Chapter 22

923 23 5
                                    

Italic words are her memories. Remember chapter 13? After April and Ford's midnight 'date'? Eto yung sunod na nangyari. Intindihin niyo na lang. Magulo ako magexplain eh. Baka lumala. Haha! Btw, the picture above is not mine. Credits to google for the photo.


------------------------------------


Chapter 22



Pagkapasok ko sa bahay ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. I have to admit. Having a new friend sa katauhan ni Ford ay nakakagaan sa pakiramdam. Biglang nag-ingay ang cellphone ko kaya napatingin ako dito. Napangiti ako ng makita kong si Ford pala ang nagtext.


From: Ford the car

Wear something comfortable. Wag ka magdress. See you on Saturday, April the month. =D


Natawa naman ako lalo nang mabasa ang text. After all these heartaches, si Ford lang ang nagpatawa sa akin ulit. I should thank him. Really.  Mabilis namang nawala ang ngiti ko ng maalala ko si Kid.


Galit pa rin siya sa akin. And he's finally having his ever after with his damsel. I might be his princess but I'm not the one he'll sweep off  her feet.


Masakit? Syempre masakit. Hindi naman madaling mag let go eh. Hindi madaling maging masaya para sa kanya. Minahal ko siya for as long as I could remember. We became partners in crime. Ako ang tiga taboy ng mga unwanted na babaeng dikit ng dikit sa kanya. He's my secret prince charming and I'm his princess. Lahat naiinggit sa amin. Lahat gustong makalapit sa kanya kaya ako ang nilalapitan. They all wanted to be in my place. They all wanted to wear my shoes. They all wanted him.


They all envied me. I had him first. I loved him first. He cared for me. That's why it's really hard to let go. Pero kahit anong gawin ko, isa lang ang katotohanan na kumakaway sa akin.


I will always love him from afar and he will never love me. Never.


Maraming nagsasabing dapat pakawalan ko na si Kid but the reality is, I can't. Ford can be a very good distraction but I don't think I can love anybody more than I love Kid.


**


"Gusto ko na magtampo." napatingin ako kay Ford na nagkanda-haba ang nguso sa tabi ko habang nagmamaneho. Natawa naman ako sa kanya. Nung una kaming magkita, he was so cold na hindi mo aakalain na may pagkaisip bata pala siya.  His gray eyes would scare the hell out of you kapag seryoso siya pero matutuwa ka naman sa mga mata niyang parang tinunaw na metal sa sobrang pagka-gray na para na itong silver kapag ganitong playful ang mood niya.


"At bakit naman?" tanong ko sa kanya.


"Kasi ako ang kasama mo pero iba ang iniisip mo. Pinagtataksilan mo ba ako, sweetheart?" may kung ano sa tiyan ko ng tawagin niya akong sweetheart pero dinaan ko ito sa tawa. Nakakatawa naman talaga ang sinabi niya...kung hindi lang ako nakaramdam ng alien sa pagtawag niya sa akin ng sweetheart.

Love C. ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant