CHAPTER 28

19 4 7
                                    

Change

"Leni, nakita mo ba kung nasaan si Cerise?" Lapit ko sa upuan ni Leni na may kinukuha sa kaniyang bag.

"Umuna na silang dalawa ni Bryan sa canteen at ipagsa-save raw nila tayo ng upuan," sagot nito sa akin.

Pasukan na ulit namin at nasa baitang sampu na ako, kami pa rin ang magka-kaklase katulad no'ng isang taon. Wala naman gasinong nangyari nitong bakasyon dahil may sari-sariling pinuntahan ang mga kaibigan ko. Kami naman nina Tita ay pumuntang dagat at 'yon ang padalawang beses na nakapunta ako roon bukod no'ng kasama ko pa sina mama nang ako'y bata pa.

Nag-umpisa na kaming maglakad at napalingon na lamang ako no'ng tinawag ako ni Nite galing sa aking likod.

"Spring sabay na ako sa inyo." Takbo nito papalapit sa amin at tumabi sa kabilang banda ko at halos na paggi-gitnaan ako ng dalawang kaibigan ko.

"Akala ko kasama mo na sina Cerise sa canteen, kaya hindi na kita napansin sa room," wika ko habang nakatingin sa kaniya at bahagyang sumusulyap-sulyap sa aming dinadaanan.

"Sinamahan ko lang si Ms. President na pumunta kay Ma'am Silva dahil may kukuhanin daw siya roon," sagot nito sa akin at tumango na lang ako. Si Niteo kasi ang bagong Vice President ng aming room kahit na labag 'yon sa kaniyang kalooban.

"Spring puwede bang mag-usap tayo, na tayong dalawa lamang?" Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya 'yon. Napatingin ako kay Leni at may sinenyas ito na uuna na siya kaya tumango ako rito.

"Ahm... ano bang sasabihin mo sa akin, Nite?" Harap ko sa kaniya at nahagip na lamang ng aking mga mata ang papalapit na rebulto ni Aki habang kasama niya 'yong bago niyang mga kaibigan.

Napayuko ako at nakaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil simula nang magtapat siya sa akin ng damdamin ay lumayo na ito sa akin. Hindi na siya 'yong lalaking nakilala ko na lagi niya akong pinapasaya. Pero kahit pinagtabuyan ko ang nararamdaman niya para sa akin, gusto ko pa rin siya. Kahit na nang hihinayang ako sa aking ginawa pero sa tingin ko ay 'yon talaga ang tama.

Naramdaman kong nakalagpas na sila kaya napatunghay na ako sa pagkakayuko, ngunit doon ko nakita ang dalawang pares na mata ni Aki na nakatingin sa akin na parang nasasaktan siya sa kaniyang natuklasan. Napatingin na lamang ako ng diretso kay Nite nang hawakan nito ang aking mukha at hinarap sa kaniya.

"I'm the one who's in front of you, so look at me," wika nito at napanganga ako nang sabihin niya ang mga salitang 'yon sa akin.

"S-sorry," 'yon na lamang ang lumabas sa aking bibig bago yumuko. Hinawakan ni Nite ang aking balikat upang mapatingin muli ako sa kanya.

"Huwag kang magsorry dahil wala ka namang ginawang mali," wika nito at tumingin sa direksyon nina Aki sa may tapat ng hagdanan pababa. Kaya napatingin din ako rito, ngunit nakababa na sila.

"Baka may dahilan siya kung bakit ka niya iniiwasan. Baka gusto na niyang kalimutan ang nararamdaman niya para sa iyo kaya naisipan niyang umiwas sa'yo." Yumuko ulit ako sa kaniyang sinabi. Nakaramdam ako ng panghihina nang isipin ko 'yong sinasabi ni Nite.

"O baka may iba pang dahilan," pagpapatuloy nito. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lamang ito sa akin ng diretso na may kasamang malulungkot na mga mata. Kaya nabagabag ako sa tingin niyang 'yon.

"Do you like him?" Nagulat ako sa diretso niyang tanong. Kaya tumingin ako sa kung saan-saan dahil sa kaba na nararamdaman ko. Natuklasan na ba niya? Masyado ba akong nagiging halata?

"H-hindi ko siya gusto," nauutal kong wika habang hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Ito ba 'yong gusto niyang pag-usapan naming dalawa?

"If you say so," wika nito at nagsimula na siyang maglakad. Tumingin ako rito at hinabol siya. Bakit ba ang bilis-bilis maglakad ng mga lalaki? Hinawakan ko ang kaniyang braso at bahagyang napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya, bago siya tumingin sa aking mga mata.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon