CHAPTER 24

39 12 25
                                    

Curse

Dumating na ang last day ng foundation week namin at sa lunes ay balik na ulit kami sa pagiging busy sa mga group project na binigay sa amin ng aming mga guro. May ia-announced din daw si ma'am sa Filipino, siguro tungkol din 'yon sa project, halos natambakan na kami ngayong Quarter.

Araw ng mga Puso ngayon at kaarawan din ni Cerise. Kaya bumili ako ng paborito niyang tsokolate kahit mahal ay pinag-ipunan ko naman.

"Kanino mo 'yan ibibigay?" tanong no'ng lalaki nang iabot na niya sa akin ang sukli at ang tono niya ay may halong panunukso. Dito kasi ako sa may 7/11 na malapit sa aming bahay bumili ng tsokolate na ipangreregalo ko kay Cerise.

"Sa kaibigan ko po," sagot ko kay kuya at inilagay sa aking wallet 'yong sukli at napangiti na lang ako, nang makita ko 'yong picture namin doon sa may photobooth na nakalagay sa aking wallet.

"Lalaki iyan noh?" tanong muli nito ngunit umiling ako sa tanong niya.

"Hindi po, babae po siya at birthday niya po ngayon." sagot kong muli at saka kinuha 'yong supot na ang laman ay dairymilk na tsokolate

"Tsk! Pakipot ka pa! Sige gumora ka na!" ngayon ko lang na pagtanto na bakla pala si kuya. Nagpaalam na ako rito habang may ngiti sa aking mga labi. Gusto ko kasing magkaroon ako ng kaibigan na bakla. Ano kayang feeling nang ganoong klaseng kaibigan?

Lalabas na ako sana nang mapansin kong papasok si Nite dito sa loob, ngunit di niya ako napansin kaya pinigilan ko siya dahil hindi niya ako napansin.

"Oyy Nite!" tawag ko rito at saka hinarang ang aking kamay sa kaniyang dadaanan.

"Ikaw pala 'yan, Spring. Hindi kita napansin," sabi nito at napakamot na lang ako sa aking ulo. Ganoon ba ako kaliit para hindi nila mapansin?

"A-anong gagawin mo rito?" tanong ko at umubo-ubo muna dahil bigla akong pumiyok at siya'y tumawa nang mapakinggan niya 'yon.

"I'm gonna buy some chocolate for my sister. You know, pinagbantaan na naman niya ako na hindi papapasukin sa bahay." sabi nito at medyo umusog papalapit sa akin upang makapasok 'yong taong pinapanood kami sa aming pag-uusap.

"Ahh.... Geh una na ako sa'yo ha?" wika ko at tuluyan nang lumabas ngunit kinuha niya ang aking kamay at saka ako hinila papasok ulit sa 7/11.

"Sabay na tayo, pati tulungan mo akong pumili ng chocolate," wika nito at hinila ako papalapit doon sa mga chocolate stall. Napatingin ako sa may cashier nang may umubo rito at 'yon 'yong bakla na inaasar ako kanina. Binigyan niya ako ng kakaibang ngiti ngunit hindi ko naman din 'yon pinansin.

"Ano bang chocolate ang gusto ni Ate Nikki?" tanong ko rito nang bitawan niya ang aking kamay bago siya pumili ng mga tsokolate.

"I don't know," mabagal nitong sabi habang nakatingin doon sa hinahawakan niyang snickers.

"Magugustuhan kaya niya ito? Ikaw, magugustuhan mo ba ito?" harap nito sa akin. Gusto ko naman ang snickers, pero mas gusto ko talaga ang dairymilk, hindi siya ganong katamisan.

"Ito na lang dairymilk, masarap ang lasa nito kaysa riyan sa snickers," sabi ko at saka kinuha 'yong dairymilk na nakadisplay at agad na pinakita sa kaniya.

"So you don't like snickers?" tanong nito sa akin.

"Hindi naman sa ganon pero mas type ko talaga ang dairymilk." sagot ko sa kaniya at tumango-tango lang ito sa aking sinabi at agad na kumuha ng maraming tsokolate at agad na pumunta sa counter.

"Ano pa lang ginawa mo rito, kanina?" tanong ulit nito sa akin at nagtataka na ako dahil puro siya tanong. Agad akong umiwas ng tingin doon kay kuyang bakla dahil inaasar ulit ako nito.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon