CHAPTER 2

125 45 113
                                    

Comfortable

Umiwas agad ako ng tingin doon sa lalaki nang tumingin ito sa aking dako. Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakiramdaman ang tibok ng aking puso. Bakit ba nagkakaganito ang aking puso? May sakit na ba ako rito?

Huminga ako ng malalim at tumingin sa unahan para mawala ang atensyon ko roon sa lalaki.

"Okay class, aayusin ko muna ang inyong seating arrangement. Once na tinawag ko ang inyong apelyido ay tumayo na agad kayo para matapos na agad tayo, okay?" tumango na lang ako sa aming guro bago niya tawagin ang aking mga kaklase.

"Abaja", pagsisimula nito.

Nakakapagtaka na lang na tuwing first quarter ng school year ay laging paalphabet ang seating arrangement. Ganito rin noong isang taon at paniguradong nasa parteng unahan na naman ako.

Kinuha ko ang aking bag na nakalagay sa aking likod at inilagay ito sa aking kandungan, para makapaghanda na kapag ako'y tatawagin ng aming guro ay tatayo na lamang ako.

Nasa letrang C na ang tinatawag ni Ma'am at pihadong ako na ang susunod na tatawagin. Tumingin ako sa aking katabi at nakahalumbaba lang ito habang pinapanood ang aking mga kaklase.

"Dela Chavez," tawag sa akin ng aming guro. Tumingin ang aking katabi at kumaway sa akin bilang pagpapaalam. Kumaway na rin ako sa kaniya bago ngumiti, sa tingin ko ay mabait itong katabi ko na ang pangalan pala ay Aki.

Dumiretso na ako sa dako ng aming guro at tiningnan ko 'yong lalaking nakahalumbaba na nakatingin pa rin sa may bintana. Kumalabog ang aking puso at agad na umiwas ng tingin dito. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko na maintindihan ang aking sarili.

"Sa tingin ko ikaw ang pinakamabait dito sa 9-C." napalingon ako sa aking guro nang sabihin niya ito sa akin at napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"You're so cute," pagpapatuloy nito at tinakloban ko na lang ang aking mga pisngi nang maramdaman kong namumula ito.

Hindi ko na lang namalayan na muli akong tumingin doon sa lalaki at nagulat na lang ako nang makita ko itong nakatingin sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin dito. Huhu... Bakit ba ako nagkakaganito? Ilang beses ko na bang natanong ito sa aking sarili?

Pinaupo na ako ng aming guro sa upuan na katabi lang ng bintana, na katulad lang din sa puwesto no'ng lalaki ngunit nasa padalawang upuan ako simula unahan. Tumingin ako kay Ma'am Julia at ngumiti lang ito sa akin bago siya tumawag ng panibagong apelyido.

"Enriquez,"

Tumingin ako roon sa lalaking matangkad napapunta sa aming dako. Umupo na ito sa aking tabi bago malamig na tumingin sa akin, nakakatakot siya lalo na ang kaniyang aura.

Yumuko na lang ako at nilaro ang aking mga daliri na nakapatong sa aking hita. Sana 'yong naging katabi ko na lang ay 'yong mabait katulad ni Aki, hindi ganito mukhang nakakatakot ang presensiya.

"Fuentes," lumingon ako nang tawagin iyon ng aming guro at nanlaki na lang ang aking mata nang makita ko kung sino ito.

Alah! Anong gagawin ko at bakit ako kinakabahan ng ganito?

Huminga ako ng malalim at hindi na muling tumingin sa aking likod. Ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil tumingin ako sa aking likod na'ng sunod na tinawag ay ang aking kaibigan.

"Guiterrez,"

Tumingin ang kaibigan ko sa akin at tinaas baba ang kaniyang kilay bago ngumisi. Ang weird talaga ng kaibigan ko, tumawa na lang ako sa kaniyang ginawa. Umupo na siya roon sa kabilang row at tiningnan ang katabi ko at inasar pa ako rito, napailing na lang ako sa kaniya. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko na naman 'yong lalaki habang nakahalumbaba at nakatingin sa labas. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay agad naman akong umiwas.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon