Chapter 30

1K 37 0
                                    

Chapter 30

"Sir! Andito na sina Walker. Kasama ang mga pulis." Narinig ko ang pagmumura ni Marquez.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang panga ko. "You'll suffer the consequences of his actions." Saka ako binitiwan.

"Ikabit niyo ang bomba sa katawan niya. Ngayon na."

Nanginig ako sa sinabi ni Marquez. Umiling iling ako habang kinakabit nila sa akin ang bomba. Ramdam na ramdam ko ang mga wires. Maya maya ay wala na akong narinig na ingay dito sa loob maliban sa sigawan at putukan na nasa labas.

"Alisin niyo 'to! Please!" Sigaw ko pero walang nakakarinig. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Janella!"

Napahagulhol ako ng marinig ko ang boses ni Ford. He's here. He saved me. Narinig ko siyang nagmura. Tinanggal niya ang takip sa mga mata ko. Kitang kita ko ang galit niya lalo na ng makita niya ang kamay ko.

"Baby, baby calm down. I'll ask for help. I will save you." Hinalikan niya ako sa noo bago tumayo. Nagpanic ako kaya't hinawakan ko ang kamay niya.

"Ford please! Wag mo akong iwan. Natatakot ako Ford. Please."

"Damn it. This is all my fault." Nakita ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. Nawala ang focus ko sa bombang nakakabit sa akin. He cried. The almighty Ford cried.

"Shh. We'll survive this together. I'll ask for help." Aniya at umalis.

Ni minsan hindi ko naisip na magiging ganito ang buhay ko. Biglang nagflash ang memories ko kasama ang mga kaibigan ko. Kasama ang pamilya ko. At nung kasama ko si Ford.

"Love, C?"

"I'm Christian Ford R. Walker. Nice to meet you."

"Don't tell me you recorded that."

"Then I won't tell you."

"Janella, baby? He's here to help." Napatingin ako kay Ford na may kasamang lalaki. Binalingan niya ang lalaki, "Save her. Now!"

Nag-angat ako ng tingin at nakita sina mama, papa at kuya. Lahat sila hilam ng luha. It's not everyday na makikita mo ang anak mo o nakakabatang kapatid na may bomba sa katawan. Mom is crying while Dad and Kuya is shouting something. Wala na akong maregister. Wala ng boses na pumapasok sa tenga ko.

Maliban sa dalawang salita.

"It's done."

**

Malamig ang simoy ng hangin at dinadala nito ang buhok ko habang nakaupo ako at nanunuod sa mga bata. Mga batang naghahabulan na para bang yun lang ang problema nila sa buhay. Minsan napapaisip ako na sana bata na lang tayo lagi. Na ang poproblemahin lang natin eh kung anong laro ang lalaruin, kung anong laruan ang in, at kung papaano sasagutan ang lesson sa school.

Pero hindi maitatanggi na lahat tayo tatanda at mararanasan kung ano talaga ang buhay. Bahagi ng pagtanda ay ang pagmamahal.

"Babalik din siya, I'm sure." Napatingin ako sa katabi ko. Si Tine. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.

It's been months since that fateful day. As you can see, I was saved. Pero pagkatapos nun ay hindi ko na nakita si Ford. Ang sabihing hindi ko siya hinahanap ay kasinungalingan. I miss him. I badly want to see him pero tuwing hinahanap ko siya hindi ako sinasagot nina mama.

Hindi ko kailangan maging genius para malaman kung anong nangyayari. Pinalayo nila sa akin si Ford. Siguro dahil sa tingin nila ay hindi kami bagay ni Ford dahil lagi akong nasa bingit ng kamatayan kapag magkasama kami.

But that's the thing they cannot understand. Mahal ko si Ford, with or without the troubles he bring. I love him for him.

I want to fight for him lalo na ngayon na wala ng gulo at alam ko na hindi naman pala sila kasal talaga ni Luciana. Pero paano ko gagawin yun kung hindi ko naman siya makita? Tinanong ko na ang magulang ni Ford, tinawagan ko na sila, pero mukhang pati sila ayaw sabihin.

Ang tagal tagal na at wala man lang ni isang paramdam mula sa kanya.

"Alam mo? Sumama ka nalang sa akin." Sabi ni Tine out of the blue. Nagtaka naman ako pero sumama pa rin.

Dinala niya ako sa restaurant nitong resort. Napangiti ako, gutom lang pala mandadamay pa. Nauna akong pumasok sa kanya. Sabagay nakakaramdam na rin naman ako ng gutom. And their food looks appetizing.

"Oh bakit tayo nandito? Libre mo ako no?" Tanong ko at nilingon siya pero napanis ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang nasa likod ko.

"Ford..."

"Hey baby," aniya at ngumiti. Mas gumwapo siya at clean cut na ang buhok. His gray eyes look like pools of melted silver because of the lighting na ngayon ko lang napansin. Biglang nanikip ang dibdib ko at nangilid ang luha ko.

He's here. Damn it.

Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya. Saka na ako humagulhol sa leeg niya. "Where the hell have you been?"

"I have to prove myself worthy to your parents."

"What do you mean?"

"Sa akin nalang 'yon. The important thing, payag na sila sa atin." Napangiti ako at walang pasabing hinalikan ang labi ni Ford. Walang atubili naman siyang sumagot.

I missed him. Seems like he missed me too. Dumidiin ang paghawak niya sa bewang ko palapit sa kanya. Pero humiwalay na siya bago pa man namin ipahiya ang sarili namin.

"Let's eat?"

Sinapak ko siya sa braso. "How could I eat kung wala na sa pagkain ang atensyon ko?"

"Trust me you'll want to eat. Umupo ka na tatawagin ko lang ang waiter."

Napatingin ako sa paligid at buti nalang kami lang ang narito sa restaurant ngayon. Kaya naman pala. I'm sure kasabwat niya ang mga kaibigan ko and I'm thankful for that.

"Waiter!" Tawag niya.

Nagulat ako ng may pasta na dumating sa table namin at may menu din. Napakunot ang noo ko. "Who ordered that?"

"I did." Sagot niya at nginuso ang menu. "Thank you." Baling niya sa waiter kaya't umalis na ito.

"Tikman mo ang pasta nila then open the menu. Hahanap tayo ng ibang food. Balita ko masarap ang food nila rito. But first things first, tikman mo muna yang seafood pasta nila." Napailing nalang ako sa kalokohan niya saka sumubo ng pasta.

Saka ko binuksan ang menu dahil nagbukas na rin siya. Halos mabulunan ako ng mabasa ko ang nakasulat sa menu.

Imbes kasi na pagkain ay isang letter ang bumungad sa akin.

April Janella Fernandez,

I missed you. I'm sorry for being gone for so long, I just have to fix a few things for this. Janella, I'm not good with words and you know that. I'm not romantic and I'm sure you are aware of that. But I'll disregard those weaknesses I have for you.

Your mom was right, I bring more trouble than worth. But despite of my troublesome work and nature, will you be my other half? My equalizer and the one to balance when everything is getting out of hand?

Will you accept the privelage of being a Walker?

P.S. I don't accept a no. It's not included in your rights at the moment.

Love, C. 

Love C. ✅Where stories live. Discover now