CHAPTER 17

56 23 57
                                    

Paper

"Spring, bakit walang intrams~~" wika ng aking kaibigan hanggang sa inawit na niya ito at may kasama pang sayaw. Kaya natawa ako sa kaniyang ginagawa.

Sinasayaw niya lagi 'yong kaniyang lagi ring kinakanta na level-up na hindi ko alam na may ganoon palang tugtogin.

"Level up, level up...." kanta ni Bryan sa aming unahan at ginaya na rin ang sinasayaw ni Cerise. Patuloy lang ako sa pagtawa dahil todo bigay naman si Bryan sa kaniyang pagsayaw na halos hindi na level up 'yong kaniyang sinasayaw.

"Gago! Para kang bakla!" wika ni Aki at hinampas sa ulo ang kaniyang kaibigan upang tumigil ito sa kaniyang pagsasayaw.

"Gago! 'Yon ang trip ko!" sagot naman ni Bryan habang hinahaplos ang kaniyang ulo na hinampas ni Aki. Napatingin na lang ako sa aking kaibigan ng takpan nito ang aking tenga.

"Ano?! Trip mong maging bakla?!" natawa ako dahil wala namang epekto 'yong pagtakip ni Cerise sa aking tainga dahil patuloy ko pa rin silang napapakinggan.

"Hoy! Huwag nga kayo ritong maggagohan! May bata rito oh!" sabay turo sa akin ni Cerise. Tumingin ako sa dalawang nasa harap ko na naging tahimik at nagkatinginan pa sila sa isa't-isa.

"Ano ba honey bunch?! Tara na nga sa bahay!" tumawa na lang ako kay Bryan ng naging boses bakla ito. Umakbay sa kaniya si Aki at humarap sila pareho sa unahan na kanina naming nilalakaran.

"Anong gusto mo lights off o lights on?" tanong ni Aki kay Bryan na siyang pinagtaka ko. Anong mero'n sa ilaw na patay o buhay? Lumingon ako sa aking kaibigan na parang nagtatanong ako sa kaniya ngunit sinipa niya lang ang dalawang nasa unahan namin sa  kanilang likoran. Kaya tumawa 'yong dalawa patakbo papunta sa aming room.

"Anong mero'n sa ilaw, Cerise?" tanong ko sa aking kaibigan at inakbayan lang ako nito at pinitik ang aking noo na siyang kinadaing ko.

"Saka mo lang 'yan malalaman kapag malaki ka na!", sabi nito sa akin at tumango lang ako rito habang hinahaplos ang aking noo. Bakit ba ang hilig-hilig ni Cerise mamitik ng aking noo? Malapad ba ito, kaya niya ginagano'n?

Pumasok na kami sa aming room at bumungad sa amin ang tatlo. Si Nite ay nagtataka sa pinagtatalunan no'ng dalawa.

"Honey bunch, let me explain!" wika ni Bryan habang pinagtatanggol si Nite na nagtataka sa kaniyang inaasta at si Aki naman ay tumingin sa amin nang kami'y pumasok sa room.

"Kabit mo ba siya, ha?" tanong ni Aki habang nakahawak sa kaniyang bewang. Napatawa na lang ako dahil para silang nag-aaway na mag-asawa.

"Oo kabit ko siya, honey bunch! Maganda 'yon hindi ba? The more the marrier." maarteng sabi ni Bryan at bahagya pa niyang pinilantik ang kaniyang kamay. Bagay na bagay sa kaniya ang maging bakla.

"Gago!" napatingin ako kay Cerise nang sabihin niya 'yon at tinakpan agad niya ang kaniyang bibig no'ng tumingin ako sa kaniya.

"Ha? Ano bang pinagsasabi niyo?" hindi maintindihang tanong sa amin ni Nite. Nagulat na lang ako nang biglang hablotin ni Aki ang aking panyong hindi nakatiklop, kaya mabilis niya itong nakuha.

"Alah! Anong gagawin mo riyan?" tanong ko sa kaniya at saka siya hinabol nang tumakbo ito papalayo sa akin. Tumingin ako sa aking kaibigan upang huminga ng tulong ngunit may kausap ito na isa sa'ming mga kaklase, na amin palang presidente at bahagya pa siyang tinulak papalabas ng room.

"Spring, kaya mo na 'yan!" sigaw sa akin ni Miss President at muling tinulak si Cerise na nagpupumilit na hindi sumama at kita ko sa kaniyang mga mata na parang hindi ko alam, kung ano bang emosyon ang kaniyang pinakikita habang nakatingin sa aming dalawa ni Aki.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon