Chapter 19

861 24 1
                                    

Chapter 19

"You knew all about it didn't you? That's why you didn't tell me." Humikbi ako. Nakumpira ko lang ang lahat dahil sa pamumutla nila. Para bang nahuli sila ng pulis na nagnanakaw.

"Y-you remember everything now?" Tanong ni kuya.

"No! Pero sigurado akong makakaalala rin ako." Determinado kong saad. Yes, I have to remember.

"No! Kaya ka ba nagwawala kahapon? Dahil pinilit mo ang sarili mong makaalala? It's useless! You were just stupid in loving--" napatigil din ito at kinuyom ang kamao.

Naningkit ang mga mata ko, "Who kuya? Sino ang minahal ko? Who was it?"

"You don't remember?" Tanong ni mama.

"No! Tell me, who was it? Was it Kid?" Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Stop this!" Sigaw ni papa. Natahimik naman ako. Nakita ko sa mga mata ni papa ang galit at disappointment. Bumabalik na naman siguro sa kanila ang ginawa ko. Tama. I'm nothing but a disappointment.

Biglang bumukas ang pinto pero walang ni isang tumingin doon.

"Janella?" Napatingin ako sa pinto. Nakita ko si Ford na nakatayo at may dalang bulaklak. Ngumiti siya sa akin. Bigla kong naaalala ang date namin. Dinala niya ako sa Gigantes. At naging kaibigan ko siyang matalik. Pagkalapit niya sa akin ay hinila ko siya.

"You became my bestfriend, right? I'm sorry nakalimutan kita." Napansin kong nanigas siya. Lalo na ng yakapin ko siya at ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Yeah." Sagot niya lang.

Napatingin ako sa mga magulang ko. Hindi sila kasing stiff ng unang bisita ni Ford sa akin. Tahimik lang silang nakatingin. Even kuya. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero tiningnan ko ang kamay ni Ford. I was looking for a wedding ring of some sort. Pero wala akong nakita.

Nakaramdam ako ng disappointment pero hindi ko na pinansin. It's a good thing...right? Ayoko na siyang isali sa gulo ng buhay ko.

"Thank you for visiting." Nagulat ako dahil nakangiti siya sa akin pero pilit. Naamnesia lang naman ako. I'm not stupid para hindi mapansin ang ngiti niya. And for some reasons I cannot explain, nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Why?

**

Iniwan ako dito sa ospital dahil under observations pa rin daw ako at baka bigla na naman daw akong magbreakdown. I'm not sick. I feel fine pero pinaglalagi nila ako rito. Pinauwi ko na sina mama simply because I also want to be by myself. Matanda na naman ako at okay lang na mag-isa ako. At kailangan kong magmuni-muni.

Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan kung kailan pumikit ang mga mata ko at natulog.

"Am I giving you a hard time, sweetheart? You're hurting because of me. I still haven't figured everything out. Should I let you go?"

Naramdaman ko ang isang mabining halik sa labi ko. I'm half asleep pero nararamdaman ko ang kiliti sa kalaman ko at parang may kung ano sa tiyan ko. Totoo pala ang butterfly sa stomach no? Hindi lang siya basta sabi sabi. Syempre hindi literal. Yung parang may nararamdaman ka talagang kakaiba sa tiyan mo kapag may nagpaparamdam sa'yo ng saya, kaba at kilig.

In my case, kilig nga ba 'yon?

Ng idilat ko ang mga mata ko ay isang white rose na lang ang naabutan ko. Wala nang note siguro dahil sinabi niya na sa akin kung ano ang ilalagay niya sa note.

Hindi ko siya makita pero sigurado akong nasasaktan siya. Should I let you go? Naalala ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero parang sinasaksak ako ng paulit ulit sa dibdib sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko naman siya maalala pero for some reasons naaalala siya ng puso ko.

Pero isa lang ang mahal ko. Si Kid lang iyon. Hindi ba? Kahit siguro may pamilya na si Kid ay siya pa rin ang mahal ko.

Are you sure? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Sigurado nga ba ako?

Napatingin akong muli sa bulaklak. Hindi. Hindi ako sigurado dahil sa kalagayan ko ngayon marami akong hindi alam at hindi ko na alam ang totoo.

**

Nakatitig ulit ako sa huling bulaklak na natanggap ko mula kay C. Oo, huli. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay hindi na siya nagpapadala ng bulaklak sa akin. Nag-give up na ba agad siya? Napalunok ako.

Ayoko. Ayokong gumive up siya. Ako nga pinipilit kong makaalala kahit pa dalawang buwan na ang nakalipas. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. After nung may maaalala akong kaunti ay parang pinagkaitan ulit ako. Bumalik ako sa psychologist ko pero kahit sinasabi niyang mag-antay lang ako at wag pilitin ay pakiramdam ko hindi ko na talaga maaalala.

Pero hindi pa ako sumusuko. I want to remember it all. I want to remember everything. Masamang alaala man yun para sa pamilya ko, I'm sure na may magandang memory naman doon na worth it alalahanin.

"Nakatitig ka na naman diyan?" Napatingin ako sa dumating. Mga kaibigan ko. Nakangiti sila pero may awa sa mga mata nila.

"Ah eto?" Napatawa ako. Lanta na kasi ang rosas pero tinatago ko pa rin. Wala na akong matanggap pero nasa akin pa rin lahat. Tinatry ko pa rin ifigure out kung ano ang ibig sabihin ng letters pero para lang akong naghahanap ng kanto sa circle. Useless. Walang kabuluhan nga siguro ang mga letrang 'yon. Ako lang ang nagbigay ng meaning.

"Are you giving up?" Tanong ni Nicole. Napatingin ako sa kanya bago napahigpit ang hawak sa rose. Hindi ko pinansin ang pagdudugo ng palad ko sa pagkakatusok sa rosas.

"Should I?"

"Look at that wound. Alam mong magdudugo at masasaktan ka lang, pilit ko pa ring hinahawakan ang rason kung bakit ka nasusugatan. Ayaw mo ba bitiwan?" Tanong ulit nito.

Napangiti naman ako, "Pwede kong bitiwan. Pero hindi ko gagawin. Kasi kahit nasasaktan na ako, iyon lang ang pwede kong panghawakan. If I choose to let go, what would happen to me?"

"You will never know until you take a break." Ani Leann.

"Stop it, guys. Hindi ko bibitiwan to. He told me to hold on. Sumuko man siya o hindi, kakapit pa rin ako."

"Kaibigan ka nga namin. Ang tigas ng ulo mo." Natawa na lang ako sa kanila pero napatingin rin ako ulit sa nalalantang rosas. Feeling ko ako yung rosas, nalalanta rin. Hindi na kasi siya nagpapadala kaya pakiramdam ko nagkakaroon na ako ng doubts sa paghold on.

Who are you really, C? Wherever you are don't let go.

Love C. ✅حيث تعيش القصص. اكتشف الآن