Chapter 21

955 25 12
                                    

Chapter 21

"Kid?" Nanginginig kong saad. Napatingin ako sa batang hawak niya. Kamukhang kamukha niya nga ang bata. Anak niya. Ngumiti naman sa akin si Kid. Mukha na siyang matured. Ibang-iba sa naaalala kong Kid sa isip ko.

Kinabahan pa ako.  Napapahigpit ang hawak ko kay Jake. "Aray po tita." Agad ko namang nabitiwan at minasahe ang nasaktang kamay ng bata.

"Sorry, Jake. Di sinasadya ni tita." Paumanhin ko. Yayayain ko na sana si Jake paalis nang hilahin ako ni Kid.

Ang lakas ng pintig ng puso ko ng mapatingin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Malakas ang pintig ng puso ko pero hindi dahil sa nararamdaman ko sa kanya. It's more like natatakot ako. Natatakot akong maconfirm ko na siya nga ang lalaking tinutukoy sa panaginip ko.

"I have to go." Ani ko.

"Stop, princess. I need to talk to you." Napatingin ulit ako sa kanya. Nakita kong binitiwan niya ang anak. "Baby girl? Can you play with kuya Jake?"

"No!" Ani ng bata. Ngumuso pa ito.

"Come, bata! Let's play!" Ani Jakiro at hinila na ang anak ni Kid na ang pangalan ay Charity.

Tiningnan ko nang tumakbo ang dalawang bata papunta sa see-saw. "She looks like you with a mixture of Irene. Ikaw lang ang nagenjoy no?" I said to break the ice. Sabi niya mag-uusap kami. Bakit nakatitig lang siya sa akin? Talagang may mapaguusapan kami kung ganyan lang siya.

"You're not in love with me anymore." Halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa kanya.

"W-What?"

"I heard what happened. Na ang memory mo ay umatras four years ago. Ibig sabihin sa isip mo, ako pa rin ang mahal mo. Right?"

Hindi ako sumagot. I want to say yes pero iniisip ko yung nakita ko sa panaginip ko--Argh, damn you, Aj. Hindi nga 'yun panaginip. That's your memory.

"Well, you don't love me anymore." Nakangiting saad pa ni Kid. "Matagal-tagal na rin, AJ."

"Sweetheart." Bigla kong banggit. Napanis naman agad ang ngiti sa mga labi ni Kid. Napatitig siya ng mariin sa akin. "In my memory, there is someone who calls me sweetheart. Halos magkatimbre ang boses niyo, Kid."

Walang emosyon sa mukha niya. Gusto ko na tuloy kabahan na baka siya nga si C. Christian Kid. Malaki ang posibilidad.

"Ikaw ba si C?" Matapang kong tanong. Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at halikan.

Gumalaw ang labi niya pero hindi ako tumugon. Nandidiri ako. Instead mabilis pa sa alas kwatro ko siyang tinulak at sinampal. "How dare you!" Mariing saad ko. Ayoko sumigaw. Ayokong marinig ng mga bata.

"That should answer your question, princess. Am I C?" Nakangiti niyang tanong sa halip na magalit.

Muli kong inalala ang halik. Wala akong naramdaman maliban sa pandidiri. Wala na yung butterfly sa tyan ko na nagwawala. Wala na rin akong kilig na maramdaman.

No. Hindi si Kid si C.

"Hindi ka si C?" Patanong kong sagot. Tumawa naman siya.

"Princess, kapag nakaalala ka na. Lagot ka sa kanya. And yes, I know him princess. Kilala ko ang lalaking minamahal mo sa kasalukuyan."

"Sino siya Kid? Tell me." Malungkot na umiling si Kid.

"I can't. I promised him. And besides, hindi pa ito ang tamang oras para magkita kayo."

**

Nakatingin ako sa kisame sa kwarto ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bagong cellphone dahil hindi ko na maaalala ang password ng dati. Pero andito pa rin sa akin 'yon.

Love C. ✅Where stories live. Discover now