Chapter 15

992 20 4
                                    

Chapter 15

"Love, C?" binasa ko ng paulit ulit ang note habang nakahiga sa kama ko. Pilit kong iniisip kung sino ang C na ito. Pero dahil nga mukhang totoo na talaga na may amnesia ako, sige paniniwalaan ko na kilala nga ako ng C na ito.

"Good Morning, ma'am! Breakfast po." Ani ng nagdadala ng rasyon. Tumango lang ako pero napatigil ng makita ang isang pamilyar na bulaklak sa ibabaw ng rasyon. Nilingon ko ang nagbigay pero sarado na ang pinto. Bumaba ako ng kama habang akay-akay ang IV ko at sinilip ang labas. Maliban sa mga naglalakad na nurse ay hindi ko na nakita ang nagdadala ng rasyon.

"Oh? Bakit ka nandyan?" Tanong ni mama sa akin. Umiling lang ako at pumasok na ulit sa loob.

Lumapit ako sa tray at kinuha ang white rose.

"Get well soon, sweetheart." Napalingon ako kay mama dahil binasa niya ang nakasulat sa letter. Namula naman agad ako at tinago ito.

"Mama naman."

"Sinong nagbigay niyan? Aba! Pasweet heart sweetheart pa ah!" Nanunudyo ang boses ni mama. Ibig sabihin hindi niya rin kilala? Napabuntong hininga ako.

"Hindi ko nga rin alam ma eh." Saad ko at tiningnan muli ang letter.

Get well soon, sweetheart. See you when I see you.

Love, C.

Sino ka bang C ka? Wala naman akong maalalang C--

Christian Kid.

Napailing ako. Imposible talaga. Sa tinagal tagal ko rito, hindi ako binisita ni Kid. Imposibleng siya ang nagpadala nito.

Pero paano kung siya nga? Usisa ng isang parte ng utak ko.

Kinikilig ka kasi iniisip mo si Kid?

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko na umasa kay Kid. Mahirap magmahal ng taong hindi ka naman gusto. Pero hindi ko maitatanggi na andito pa rin siya sa akin.

"Love, C. Sino ka ba talaga C? Kaano ano ba kita?"

**

"Kuya," tawag ko kay kuya na sa kasalukuyan eh nanunuod ng tv.

"Ano? Busy ako. Wag kang magulo."

Sinamaan ko ito ng tingin kahit di niya naman kita. Pambihira. "Grabe naman! May itatanong lang!"

"Ano 'yon?" Di pa rin siya humaharap sa akin. Nagmake face ako bago nagtanong.

"Tingin mo, dapat ko pa bang alalahanin ang memories na nakalimutan ko? Was it worth it? Or okay lang na di ko yun maalala? Nakakapagtaka lang talaga kuya eh. Bakit naman pilit na kakalimutan ng utak ko ang certain memories? Pero naaalala ko pa ang pagkabroken hearted ko kay Kid. Dapat yun na lang ang inalis!" Naiinis na himutok ko.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ng mariin sa akin si kuya. "Ano?" Tanong ko.

"Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong hindi mo na maalala muli ang mga memories na 'yon."

"Ganun ba talaga yun kasama kuya?" Curious kong tanong. Kahit si Tine nung nakausap ko siya, parang ayaw niya na ring maalala ko pa ang nakalimutan ko. Pero kahit gustuhin kong ipagwalang bahala ang nakalimutan ko, ayan naman si Mr. C na ayaw ata ipalimot sa akin. Lagi niyang pinapaalala na kelangan kong maalala ang nakalimutan ko, kung ano man 'yon, sa pamamagitan ng letters niya.

"Do you know what happened to you, AJ?"

Napailing na lang ako. Seryosong seryoso si kuya na nakakakaba na siya. Hindi ata ako sanay na ganito siya kaseryoso.

"Nasagaasan ka ng isang truck at lumusot sa ilalim nito. You were televised dahil hindi pambihira ang nangyaring iyon sa'yo. The doctors almost gave up on you. You were on life support for 2 weeks." Lumunok siya.

Oh my God. Two weeks din akong nakalife support?

"The reason why I don't want you to remember anything was because you're crying before you got hit by the truck. Umiiyak ka at yon ang rason kung bakit ka nasagasaan. Wala ka wisyo habang tumatawid. Kung ano man ang nagpaiyak sa iyo that time ay ayoko nang maalala mo pa. I don't want anything to happen to you again." Seryosong saad ni kuya.

I weighed everything. Maybe. Kung umiyak ako ng ganun, to the point na muntikan na akong mamatay, then maybe may masakit talagang nangyari sa akin.

Do I want to remember that?

Part of me wants to say yes but a bigger part of me says no.

Siguro nga may mga bagay na hindi na dapat alalahanin.

**


"Buti naman nakalabas ka na!" Nakangiting bati ni Nicole sa akin. Andito sila ngayon sa bahay. Kakalabas ko lang kahapon at ngayon lang nila ako napuntahan.

"Oo nga eh. Putakte nabuburo na ata ako doon sa ospital." Iritadong saad ko na nagpatawa sa kanila. Nakatingin ako sa mga anak nila. Lahat sila may anak na. Even Nicole na kasal na pala. Grabe ang dami ko talagang hindi maaalala. But nevermind. Hindi ko na ipipilit. I'm willing to make new memories naman eh. Kesa ipilit ko na alalahanin ang hindi naman kailangang alalahanin.

"Kiss tita AJ." Ani Tine sa mga anak. Lumapit naman ang tatlong cute na cute na bata sa akin at nagkiss sa pisngi ko.

"Tita can we play again? That hangman?" Tanong ng babaeng anak ni Tine. Napatingin ako kay Tine ng alanganin. Hindi ko kasi maalala ang anak niya. Baka maguluhan naman ang bata.

"Tabitha Marielle, you're tita is not feeling well pa. Next time nalang okay?" Napahinga naman ako ng maluwag. Ngumiti naman siya sa akin.

"Jacob, where's your dad?" Tanong ng anak ni Jensen na lalaki sa anak ni Nicole. So I'm guessing Jacob ang anak ni Nicole.

"Work." Tipid na sagot ng huli. Nagkibit balikat na lang din ang anak ni Jensen na si Jonir. Yung mga naunang bata lang ang naalala ko. Sina Kirsen, Jonir, Thoren, Rafael at yung anak ni EJ na si Jordan. Yung iba hindi ko na maalala.

"How many kids do you want?" Tanong niya sa akin habang pinatong ang baba niya sa balikat ko. Natawa naman ako. "I'm a strong believer of sex after marriage but to answer your question I only want two kids." Natatawang saad ko.

Kinagat niya ang tenga ko, "Then let's start making the first kid." Saka siya humalakhak.

"Tita April are you okay?" Rinig kong tanong ng isang bata sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na makilala kung sino sa kanila ang nagtanong.

"Ah!" Sigaw ko habang sapo-sapo ang ulo ko. Ang sakit! Patigilin niyo na please!

"April!" Was the last thing I heard bago ako mawalan ng malay.

Love C. ✅Where stories live. Discover now