Chapter 14

938 19 12
                                    

Chapter 14


"...selective amnesia. Her brain lost a certain part of her memory."


I can't believe it. It seems so surreal. May naalala naman ako sa iba pero hindi ako makapaniwalang may amensia ako. Nasa wow mali ba ako? May prank bang nangyayari rito?  I was sure it was just  November 2014. But the doctors said it's 4 years later. Meaning 2018? Nakalimutan ko ang apat na taon ng buhay ko? Imposible.


"Ano ho bang nagcause ng amnesia niya doc? Was it her accident?" tumango naman ang doktor sa tanong ni mama. Accident? Wala talaga akong maalala. Kung hindi lang sa sobrang seryoso ng paligid iisipin ko talaga ginugood time ako ng mga tao sa paligid ko. At kung hindi lang dahil sa hindi ko pa rin magalaw na paa ko at hindi ako maniniwala na may accident ngang nangyari.


"Pwedeng iyon. Pwede rin kasing psychological factor naman ang cause. Maybe she experienced a shocking or unacceptable situation that may be too painful to remember, and the situation is then retained only in the subconscious mind." nagkatinginan naman ang mga magulang ko. Si kuya ay kuyom lang ang kamao.


"I have to go. April, I'll check on you again tomorrow or anytime tonight. Tell you parents what you feel okay?" ani doktora. Tumango lang ako.


"Okay ka lang, AJ? Do you feel anything?"


"Yes. I feel uncomfortable. Tell me everything ma. Hindi ko na alam kung paano ako lulugar o gagalaw. Pakiramdam ko naman walang nangyari sa akin. Pakiramdam ko naman walang kulang pero sinasabi niyong may nakalimutan ako. At nababahala ako sa ekspresyon ni Ford ng sabihin kong magkaibigan kami." sasagot na sana si mama ng sumabat si kuya.


"Don't mind, Ford. Naging matalik na kasi kayong magkaibigan kaya nalulungkot rin siya sa nangyayari sa iyo. Gusto rin naman niyang maalala mo siya."


"Eh bakit ganun ang reaction niya?"


"Natutuwa lang yun na naalala mo pa siya." ani kuya pero malaki ang paniniwala ko na nagsisinungaling siya.


**


"Hoy!" napatingin ako kay Tine na kasama ko ngayon. "Anyare sa'yo?" umiling lang ako. Nagtatampo pa rin ako sa kanila. Kahit sila ayaw sabihin sa akin kung anong nangyari. Papaano ko naman maaalala ang nakalimutan ko kung hindi nila sinasabi sa akin?


"Pasensya ka na, AJ. Wala ka taagang kinukwento sa amin eh. Nagulat na lang kami ng malaman naming naospital ka dahil nasagasaan ka ng truck. It's actually a miracle that you're alive. Nevertheless natutuwa kami at buhay ka." ngumiti nalang ako.


"Alam mo, AJ? Some memories are okay to be forgotten." makahulugan niyang saad.


"What do you mean?"


"Maybe, you've been hurting so much that you're brain decided to not remember anymore."


Napaisip naman ako sa sinabi niya. Gusto ko pa nga bang makaalala? Oo. Para kasing bigla akong nagtime travel eh. Hindi ko tuloy alam anong nangyari in between. Sa memory na meron ako it was just 2014 pero habang nakatingin ako sa mga anak ni Tine, naniniwala na ako na may nakalimutan nga ako. Isang buwan lang naman daw akong natulog so hindi ko pwedeng sabihin na inimagine ko lang lahat dahil ang naalala kong si baby thoren lang ay may kapatid na. Hindi naman nagagawa yon sa isang buwan lang.


"Ate! Ate!" napatingin ako sa batang lumapit sa akin. Nandito ako sa garden ng ospital at may mga pasyente rin na gaya ko rito. Ngumiti ako sa bata, "Yes?"


May iniabot siyang white rose. Napatingin naman ako rito, "Pinabibigay po sa inyo."


"Nino?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at bumalik na sa kung saan man siya galing. Inamoy ko ang rose at napangiti. Sino naman kayang magbibigay nito? Nakpa ko ang isang papel na nakaattached sa stem ng rosas.


"I'll wait till you remember me." basa ko sa maliit na note. Biglang kumabog ang dibdib ko. So ang nagbigay nito sa akin ay someone na kilala ko at alam kung anong nangyari bago ako maospital? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero maliban sa nagkalat na mga watcher ng pasyente at mga pasyente ay mga nurse o doktor lang ang nakikita ko. Walang kahina-hinala.


Binasa ko ulit ang note at may napansin sa dulo.


"Love, C."


-------------------------------

WAG PO MAGULUHAN SA TIMELINE. THANK YOU!

Love C. ✅Where stories live. Discover now