Chapter 6

1.1K 24 4
                                    

Chapter 6


Napakadaling umiwas. Kung literal na pag-iwas lang naman ang paguusapan. Napakahirap makalimot. Kasi kahit anong pilit mong ibaling ang atensyon mo sa iba, alam mong pag wala ka nang ginagawa, siya na ang susunod na papasok sa utak mo.


I've been avoiding Kid like a plague for two years. Yes, that long. It's already been two years. I tried so hard to forget him, but I can't understand why I can't.


And what's worse is that he's already getting married next week. I'm invited but I don't plan to attend the wedding. Di ako pwedeng magpahipokrita at magpakita doon na para bang masaya ako because honestly, I'm not. I'm still not happy.


Nagtatrabaho na ako ngayon. In fact, hindi na ako nakatira sa parents ko. I'm living in my own apartment and I'm already independent. Nalungkot nga si mommy kung bakit daw kelangan ko pang lumipat e pwede naman daw na nasa bahay na lang daw ako.


As much as I want to, di ko magawa. Aside sa gusto ko talagang magsimula sa wala at paghirapan lahat ng meron ako, gusto ko ring iwasan si Kid. After that kiss, we were never the same. Hanggang ngayon di ko parin alam ang ibig niyang sabihin at wala na akong planong alamin yun. Ayoko nang umasa.


At saka isa pa, tanggap ko nang hindi talaga kami sa isa't isa ni Kid. Medyo mahirap dahil mahigit labindalawang taon ko siyang minahal--minamahal pero ganun talaga eh. Hindi ako masaya dahil sila parin hanggang ngayonpero wala naman akong planong sirain sila. Hahayaan ko nalang kung anong meron sa amin ngayon.


Sila nagmamahalan at ako, bilang isang kaibigan.


Nakakatawa. Kaibigan nga bang talaga? Hindi ko siya kinausap kaya hindi na rin ako maituturing na kaibigan. Isa pa, I fell in love with my best friend. That's freaking normal but unfortunately awkward.


Napatingin ako sa radio nang bigla itong magplay. Nairita ako sa kantang pinlay nito. Kasalukuyan kasi akong papunta sa bahay para magdahilan na hindi ako makakapunta sa wedding ni Kid. I have a plane ticket with me going to London. I think I need a break. I mean, ikakasal na siya at I think kelangan ko rin 'yon. The problem is, the date will be after the wedding. Pero tingin ko naman mailulusot ko ito.


Di mo lang alam

Naiisip kita

Baka sakali lang maisip mo ako

Di mo lang alam

Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli


Nasira na nang tuluyan ang mukha ko. I recognize that song. Oo by Up Dharma Down. Ano ba naman yan. Gusto ko rin naman sanang ilipat ang radio pero mukhang may sariling isip ang mga kamay ko dahil ayaw nila gumalaw para ilipat ang channel ng radio.


Nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon

At ngayon ako'y iyong iniwan

Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan

Sana'y nagtanong ka lang

Kung 'di mo lang alam

Love C. ✅Where stories live. Discover now