Chapter 18

883 24 5
                                    

Chapter 18

"Hi!" Mukha niya agad ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Nalaglag ang panga ko dahil ang gwapo gwapo niya na para bang hindi kami nag-inuman nung isang gabi...or kahapon?

"Take a picture. It'll last longer, you know?" He chuckled. Namula naman ang mukha ko.  Baliw talaga.

**

"Ang ganda naman dito!" Nung sinabi niyang magbihis ako ng kumportable at magdala ng panligo, inexpect kong sa pool niya ako dadalhin. Wala eh, assuming ako eh. Yun pala, hindi niya ako sa pool dadalhin kundi dito sa mala-paraisong lugar na ito. Sa Gigantes Island na tinatawag.

"I can't believe we travelled from manila to iloilo para lang pumunta rito. But nevertheless, I love it! Ang mahal mo namang makipagdate!" Ani ko. Natawa na lang siya sa akin.

Isa sa napansin ko sa lalaking 'to, ayaw magsalita. Mapapanisan 'to ng laway.

**

"Hello." Bati ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Walang emosyong makikita sa mga mata niya pero alam kong galit pa rin siya sa akin. After ng paguusap namin new founs friend kong si Ford, narealize kong kelangan kong kausapin si Kid.

Hindi madaling i-give up ang pagmamahal ko sa kanya ng ilang taon. Kahit pa nasasaktan ako noon, hindi ako bumigay. Ngayon pa ba?

"What are you doing here?"

"Please talk to me,"

"No. Leave." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Ang pag-iwas niya sa akin ay one thing  but him rejecting me face to face is a big slap to me. Sana nga sinampal na lang niya ako pero hindi yung ganito. Ayaw niya akong kausapin.

"Please, Kid. Bakit ba ang dali sa iyo na ipagtulakan ako. Sabi mo diba, kung sinabi ko lang sa'yo, ako ang pipiliin mo?" Humihikbing saad ko.

"That was a mistake. I shouldn't have said that. Kasi hindi yun totoo. Kahit anong gawin ko, I will love Irene and Irene alone."

"May sakit na siya, Kid. Hindi ka na niya makakasama ng matagal!" Sigaw ko. I'm not a desperate woman. Pero siguro nga, I love him too much na kaya kong manira ng relasyon ng may relasyon.

**

Isang sampal ang sumalubong sa akin pagdating ko sa bahay. Napatingin ako sa sumampal sa akin. Hindi siya pamilyar sa akin at lalo namang hindi ko ito kilala kaya anong karapatan niyang sampalin ako?

"How dare you?" Asik niya.

"Shouldn't I be the one to say that? How dare you?" Mariin kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Are you stupid? Or maybe you're just plain cruel? May asawa na ang kaibigan ko. She needs him more than you need him. Mabait lang talaga ang kaibigan ko kaya hindi ka na niya sinugod pero ibahin mo ako!" Nagwawala na ito at napapatingin na sa amin ang mga tao.

Ganito pa naman dito, hanggat may tsimis, buhay na buhay ang mga kaluluwa nila. Kahit gabing-gabi na.

"Sa loob tayo mag-usap please." Pakiusap ko. Ayoko ng gulo. Ayokong matsismis.

"Ano? Nahihiya ka? Sana inisip mo yan bago ka kumalantari sa asawa ng kaibigan ko!"

"Shut up!" Sigaw ko rito. Halata namang nagulat ito at natakot. I have no time for jokes right now. "You don't know a thing about our story."

"You don't know a thing about my friend's condition as well! Kailangan niya si--" pinutol ko na siya.

"Alam kong kailangan niya! Kung alam ko lang pinakawalan ko na siya nung simula pa lang! But I can't not now."

"Kahit alam mong sa ginagawa mo ay isa ka ng kabit?"

**

Nagising ako at napaupo sa kama ko. Yakap yakap ko ang sarili ko. Hindi ko na pinansin ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. I am a mistress. But sino? Sinong asawa ang pinatulan ko? Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Paano ko nagawa 'yon?

Lumakas ang hagulhol ko at umiling. Hindi ko akalaing magagawa ko 'yon. Sumigaw ako ng pagkalakas lakas habang nagwawala. No! Hindi ko matanggap na naging mistress ako. Putol putol ang panaginip ko--no. Hindi yon panaginip. Memories ko 'yon na nakita ko sa isang panaginip. It did happened. Or maybe not? Sana nga bangungot lang 'yon pero pakiramdam ko totoo.

Natatakot ako. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Kailangan ko nang makaalala. Pinukpok ko ang ulo ko habang sumisigaw. Patuloy rin ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Ayoko nito! Hindi yon totoo! Hindi ko yon magagawa! Panaginip lang 'yon dahil hindi ko iyon magagawa!

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko sina mama, papa at kuya na pumasok. Sa labas naman ng pinto ay nakita ko ang mga katulong na halatang nag-aalala rin. Pero wala akong pakialam. I have to know everything! Kailangan kong makasiguro na hindi ko yon ginawa. I can't do that! I didn't do that!

"Hindi ko 'yon ginawa! Hindi! Hindi!"

**

"Hija, are you okay? Please talk to us. Kahit sa psychologist mo ay hindi ka nakikipag-usap. Please, we need to know what's happening." Tumulo lang ulit ang mga luha ko. I can't talk kahit anong gawin ko. Hindi ko rin alam bakit. Parang biglang nag-shut down ang utak at bibig ko at pinagkaisahan ako.

Binibisita rin ako ng mga kaibigan ko. They all want to know what's happening to me pero hindi ko masabim i can't bring myself to tell them everything. Kinahihiya ko ang ginawa ko.

Nagdadalawang isip na ako sa pag-alala sa memories na nakalimutan ko pero alam kong kailangan kong maalala. I have too. Kelangan kong malaman kung paano ko naatim na magawa 'yon. I can't be a home wrecker.

"Please, AJ. Stop crying. Nasasaktan din kami pag umiiyak ka. Tell us what's wrong please." Nakita kong umiiyak na rin si mama pero hindi ko talaga masabi.

"She's experiencing a trauma and a breakdown. We can't force her to tell us what's happening but talking to her can help." Ani doktora.

I badly want to scream 'No!'. Talking won't help me. I l'm better off alone. Dapat iniiwan na ako dito. Ayokong may makausap. Gusto ko lang mapag-isa. Nahihiya ako sa ginawa ko. Ayokong malaman nila---

Napatingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila ayaw na maalala ko ang nangyayari sa akin. Nanginig ang kalamnan ko. They knew.

"Y-you knew?" Mahina kong saad. Para akong hindi nagsalita ng isang taon. My voice was hoarse at ang sakit magsalita.

"Ang ano? Hindi ka namin maintindihan."

"That's why you don't want me to remember. You knew. You knew what happened to me." Isa isa namang namutla ang mga magulang at kapatid ko.

Love C. ✅Where stories live. Discover now