CHAPTER 21

37 18 45
                                    

Thank You

"Spring, may darating tayong mga bisita, dito rin sila magbabagong taon." napatingin ako kay tita nang sabihin niya 'yon sa akin.

"Sino po 'yon? Si Tito James po ba?" tanong ko at lumapit kay tita habang nagluluto siya ng aming ihahanda mamayang bagong taon.

Alas syete na rin ng gabi at makalipas ng ilang oras ay bagong taon na. Babatiin ko ang aking kaibigan na hindi na ngayon gasino nagcha-chat sa akin, nakakapagtaka.

"Mamaya't malalaman mo, kaya magbihis ka na at magsuot ng kulay blueng damit." utos nito sa akin habang nakatingin ako sa kaniyang nilulutong kaldereta.

"Bilisan mo na!" napangiwi na lang ako nang sigawan ako ni Tita Lalaine. Kaya dali-dali akong pumuntang banyo upang maligo.

Ayaw kasi akong patulungin ni tita sa kaniyang niluluto kahit sa paggagayat man lang ng mga rekado. Ayaw niya raw akong mapagod at pati bumabawi raw siya sa akin nitong makalipas na taon na wala siya sa aking tabi.

Sino kaya rin 'yong darating? Kamag-anak ba namin o mga kakilala ni tita? Umiling na lang ako at pumunta sa aking kuwarto upang kuhanin ang tuwalyang gagamitin ko sa aking pagligo.

"Ang suotin mo ay iyong binigay ko sa 'yong bestida, ha?" tumango ako sa aking tita at saka pumasok ng banyo.

Binigyan kasi ako ni Tita Lalaine ng asul na bestida noong Pasko kung kaya't nahiya ako dahil ang regalo ko lang sa kaniya ay isang t-shirt na nakita ko noon sa Accessories Shop. Ngunit nawala 'yong pangamba ko nang maluwag niya itong tinanggap sa akin. Napakasuwerte ko talaga kay tita, tatanggapin daw niya ang lahat ng ibibigay ko sa kaniya pangit man o hindi, basta galing daw ito sa akin.

Lumabas na ako ng banyo habang may nakatapis na tuwalya sa aking katawan. Tiningnan ko ang orasan, upang bilangin kung ilang oras akong nasa banyo. Ha? Higit kalahating oras akong naligo? 'Yon na 'yong pinakamabilis kong pagligo ngunit matagal pa rin?

Napabuntong hininga na lang ako at hinanap si tita na wala sa kusina. Nang ibaling ko ang aking paningin sa may pinto ay nagulat  na lang ako ng may pinapapasok si tita rito.

"Naku, Senior ngayon lang ulit tayo magkakasamang ice-celebrate ang bagong taon." natutuwang ani ni Ate Nikki at saka umupo sa aming sofa. Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong kasunod nito si Nite.

"Ohh Spring, bagong ligo ah!" pang-aasar sa akin ni Ate Nikki at pinamulahan ako ng aking pisngi sa sinabi niya at mas lalong-lalo nang tumingin sa akin si Nite na agad namang umiwas ng tingin.

Dali-dali akong pumunta sa aking kuwarto na may kasamang pagwawala ng tibok ng aking puso at may napakinggan pa akong may sinabi si tita at si Ate Nikki sa isa't-isa bago ako makapasok sa kuwarto.

"Hindi mo ba nakikitang nakaganoon ang iyong ate?" tanong ni tita siguro kay Nite.

"Naku Senior! Hindi ako nakikita niyang nakaganoon dahil may sarili akong banyo sa aking kuwarto."

Pumasok na agad ako sa aking kuwarto at saka sinaraduhan ang pinto. Bumuntong-hininga ako at napahawak ako sa aking dibdib na unti-unti ng bumabalik sa normal ang pagtibok.

Sila ba 'yong sinasabi ni tita na darating na bisita rito? Bakit sila rito magbabagong taon gayong may bahay naman sila? O baka hindi dumating ang magulang nila kaya sila nandito?

Napapikit na lang ako nang madiin at pumunta sa aking damitan upang kuhanin 'yong bestidang binigay sa akin ni tita. Napangiti ako  sa kawalan dahil ngayon lang may nagbigay sa akin ulit ng ganito kagandang kasuotan.

Maya-maya'y lumabas na ako ng kuwarto at nakaayos na rin ako ngunit hindi ako komportable, parang maikli yata itong damit na suot ko. Hanggang itaas lang kasi ito ng aking tuhod, hindi pati ako sanay na magsuot ng ganitong kaikli.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon