CHAPTER 16

61 26 89
                                    

Going through

Lumipas ang mga araw at lagi na akong pinagluluto ni tita ng aking makakain sa almusal at para rin sa aking binalot. Hindi na ako binibigyan ni Aling Nena ng aking  babalutin para sa aking tanghalian ngunit sila naman ang nag-uumagahan sa aming bahay.

Sinabi rin sa akin ni Kuya Jep na nagugustuhan niya ang tita ko subalit sinabi ko rito na may manliligaw pa dati ang aking tita, hindi lang niya ito sinasagot. Ngunit ang sagot lang ni Kuya Jep ay wala siyang pakialam basta gusto niya si Tita Lalaine, kahit magkalayo ng walong taon ang agwat nila.

Binaliwala ko na lang si Kuya Jep basta't napagsabihan ko na siya. Siya lang naman din ang masasaktan sa huli dahil sa mali niyang nagawang desisyon. Ang alam ko pati'y nagkakamabutihan na si tita at 'yong manliligaw niya. Kaya excited ako na baka magkaroon na rin ako sa wakas ng pinsan.

Sarap pala rin sa feeling na may gumigising sa iyo tuwing umaga ngunit kapag tumatagal ay nakakayamot na rin dahil naiistorbo ang masarap nating paghimbing.

"Good morning, Auntie!" sigaw ni Kuya Jep nang makapasok na ito sa aming apartment at ako naman ay kumakain ng umagahan.

Umupo siya sa aking tabi at tumungin siya kay tita na kausap si Tito James-- 'yong manliligaw ni Tita, habang siya ay nagluluto ng itlog para ihain dito sa lamesa.

"Sino kausap ni Lalaine?" napatingin ako kay Kuya Jep nang tawagin niya ang tita ko sa pangalan nito.

"Si Tito James, pati huwag mong tawagin si tita sa kaniyang pangalan dahil siya'y mas nakakatanda sa iyo." mahaba kong sabi rito habang hindi niya inaalis ang kaniyang paningin sa aking tita, kaya napatingin na rin ako rito.

"Gusto mong makita ang aking pamangkin?" wika ng aking tiyahin sa kaniyang kausap at tumingin ito sa akin.

"Puwede mo siyang dalawin mamaya pagkalabas niya galing school." wika nito at muling humarap sa kaniyang niluluto.

Si Tito James kasi ang sumagip sa tita ko sa abroad dahil sa pang-aabuso at pagpapababa ng sahod kapag hindi nasusunod 'yong utos ng amo ni Tita. Kaya malaki ang pasalamat ko na may kakilala si tita na katulad ni Tito James, nakikita ko 'yong sweet.

Humarap na sa hapag-kainan si Kuya Jep at bumuntong-hininga sa kaniyang natuklasan. Sumandok na rin siya ng kanin at ng bagong lutong hain ni titang itlog.

"Sabi ko na sa 'yo Kuya Jep." bulong ko rito at sumubo ng kanin na may kasamang itlog.

"Wala akong pake hangga't hindi pa sila." bulong din nito sa akin at napakunot ang noo ni Tita sa amin habang nakasipit ang cellphone niya sa kaniyang ulo at balikat.

"Oo sige, mamaya na lang ulit." pagpapaalam ni tita sa kaniyang kausap at pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain habang si Kuya Jep ay nagdadabog dahil siguro sa pagseselos.

"Ano ka bang bata ka?!" sigaw ni Tita Lalaine kay Kuya Jep dahil nagdadabog ito sa pagkain.

"Hindi na ako bata!" wika nito at saka sumubo ng kanin na may itlog. Pumunta sa may pinto si tita at tinawag si Aling Nena upang magsumbong sa pinaggagawa ng anak.

"Aling Nena, ang inyong anak nagiging isip bata na naman!" sigaw nito at bigla na lang sumulpot si Aling Nena sa harap ni tita na siyang kinagulat nito.

"Susmaryosep kang bata ka!" dali-daling lapit ni Aling Nena sa kaniyang anak at saka piningot ito sa kaniyang tenga. Tumayo na rin ako upang ilagay na sa lababo ang aking pinagkainan upang hugasan ngunit pinigilan ako ni tita dahil baka malate pa raw ako sa eskwelahan

"Sige po, Tita Lalaine. Alis na po ako." pagpapaalam ko kay tita na nanonood sa pagbabangayan ng mag-ina.

"Sige, ingat ka ha!" wika nito at saka kumaway sa akin at ganoon din ang aking ginawa.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon