CHAPTER 35

9 1 0
                                    

"Wahh!!!" puro hiyawan na lang ang napapakinggan ko dahil ang galing ng aming kalaban. Kanina pa kami rito bato ng bato ng bola ngunit wala kaming matamaan.

Hindi rin ako makapagseryoso simula kanina pa marahil doon sa sinabi sa akin ni Aki. Hindi ko mapigilan na hindi mamula roon sa sinabi niya sa akin.

"Spring!" sigaw sa akin ni Aki at pagkalingon ko sa kaniya'y ako ang natamaan ng bola sa ulo kaysa roon sa aming kalaban.

Natumba ako at hinawakan ko ang aking ilong dahil doon sa pagkakatama ng bola. Natigil ang paglalaro namin ng bato bola ng dahil doon. Agad naman akong dinaluhan ni Aki att tiningnan ang aking mukha.

"Sorry Spring! Bakit kasi hindi ka tumitingin?" sabi nito at patuloy kong giinagalaw ang aking iilong dahil ito ang napuruhan. Minulat ko ang aking mata at ang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang si Aki. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pag-aalala kaya patuloy ko pa rin siyang pinapanood.

Iniaayos niya ako--- ang buhok kong napapayid ay sinabit niiya sa aking tainga, ang ilong kong hawak-hawak ay tinitingnan din niya habang hawak niya ang aking dalawang pisngii. Pinigilan ko si Aki, nakita ko kasing maraming nanonood sa aming dalawa.

"A-ayos lang ako Aki," sabi ko bago tumayo ng maayos.

"Anong maayos?! Natamaan kita ng bola baka mapaano ka na niyan," sabi nito. "Tara na sa clinic! Ipapatingin ko 'yan sa nurse." Sabay hila niya sa aking kamay ngunit pinigilan ko siya.

"A-ano ba Aki?! Ayos lang ako ohh!" sabi ko at ginalaw galaw ko ang aking katawan. Lumapit sa amin 'yong teacher na nagga-guide sa amin sa paglalaro ng bato bola.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni ma'am na ngayon ko lang nakita. Siguro ay bagong teacher siya na nagtuturo sa mga lower grade.

"Opo," sagot ko agad na may kasamang tango. Tumingin ako kay Aki at halata pa rin dito ang pag-aalala. Kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay bago ngumiti sa kaniya upang malaman niyang ayos lang ako.

"Sure ka ba? Kapag oo puwede pa natin itong pagpatuloy at kapag hindi naman... dadalhin ka na namin sa clinic. Para sure kaming ayos ka lang." umiling ako bago tumingin sa gurong nasa harap ko.

"Ayos na ayos lang po ako," wika ko at nilimot ko 'yong bola bago bumalik sa aking puwesto kanina. Nakatingin pa rin sa akin ang lahat at bigla akong kinapitan ng hiya kaya yumuko ako.

"T-tara na pong magsimula..." wika ko at sinilip ang aming guro. Pinababalik na niyang muli ang ibang estudyante sa kani-kanilang puwesto.

"Spring," tawag sa akin ni Aki bago niya ako binigyan ng thumbs -up at binalikan ko rin siya ng ganoon na may kasamang ngiti.

"Let's do our best, my one and only sunshine."

Sumagi ulit sa aking isipan 'yong sinabi sa akin ni Aki. Kung kanina ay puro kilig lang nararamdaman ko kapag natatandaan ang mga katagang 'yon. Ngayon naman ay nagbibigay na ito sa akin ng lakas para maipanalo ang larong ito. Kakaiba na talaga ang naidudulot ni Aki sa aking sistema.

Nagsimula na ulit ang laro. Tumingin ako kay Aki at tumango ito at tumango rin ako. Dito na namin gagawin 'yong sinabi niyang teknik, kanina.

"Kapag wala pa rin tayong natatamaan. Ganito lang ang ating gagawin para makatama tayo ng kalaban." Lumapit siya sa akin at may binulong baka kasi mapakinggan 'yon ng ibang manlalaro.

"Mabilis natiing ipapasa sa isa't-isa ang bola." napatingin ako sa kaniya nang sabiiihin niya. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.

"Ganito para mainttindihan mo. Ihagis mo ang bola paitaas, basta mataas. Tapos mapapatingin ang lahat ng tao roon sa bola, siyempre papanoorin nila kung saan tatama o pupunta ang bola. Once na masambot ko 'yon saka ko sila mabilis natatamaan dahil nawala na 'yong atensyon nila na nandoon pa rin ako." pagpapaliwanag niya at tumango lang ako.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon