Prologue

2.7K 47 6
                                    

Prologue

Hindi niya alam kung papaano papatahanin ang batang babaeng ngumangawa sa harapan niya ngayon. Napangiwi siya. "Bata tigil na naaalibadbaran na ako sa iyo e." saad niya sa bata. Ang dapat na iparating nang mensahe niya ay tumahan na ang bata pero ang pagkakaintindi nang batang babae ay inaaway siya nang batang lalaki kaya't mas lumakas ang ngawa niya.

"Nge?" gulat na saad nang batang lalaki nang mas lalong umiyak ang babae. Pinatatahan niya lang naman ito ah? Anong nangyari?

Isang babae naman ang dumating at nagulat sa inabutan niyang eksena, "Jake anong nangyari dyan?" natatawang tanong niya base na rin kasi sa itsura nang inaanak niya hindi nito alam kung papaano patatahimikin ang batang babae.

Nagkamot naman nang batok ang batang lalaki, "Tita naman kasi umiiyak siya sinabi ko po na tumigil na siya at naaalibadbaran na ako." inosenteng saad nang bata. Muntikan naman siyang mapa-palo nang noo. Ano ba ang gagawin niya sa batang ito? Nasobrahan ata sa pagka-prangka. Manang mana talaga sa kaibigan niya.

Tiningnan niya ang batang babae at inalo ito, "Shhh. Wag ka nang umiyak. Asan ang mama mo?" tanong niya dito pero nakatitig lang sa kanya ang bata. Familiar sa kanya ang mata nang batang babaeng ito. Parang nakita niya na sa kung kanino ang mga mata nito.

Panandalian niyang naramdaman ang inggit ang kagustuhang magka-anak.

"Charity?" tawag nang isang pamilyar na boses na siyang ikinatigil niya. Oh my Gosh. Ngumiti nam ang bata at tumakbo palagpas sa kanya, "Papa!" saad nang batang babae. Papa?

Tumayo siya at itinabi sa kanya ang inaanak na nakatitig sa kanya, "Okay ka lang tita? Maputla ka po." saad nang bata. Ngumisi lang siya. Akmang maglalakad na sila nang may tumawag sa kanya, "AJ?" di makapaniwalang saad nito. Nakagat niya naman ang labi niya. Patay na. Humarap siya at nakita ang taong ilang taon na siyang ginagayuma.


--------------------


Boinks! Reposted. Haha. Ang gulo ko, ipopost ko tapos iuunpublish ko kasi magulo. Pero eto seryoso na. Haha ipopost ko na 'to kasi napag isipan ko na ng matindi ang plot nito. Haha. Excited na akong maibahagi sa inyo ang kalikutan ng utak ko.


Pasensya na talaga sa mga naunang readers nito. Haha speacially, junehaven
 peace be on earth.


Enjoy!


Love C. ✅Where stories live. Discover now