Epilogue

1.5K 32 5
                                    

Epilogue

Malakas na tawanan ang namayani sa buong bahay. Tuwang tuwa ang mga lalaki habang nanunuod ng video ni Chester. Kahit si Ford ay tawang tawa. Ang mga kaibigan ko naman ay nanghihinayang.

Chester is our adopted son. Isa siyang anak ng kliyente ni Ford na namatay sa sunog. He became the guardian of Chester until we both decided na madaliin ang kasal namin para maampon na namin si Chester. Kahit hindi siya sa amin, isa siyang Walker. And we love him no matter what he is. Yes, Chester shows the signs of being gay. Bata palang pero ang pilantik ng daliri ay kitang kita na. Kaedad lang siya ng anak ni Nicole na si Jacobo at anak ni Tine na si Mikael.

"Nakakapanghinayang talaga yang Chester mo, AJ. Hays akala ko pa naman pwede siya sa Kirsen ko." Ani Jensen. Naghalakhakan naman kami.

"Naloka ka na ba? Mas matanda ng dalawang taon yang si Kirsen kay Chester." Ani Tine.

"Ang liliit pa ng mga bata. Wag muna nating isipin kung paano imamatchmake ang mga yan. Alam niyo ano ang dapat ifocus? Kung kelan sasabihin ni AJ kay Ford na buntis na siya sa pangalawa nila." Ani Leann.

Napangiti naman ako. After two years of marriage, ngayon lang ako nabuntis. And so far gusto ko siyang isikreto kay Ford. Basically, this child would be our first born pero dahil andyan na si Chester, pangalawa na namin itong si baby. At iniisip namin na ngayon sabihin.

"Hey girls, ba't parang may miting de avance kayo diyan?" Tanong ni EJ ng makalapit siya sa amin. Hawak hawak niya ang baby girl nila ni Leann.

Ang mga tsimosong lalaki naman ay nagsilingunan na rin sa amin.

"Pinagpaplanuhan na kung kelan sila makikipaghiwalay sa inyo." Ani Nicole.

"Grabe! Ang bitter mo! Maghanap ka na kasi ng forever!" Ani Kirby at inakbayan si Sen. Nagkibit balikat lang si Nicole pero alam kong nalungkot siya.

Nicole has her own story at ayoko rin siyang pilitin na magkwento. Ang alam lang namin, kasal siya sa lalaking mahal niya pero pinagpalit siya at iniwanan kasama ng anak nila na si Jacobo. Naging mas malihim na siya after that at kinababahala namin yun.

Bigla namang nawala ang focus ko doon sa topic na iyon ng makaamoy ako ng mabahong amoy. Nakakadiri talaga kaya't naduwal ako. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin.

Patuloy lang ako sa pagsuka sa toilet bowl ng maramdaman ko ang paghawak niya sa likod ko. Nung matapos na ako ay inabutan niya ako ng tuwalya at tubig para magmumog. Naghilamos na rin ako. Pinapakiramdaman ko si Ford sa tabi ko dahil tahimik lang siya. Hindi niya ako tinantanong ng kung ano ano gaya ng normal na gagawin ng asawa. Abnormal ba 'to? Bakit parang relax na relax lang siya?

"Huy? Okay ka lang?" Tanong ko. It's kinda odd asking that dahil ako yung kakatapos lang magduwal. Tinitigan niya lang ako sa mata, "I cooked Seafood Pasta. Your favorite."

Then?

"Are you pregnant?" Nagulat ako sa tanong niya. No, hindi sa tanong niya. Nagulat ako sa pagiging prangka niya. Saglit ko siyang tinitigan bago ko kinuha yung pregnancy test na nilagay ko sa ziplock na bag sa likod ng salamin sa cr. Nanginig ang mga kamay niya habang kinukuha yun mula sa akin. Nanatili akong nakangiti habang nakatingin sa kanya na nangingilid ang luha. I can't help it. He look stupid, it's funny.

Napatili ako ng bigla niya nalang akong kargahin na parang wala lang habang tuatakbo palabas.

He's shouting, "I'm going to be a dad!"

Naghiyawan naman ang barkada. Well, most likely ang mga lalaki lang ang humiyaw dahil sa news. I'm sure sumigaw lang ang girls dahil sa wakas nasabi ko na. 

Ford is not perfect. He's not the prince charming in a fairy tale. He causes trouble, he makes bad decisions but the best decision he's ever made is choosing me to be his partner in crime.

Forever is a long time, but we'll make the trip to forever worth it.

----------------------

OMAYGAD! TAPOS NA ANG STORY NI AJ. I'm so happy I kennot.

I have to admit tho, hindi ito ang naplano kong ending pero close to this. Ganun talaga. Lawyer si Ford at we all know na ang buhay ng mga lawyer lalo na yung nakakahakot ng kaaway dahil sa mga kaso nila ay nagkakaroon ng problemang ganon.

Dapat mas nauna ang Love C kesa sa I Almost Do pero medyo nastuck kasi ako dito kaya ayun pero pwede nman basahin in any order.

Eto yung stories ng mga girls ko:

1. Love Affair (Under Revision)
2. The Deal (Completed)
3. My Twisted Happily Ever After (Completed)
4.Love C. (Completed)
5. I Almost Do (Completed)
6. Heels & Sneakers (Soon)

Love C. Signing off. THANK YOU!
To God be the Glory!

All rights reserved.

Love C. ✅Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu