habang umiiyak.

Bakit kailangan niya pa yung gawin? Ginagago niya ba ako? Hayop pala siya e! Bakit niya naman sasabihin sa akin yun? Ano ba ang tingin sa akin ng gagong 'yun? Replacement? Tarantado pala siya eh! Best friend niya ako tapos gagaguhin niya ako ng ganito? Walanghiya siya, ang kapal ng mukha niyang gago siya.

Pagkarating ko sa bahay ay sa back door ako dumaan para hindi ko sila makita at hindi nila ako makitang umiiyak dahil kung hindi baka magwala ang dalawang kuya ko.

Nang makarating ako sa room ay tumulo lang ng tumulo ang luha ko hanggang sa nakatulog ako.

**

"I'm sorry," yan ang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata ko. Sinamaan ko ng tingin si Kid.

"Umalis ka na, di kita kailangan dito," saka ako tumayo papunta sa built-in bathroom ng kwarto ko para maligo at hindi makita ang itsura niya. Masyado pang maaga para mabwisit ako. Sayang din ang araw.

Paglabas ko ay hindi ko na siya makita kaya't napahinga ako ng maluwag. Although partly disappointed, alam kong mas sasama ang loob ko pag andito siya. Plus that's pretty disgusting, I mean naka-undies lang ako.

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko si Kid. Aakyat na sana ako pero nakita ako ng kuya ko. "AJ, halika na rito. Kumain ka na at baka mahuli ka sa klase," tumango nalang ako at umupo sa tabi niya. Tumaas ang kilay ni kuya, "Bakit ka nandyan? Dun ka kay Kid,"

Inirapan ko siya, "Choosy mo, ewan ko sa'yo,"

"Menopausal!"

"Kuya!"

"Eto princess oh," sabay abot sa akin ng pagkain ni Kid. Hindi ko siya nilingon, "May kamay ako," saka ko kinuha ang platong inabot niya. Akala niya gagamitin ko kaya't huminga siya ng malalim.

Nilagay ko ang platong binigay niya sa gilid at saka ako kumuha bago at nilagyan ng kanin at ulam ko. Napayuko naman siya.

Going down for real...

Napalingon kaming lahat sa kanya ng tumunog ang cellphone niya. Napakamot naman siya ng batok, "Excuse me. Si Irene," aniya. Hindi nakalagpas sa akin ang pasimpleng titig niya.

I glared at my plate. Lintek nawalan ako ng gana.

Pinunasan ko ang labi ko, "Kuya pupunta na ako ng school." Saka ako tumayo, narinig ko pa ang pasigw na tanong ni Kuya ng 'Hindi mo na aantayin si Kid?'

Hindi na. Asa naman ang gagong yun na aantayin ko siya. Sumakay na ako sa kotse namin at nagpahatid. Wala ako sa mood magcommute ngayon at baka maabutan lang ako ni Kid.

Nang lumiko ang kotse ay nakita ko si Kid na may kausap sa phone nang makita niya ang kotse ay nanlaki ang mga mata niya.

Gusto kong mapamura kahit sa utak lang. Bakit naman kasi hindi ito tinted windows na sasakyan? Nakita niya tuloy ako. Nagiwas ako ng tingin kay Kid at ibinaling ang paningin ko sa harapan.

Umaga pa lang pero parang ang haba na ng araw.

**

"Bakit kasi ayaw mo pa umuwi?" Tanong ng isang kaklase kong si Rose. Inirapan ko siya, "You know what? Kung ayaw mo akong samahan, ayos lang. Kesa tanungin mo ako ng tanungin."

Inirapan lang ako ng kaklase ko at umalis. Sinamaan ko ng tingin ang likod niya. Anak ng patatas! At talaga namang iniwan ako ng loka-loka!

Naglakad ako pabalik sa mall at tinawagan ang unang taong nasa utak ko, "Pwede mo ba akong samahan muna?"

"Papunta na ako."

**

Ilang minuto rin akong nagpaikot ikot sa mall na memoryado ko na kung tutuusin, asan na kaya yung inaantay ko?

"Milagro na ba 'to? Bakit mo ako kailangan?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ng bahagya. Nanigas naman siya bago niyakap ako. "Aj, tama na."

"Ang gago niya, Jason. Ang gago-gago niya!" Saka ako patuloy na umiyak. Lahat ng frustrations ko ay sa pagiyak ko nilabas. Mabuti nalang at gabi na tapos andito kami sa may dulo kaya't wala na gaanong nakakakita.

Tahimik lang siya habang tinatapik ang balikat ko. Nanatili kaming magkayakap habang tahimik akong umiiyak.

"Hindi kita pipiliting sabihin sa'kin kung anong nangyari," tumango lang ako bago inayos ang sarili ko.

"Salama--"

"Princess?" Nanigas ako ng marinig ang boses niya sa likod ko. "AJ?" tawag pa ni Kid.

"Jason!" Narinig ko rin ang mahinhing tinig ni Irene. Mas sumama ang pakiramdam ko.

Nilingon ko si Kid at tinignan si Irene. Umiwas ng tingin si Kid samantalang nginitian ako ni Irene. Tumikhim ako at hinarap si Jason, "Salamat sa time." Saka ko siya nginitian bago naglakad paalis. Hindi na ako nagpaalam kina Kid at Irene.

"April Janella," ani Kid na nagpatigil sa akin.

Marahas ko siyang nilingon, "Ano?" Walang emosyong saad ko.

Bumuka at sumara ang bibig niya na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy tuloy. Katagalan ay bumuntong hininga siya, "Sorry," nanatili akong walang emosyon.

Bumuntong hininga ulit siya, "Sige, ingat ka."

Tumango lang ako at sumakay na ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ay nagsimula na naman akong umiyak.

Nagmahal lang naman ako, bakit sa maling tao pa? Bakit sa kaibigan ko pa--no, bakit sa best friend ko pa?

Flashback

5 years ago...

"Kid wag ka ngang madaya!" Ngumuso ako at sinapak siya sa balikat. "Madaya ka eh!"

Tumatawang umiwas naman siya, "Hindi kaya!"

"Eh pinakialaman mo yung kamay ko! Edi sana nakuha ko yun!" Pinagkrus ko ang kamay ko at umupo sa gilid.

Tumawa naman siya pero natigil siya nang mapansing seryoso talaga ang mukha ko. Bumuntong hininga siya at niyakap ako mula sa likod. Nanigas ako at nanlaki ang mga mata, "Sorry na. Sungit naman ng prinsesa ko."

Bumuntong hininga ako at sumandal sa kanya pero hindi ako nagsalita. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi, "Sorry na mahal na prinsesa," nilingon ko siya at nakitang nakangiti na siya sa akin.

Hindi yung usual na ngisi niya kundi yung genuine na ngiti. Napatitig ako sa mga mata niya nang may marealize ako.

Mahal ko ang lalaking ito. Mahal ko ang bestfriend ko.

End of flashback

Love C. ✅Where stories live. Discover now