Chapter 9

982 26 17
                                    

Chapter 9


Sa hindi malamang dahilan, I found myself sitting in the bar counter again and ordering a margarita for myself. Ngumiti ang bartender sa akin, "You've been staying here a lot, lately."

Isang ngiti lang ang sinagot ko. I'm not interested in talking about the reason why I'm drinking again. Habang nasa kwarto kasi kanina ay biglang pumasok sa utak ko sina Kid at Irene. They must be married now--who am I kidding? Bago pa sila umuwi ay kasal na sila. Halos mag-iisang buwan na rin ako rito and so far, I'm enjoying this vacation. Maybe it is because, I need this so badly. I needed to take a break from everything.

Biglang nagring ang cellphone ko na siyang pinagtataka ko ngayon. Bakit ako tinatawagan ni mama? Hindi ba sila kasama sa kasal ni Kid?


Nang sagutin ko ang tawag ni mama ay hindi ko naisip na 'yon ang sasabihin sa akin ni mama.

"Iniwan ni Kid si Irene sa altar."

Muntikan ko nang malaglag ang hawak kong baso at ang lahat ng kalasingang nararamdaman ko kanina ay biglang nawala lahat. Totoo ba 'to? Pero bakit? Anong nangyari? Ang dami kong gustong itanong.

"It doesn't matter, kasal na naman sila right? Bakit niyo po ba ito sinasabi sa akin?" Sa halip ay ito ang nasabi ko.

"April Janella!" Puna ni mama.

"Totoo naman po ah? Wala akong pakialam ma. Wala na." Kasinungalingan.

"Talk to you later, ma." Paalam ko at pinatay ang tawag. Humingi pa ako ng isang baso ng mojito saka ito nilagok na parang tubig. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagdaan nito sa lalamunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung para saan ang kabog ng dibdib ko. Parang nanunuyo na rin ang lalamunan ko kaya't umorder ako ng panibagong alak. Paulit-ulit.

"Kid?" nakasimangot ako nang makita ko si Kid na kung sinu-sino na naman ang nilalandi. Agad siyang napalingon sa akin at hindi na ako magtataka kung sakaling magkaroon man siya ng whiplash sa bilis. Umatras naman agad siya sa babae at agad na lumapit sa akin. "Yes, princess?" nakangiti siya na parang ngiwi dahil alam niyang galit na ako.

"You promised kuya na ihahatid mo ako. I've waited for two hours." masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Nanlaki naman agad ang mga mata niya. "Two hours!" bulalas niya sa gulat. Hindi niya inakalang two hours na ako nag-aantay.

"Kung alam ko lang sana nakauwi na ako. Pinapak pa ako ng lamok." saka ko siya tinalikuran at nauna nang maglakad palabas ng campus. Masakit ang dibdib ko dahil sa sama ng loob sa kanya. Kaya niya akong pabayaan para lang sa ibang babae? Akala ko ba mahalaga ako sa kanya? Paano kung napano ako dahil ako nalang mag-isa?

Nagulat ako ng may matitipunong brasong biglang pumatong sa balikat ko at nilapit ako sa kanya. amoy pa lang ay kilala ko na kung sino ang lapastangan na ito. "Sorry princess." hingi niya ng pasensiya.

"Dun ka na. Hindi kita kailangan."

Niyakap niya ako ng mahigpit saka ko narinig ang mahinang tawa niya, "Paano ba yan? Kailangan pa kita eh. Magtiis ka."

"Are you okay?" napatingin ako sa bartender ng kausapin niya ako. Nagtaka naman ako nang abutan niya ako ng panyo. "You're crying," medyo nababahala ang itsura nito. Dun lang ako natauhan na kaya pala hindi siya malinaw sa paningin ko ay dahil puno ng luha ang mata ko. Tinanggap ko ang panyo na bigay niya at hindi na lang nagsalita saka ko nilagay ang bayad sa counter at lumabas.

Napaupo ako sa gilid at doon itinuloy ang pag-iyak ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ko ba kailangang alalahanin ang mga ala-ala namin kung nasasaktan lang naman pala ako?

"Iniwan ni Kid si Irene sa altar."

Pitong salita pero ang laki na ng epekto sa akin. Eto na naman ako umaasa na naman.

Umorder uli ako at nilagok uli yon na parang tubig pagkabigay na pagkabigay ng bartender. Hindi naman ako lasengga pero gusto ko lang maginom lately.

"Vodka." Ani ko sa bartender.

Medyo nagaalangan niya akong tiningnan. "Are you sure ma'am?"

"I ordered it didn't I?" Ngumiwi siya pero binigyan muli ako. Napailing nalang ako sa inakto ng bartender. Pakialamero. Siya ba ang iinom? Hindi at isa pa, kumikita naman sila kapag umiinom ako kaya anong inaarte arte niya dyan?

Hindi ko pa nauubos ang inumin ko nang may biglang humablot nito. Inis kong nilingon ang taong iyon at nagulat ako nang hindi ko inaasahang tao ang makita ko paglingon ko.

"Kid..."

"What the fuck are you doing?" Malamig ang boses niya at hinila ako.

Natauhan naman ako at tinulak siya, "Leave me the fuck alone, Christian Kid! I don't need you! Why are you even here? You should be on your honeymoon with your perfect little girlfriend." Walang sense kong saad. Medyo nahilo na rin ako sa biglang pagtulak ko sa kanya. Mukhang tinamaan na pala ako at di ko man lang namamalayan. Ha! How stupid can I get?

"Let's get you home." Aniya pero umiling iling ako. Dahilan kaya parang umiikot ang mundo ko.

"Wow. I spin my head right round, right round," pakanta kong saad saka humagikik. "No. I'm not going home. Not yet done." Saka ko siya tinalikuran.

Lalo akong nahilo nang kargahin niya ako. "Punyeta! Nahihilo ako, Christian Kid, ibaba mo ako!" Pagmumura ko sa kanya. I don't care kung may makaintindi man sa akin, na medyo imposible dahil halos lahat ng naririto ay mga foreigner.

"Iuuwi na kita." Tangin sagot niya na ikinapikon ko.

"Bakit mo ba ako pinakikialaman? Akala mo ba nakakalimutan ko ang mga sinabi mo sa akin?" Sumbat ko, "Teka, ano nga yon? Ah tama! Hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sayo! Oo yun yon!" Ani ko at napahalakhak ng mapait.

Gusto kong tigilan na ang pagsasalita pero ayaw ata magpaawat ng bibig ko. Biglang nagkaroon ata ng sariling utak, "Hindi mo nga kasalanan. Kaya nga hindi ko pinapaalam eh. Inaantay ko lang na magtino ka. Ah no-- inaantay ko na dumating yung time na ako ang magpapatino sayo. Pero hindi dumating. Dumating kasi si Irene." Ani ko at humalakhak.

I'm not making sense. Ang bitter pakinggan ng mga salitang namumutawi sa bibig ko. Pero somehow, alam kong matagal ko na yong gustong sabihin. Na yun talaga ang nararamdaman ko.

"Kaya ikaw, best friend, umalis ka na. Pinapalaya na kita. Hindi ko na kayo guguluhin. Promise!" Nagtaas pa ako ng left na kamay. Napansin ko ito kaya napatawa ako, "Baliktad pala. Oh eto promise. Kaya ko na nang wala ka, hindi na kita kailangan." Ani ko habang tinaas ang kanang kamay ko this time.

Umiling siya at nagulat ako ng yakapin niya ako. "I can't. Kailangan pa kita."

-----------------------

Ang tagal na mula nung last update ko dito. Medyo nagdadalawang isip kasi ako sa plot. Pero kanina, narealize ko na I will follow my heart's desire at desire ng heart ko pahirapan ang mga bida rito. Mwahaha.

Love C. ✅Where stories live. Discover now