CHAPTER 12

72 27 94
                                    

Smack

Dumating na ang araw ng 'Buwan ng Wika' rito sa aming paaralan. Nandito na kaming lahat sa gym upang simulan na ang araw na ito.

"Agosto labingtatlo taong dalawang libo dalawampu't isa sa Mataas na Paaralan ng San Isidro ipagdiriwang ang buwan ng wika na may temang "Wika at Kalikasan ay dapat kilalanin" sa pagsisimula----" pagsisimula ng emcee at naputol na lang ang aking pakikinig no'ng may tumawag sa akin galing likod.

"Oyy Spring!" sigaw ng aking kaibigan ngunit hindi naman ito pakinig ng aming guro. Nandito kasi ako sa parteng unahan dahil sa aking height at ang mga kaibigan ko naman ay nasa parteng dulo.

"Bakit?" tanong ko kung saan hindi mapapakinggan ng aming guro.

"Dito ka na!" sigaw muli nito, kaya napatingin ako sa aming guro at nagpasalamat na hindi nito napakinggan.

"Bakit?" tanong ko ulit sa kaniya at tumingin muli sa aming guro. Nang ibalik kong muli ang tingin ko sa aking kaibigan ay may nakahara na rito at ito ay si Sabrina na nakatingin sa akin habang nakahawak sa kaniyang bewang.

Hinawakan ako nito sa balikat at agad na hinarap sa unahan. Bahagya muli akong tumingin sa aking likod at nakita ko si Sabrina na inaasar si Cerise. Alah, dapat hindi niya ginaganoon si Cerise, masama itong magalit.

"Puwede na kayong magsiupong lahat." wika ng emcee at ginawa naman namin 'yong sinabi nito.

"Oh my g! Magpapakita na ang crush ko!" napalingon na lang ako kay Sabrina nang sabihin niya 'yon.

"Crush? Ano naman gagawin niya riyan sa stage?" nagtataka kong tanong sa kaniya at tumingin lang ito sa akin ng blangko.

"'Yan ang napapala mo! Hindi ka kasi nakikinig!" sabi nito sa akin at kinurit pa ako sa aking braso na siyang kinadaing ko.

Napatingin ako sa stage no'ng may tumugtog dito ng malakas. Nakita ko na mayroong rumarampa sa gitna ng stage at ngayon ko lang naintindihan kung ano ang tinutukoy ni Sabrina. Puro hiyawan na lang ang aking napapakinggan sa paligid at ako'y nanonood lang sa bawat pagrampa ng kandidato at kandidata.

Nagsimula na rin magpakilala ang bawat isa hanggang umabot na ito sa dalawang kandidato ng aming section na sina Angelo at Kate. Bagay na bagay sa kanila ang maging lakan at lakambini, kitang-kita mo sa kanilang itsura na wala talagang halong ibang lahi sa kanilang dugo at purong Pilipino lang.

"Ako nga pala si Angelo Xion Enriquez," napangiwi na lang ako no'ng magpakilala si Angelo. Nandoon pa rin sa kaniyang pananalita, na para ba siyang tinatamad sa kaniyang ginagawa.

"At ako naman si Kate Ann Magbanua," pagpapakilala ni Kate at saka siya tumingin sa kaniyang kapareha at sabay silang nagsalita.

"Ang lakan at lakambini ng baitang siyam ng section C!" sigaw nilang dalawa at saka nagkagulo ang aming section. Nagtutulakan, nagsisigawan at may---- napatingin na lang ako kay Sabrina na sinasabunutan na niya ang kaniyang katabi na si CJ habang humihiyaw.

"Sabrina, si CJ kawawa naman." kulbit ko kay Sabrina na patuloy pa ring sinasabunutan si CJ habang tumatalon-talon pa. Napatingin naman ako roon sa biglang humila sa akin papuntang likod at ito pala'y si Cerise.

Umupo na kaming lahat, nang iba na ang nagpapakilala sa stage. Napatingin naman ako sa kasamahan ni Cerise at ito'y sina Aki. Natandaan ko na naman ang sinabi niya sa akin doon sa bahay nina Niteo.

"I was the illegitimate child of the famous actor and he didn’t even know that I exist."

Hindi ako makapaniwala na anak pala siya sa labas. Kaya pala may itsura siya kahit papaano, siguro ay gwapong artista ang kaniyang ama at doon siya nagmana pero ang pinakamasaklap ay hindi man lang siya nakikilala ng sarili niyang ama.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon