CHAPTER 34

11 1 0
                                    

Pumasok na ulit ako kinabukasan, wala akong ginawa kahapon kun'di ang magtago kina Cerise. Nahihiya ako sa kanila dahil nakita nila akong umiiyak.

Ngayong second day ng aming Intrams gaganapin ang lahat ng major activities at mamaya namang hapon ang mga minor activities. Tanghali na rin akong nagising dahil sa kakaisip ko kagabi.

Pumasok ako sa aming room at nakita ko sina si Cerise na nakaupo sa aking upuan kasama sina Aki at 'yong dalawa. Tumalikod ako upang takasan ulit sila ngunit bumungad sa aking harapan si Nite.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kaliwa niya upang daanan ko sa aking pagtakas ngunit hinarangan niya ako. Pumunta ako sa kabilang direksyon ngunit hinarangan niya muli ako. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin din ito sa akin.

"Bakit ka ba tumutakas? May ginawa ka bang krimen para ika'y tumakas?" seryoso niyang tanong sa kaniya ngunit hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa ginamit niyang mga salita. Parang lumabas tuloy akong isang krimenal.

"Nandyan ka na pala Spring!" lumingon ako kay Cerise ng tawagin niya ako. Nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Nite ang aking kamay bago kami tumakbo.

"Ano ba naman 'yan?! Huwag nga kayong tumakas!" pakinig kong sigaw ng aking kaibigan.

Tumingin ako sa kamay ni Nite na nakahawak sa akin, ang laki-laki ng kamay niya. Hinihila niya pa rin ako habang kami ay tumatakbo patungo sa rooftop. Tumingin ako sa aming likod at nakita kong tumatakbo si Cerise ng sobrang bilis patungo sa amin.

Tumakbo ako ng sobrang bilis nang makita ko ang nagbabagang ekspresyon ng aking kaibigan. Inunahan ko si Nite sa pagtakbo at binitawan ang kaniyang kamay ngunit mas hinigpitan lang ni Nite ang kaniyang hawak. Inunahan niya ako at hinila hanggang sa magtungo na kami sa rooftop. Agad niyang sinaraduhan ang pinto ng rooftop at hingal na hingal ako kung kaya't napahawak ako sa aking dalawang tuhod.

Ngunit sa hindi inaasahan isang sipaan lang ni Cerise ang pinto at agad na dumiretso patungo sa akin.

"Hoy Nite! For your information Team Aki ako!" sigaw ng aking kaibigan kay Nite at madahas nito akong inakbayan palabas ng rooftop.

"Cerise, bakit mo sinabi 'yon kay Nite?" tanong ko sa kaniya habang kami ay bumaba sa hagdanan. Nahihiya ako roon sa sinabi ni Cerise para kay Nite.

"Ehh! Sa ano bang magagawa mo? Ehh Team Aki ako!" wika ni Cerise bago niya pitikin ang aking noo. "Pati... bakit ka ba umiiwas sa akin?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang tanongin niya 'yon sa akin.

"A-ano kasi nahihiya ako dahil nakita mo akong umiiyak..." sabi ko habang nakayuko.

"Ehh bakit ka ba umiiyak no'n? Alam mo bang pinag-alala mo ako kahapon? Sinisi ko pa nga si Aki kung bakit ka umiiyak kahit may sakit siya kahapon. Tapos sabi ni Aki kahapon sa akin na dapat hindi na raw niya 'yon sinabi. Ano ba talagang nangyari at nacu-curious ako?! Kindly explain, Spring!" tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin.

"Kindly explain!" sambit ulit nito habang nakahawak sa kaniyang bewang.

"A-ano..." pautal-utal kong wika habang umiiwas ako sa bawat tingin niya hanggang sa takloban ko na ang aking mukha.

"Kindly explain!!!" paulit-ulit nitong sabi at pilit niyang inaalis ang aking kamay na nakataklob sa aking mukha.

"Muntikan na akong umamin sa kaniya!" sigaw ko at tumigil siya sa kaniyang ginagawa. " Kung hindi kayo dumating baka nasabi ko na sa kaniya ang nararamdamn ko. Kaya nahihiya ako sa aking sarili," pagpapatuloy ko bago tumingin sa kaniya.

"Ehh, bakit ka umiiyak no'n?" nagtataka niyang tanong at agad akong sumagot sa kaniyang katanungan.

"Hindi ko alam! Halu-halo na 'yong nararamdaman ko, kaba, naiiyak, kilig, takot!" pagpapaliwanag ko sa kaniya at nakatingin ito sa akin ng mapang-asar bago niya ako inakbayan ulit.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon