CHAPTER 6

116 35 100
                                    

Like

Napabuntong hininga ulit ako, nang matandaan ko na naman ang nangyari no'ng isang linggo. Unang beses pa lang pati 'yon nangyari sa tanang ng buhay ko.

"Ano ba, Spring? Wag ka ngang maging problemado riyan!" sabay akbay sa akin ni Cerise habang naglalakad kami papuntang room.

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko at yumuko. Ayaw ko na talagang maalaala 'yon, nakakahiya talaga tapos ang mga tumulong pa sa akin ay puro lalaki. Malaki na lamang ang pasasalamat ko na hindi sila katulad ng ibang lalaki, na pagtatawanan agad kapag may nakitang ganoong eksena.

"Part 'yan ng pagiging estudyante, Spring at iyan ang tatandaan mo!" sabi nito habang nakatingin sa akin at tumango ako sa kaniyang sinabi.

Siguro tama nga siya, parte ito ng pagiging estudyante ko. Hindi natin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay, kahit 'yon--- umiling na lang ako sa aking naisip.

"Oyy si Nite!" wika ni Cerise na siyang nagpapukaw sa aking atensyon at kinaladkad niya ako papalapit dito habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Kumabog na naman ang puso ko ng sobrang bilis, parang gusto ko na lang malusaw kapag nakakaharap ko siya.

"May dugo sa palda mo."

Nanlumo na naman ako no'ng matandaan ko 'yong sinabi niya. Nakakahiya talaga, nagpahila na lang ako kay Cerise na para ba akong isang papel na lumilipad.

"Oyyy Niteo!" pagtawag nito rito at inakbayan din siya katulad ng ginawa niya kanina sa akin. Hindi pa rin ako natatauhan at nandoon pa rin ang isapan ko  sa nangyari no'ng isang linggo.

"Hey, what are you doing to her?"

Nagulat na lamang ako ng biglang may naglagay ng jacket sa aking bewang at binuhol ito. Napalingon ako sa gumawa no'n at halos pigilan ko ang aking paghinga nang maamoy ko ang kanyang pabango no'ng puluputin niya ang kaniyang jacket sa akin.

"Hindi mo na siya kailangan pang hawakan sa balikat,"

"Spring?" natauhan na lang ako no'ng tawagin ako ni Cerise at doon ko nakita ang dalawang pares na mata ni N-niteo. Naestatwa ako nang masabi ko ang kaniyang pangalan sa aking isipan.

"Hoy Spring! Ayos ka lang ba?! May sakit ka ba?! Sige ka may papasok na langaw sa iyong bibig kapag hindi mo 'yan sinarado!"
tinakpan ko ang aking mukha marahil sa aking kinilos. Bakit ba ako nagkakaganito, kapag nasa paligid ko lang siya?

"Oh! Ano Spring?! Ayos ka lang ba?!" tanong ulit nito at no'ng silipin ko si Niteo ay nakatingin lang ito sa kung saan.

"A-ayos lang ako, Cerise." nauutal kong wika.

Sinilip ko silang dalawa habang ako'y nakayuko, nakakapagtaka. Paano sila nagkakilala? Gayong hindi ko naman sila nakikitang nag-uusap sa room at ngayon lang. Magkakilala na ba sila dati pa o---- Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganito? Eh, ano naman kung magkaibigan na sila rati pa?
Pero bakit ganon, kapag iniisip ko ang mga 'yon ay para bang nalulungkot ako?

Matamlay akong pumasok sa aming room at umupo sa aking upuan. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito, iniisip ko lang na may relasyon si Cerise kay Niteo ay para ba akong nasasaktan. Siguro ay magpinsan lang sila o kamag-anak ngunit hindi puwede 'yon dahil laging sinasabi ni Cerise sa akin kung sino ang mga pinsan niya o kamag-anak.

Bakit ba ako nag-iisip ng ganito tungkol sa kanilang dalawa gayong hindi naman kami close ni... N-niteo? Baka naging magkaibigan na sila noon pa, hindi ko lang alam o napapansin. Siguro ay tatanongin ko na lang mamaya si Cerise upang hindi na ako mabagabag.

Pagkatapos ng aming klase buong maghapon ay lumabas kami ng room upang pumunta sa banyo dahil inanyayahan ako ni Cerise upang pumunta rito.

"Ano ka ba mabilis lang naman tayo sa banyo!" inis na sabi sa akin ni Cerise habang may bitbit siyang isang maliit na bag na hindi ko alam kung ano ba ang laman.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon