Chapter 28

1K 27 2
                                    

Chapter 28

"Usually, when you make rash decisions, you regret it." Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, "Are you regretting it?"

Tinitigan ko si Nicole na nasa harap ko. Hindi ko alam. Do I? Do I regret pushing Ford away from me? But I did the right thing. Hindi niya pa ako kaya piliin. Kung bakit hindi ko alam. Pero nung sinabi ni kuya na may nagpapanggap na siya? Talagang nadown ako. Pakiramdam ko I'm not deserving enough para magstay siya sa akin.

"Stop overthinking. It makes everything worse than it really was." Sabi ni Leann habang nakaharap sa cellphone niya. Nginisihan niya ako ng mapatingin ako sa kanya, "Sabi dito sa quote na sinend sa akin. Aba, uso pa pala 'to 'no?"

"Tigilan niyo nga 'yan. Baka mag-bigti na yan sa sobrang lungkot." Ani Jensen sabay tawa na sinabayan naman ng mga loka loka kong kaibigan. Sinimangutan ko lang sila. Hindi naman ako gaano pala kwento kaya nga wala sila masyadong alam sa nangyayari sa akin pero narealize ko kasi na dapat ata may pagsabihan ako kasi baka mabottled up yung mga emosyon ko na hindi ko mailabas at pumutok katagalan.

"Wag mo kasing isipin masyado, kung sa tingin mo ay tama lang yung ginawa mo. Edi tama nga. We trust your judgement."

**

"Kelan ka babalik sa trabaho?" Napatingin ako sa likod ko. Nanginig ang labi ko at saglit na natulala.

"Ford..." tumikhim ako, "Anong ginagawa mo rito?" Binalik ko ang tingin ko sa garden at hindi na siya pinansin. At least I tried to. It's hard to pretend that he's not there.

"I think it's best na wag ka munang pumasok." Ewan ko pero nainis ako at hindi niya ako sinagot. He's acting indifferently. At naiinis ako. Damn him.

"Is that so?" Nilingon ko siya at nginitian. "Then papasok na ako next week."

Kumunot ang noo niya, "Are you even listening to me? Didn't you hear what I just said? It's better if hindi ka muna papasok and here you are saying na papasok ka next week? Be reasonable."

Nawala ang ngiti ko. Nasaktan ako. Damn me and my sensitivity. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumayo na. Hinawakan niya ako sa wrist ko. "You might think that I don't care but I do. I care because I--" hindi ko na hinantay na tapusin niya ang sasabihin niya at hinila ko na ang kamay ko at umalis.

Part of me don't want to hear what he has to say. Alam ko kung anong sasabihin niya pero parang ayokong marinig. Not now. Maybe next time.

Tumigil ako at nilingon si Ford. Nakayuko siya at alam kong nakakuyom ang kamao niya. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

**

"Sigurado ka na?"

"Oo naman. Baka maubos na ang sick leave ko." Nakangiti kong sagot kay kuya habang nananalamin.

"Take care, AJ. I mean it." Ngumiti ako at humarap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang clingy niya ngayon. Pero naiintindihan ko siya partly. Ikaw ba naman magkaroon ng kapatid na accident prone.

"Yes, Kuya."

"I don't feel good about this. Stay for today, AJ." Seryosong saad ni kuya. Kinabahan naman ako sa pinagsasabi niya pero hindi  pa rin ako nagpapigil.

"Chill, kuya. I'll be fine. I have my phone with me. I'll text you. Bye!" Saka ako lumabas ng bahay at pumunta sa kotse ko.

Nang makarating ako sa office. Nagtanong lang ang mga kaofficemates ko kung anong nangyari sa akin. Medyo nakakahiya nga dahil matagal na matagal talaga akong nag-absent at natambakan ako ng trabaho.

Love C. ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora