CHAPTER 4

120 43 113
                                    

Carry

Lumabas na ako sa tinitirhan kong apartment upang pumunta na sa bahay ng aking among si Ate Nikki, kapatid ng aking kaklaseng si Nit----

Ayaw ko talagang isipin o bigkasin man lang ang kaniyang pangalan dahil sa oras na maisip ko siya'y hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Saan ka pupunta, liit?" lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin at ito'y si Kuya Jep na anak ni Aling Nena.

"A-ano po..." ayaw ko munang sabihin sa kanila na ako'y may pinapasukang trabaho dahil sa oras na sabihin ko 'yon sa kanila ay baka sumbungin nila ako kay Tita Lalaine.

Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob upang masabi ko 'yon kay tita at sa kanila. Ayaw ko rin magsabi kay tita na kulang na ang pinapadala niyang pera kasi nahihiya rin ako.

"P-papunta po ako kina... Cerise." nauutal kong wika. Wala talaga sa aking bokabularyo ang magsinungaling, hindi ako tinuruan ng aking magulang ng ganoong paraan. Pinalaki nila ako na alam ang tama sa mali.

Ngunit ang ginagawa ko ngayon ay mali, hindi ko talaga kayang magsinungaling, lumalabas ang aking konsensiya.

"Sa totoo lang Kuya Jep," wika ko habang kinakamot ang harap ng aking tainga bago umiwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit anong mero'n?" tanong nito sa akin at nang silipin ko siya'y nakahawak siya sa kaniyang bewang habang pinapanood niya ako.

"Kuya Jep, wag niyo 'tong sasabihin kay Tita Lalaine ha?" pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kanila, isa na rin sila sa kinikilala kong pamilya.

"Ano ba 'yon?" tanong nito sa akin at hinawakan ang aking balikat upang mapapunta ang tingin ko sa kaniya.

"May trabaho na po ako," mahina kong sagot ngunit nagulat na lang ako no'ng sumigaw si Kuya Jep at doon namilog ang aking mga mata.

"Mama! Si liit may trabaho na raw!", hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin nang isagaw 'yon ni Kuya Jep.

"K-kuya Jep," nauutal kong wika at hinawakan ko ang kaniyang damit upang pigilan siya sa pagsigaw. Ang aking tingin naman ay doon pa rin nakatutok sa pinto ng apartment nina Aling Nena dahil alam kong doon ito lalabas.

Kinakabahan ako na baka hindi matuloy ang pagpasok ko sa unang araw ng aking pagtatrabaho. Nakita kong lumabas na si Aling Nena at dali-daling pumunta sa aking harapan, yumuko tuloy ako at pinaghawak ang aking dalawang kamay ng sobrang higpit.

"Ano 'yong sinasabi ng iyong Kuya Jep na may kung anong trabaho ka?" galit na wika nito ngunit na roon pa rin sa kaniyang tono ang pagiging mabait niya sa akin.

Nakanguso akong tumingin kay Kuya Jep habang siya naman ay nakatingin lang sa kung saan.

"Sagutin mo ako, Spring!" napakagat na lang ako sa aking labi nang sigawan ako ni Aling Nena.

"Nag-apply po ako sa isang trabaho," wika ko habang nakayuko.

"At ano naman 'yon?" pagpapatuloy ni Aling Nena habang nakahawak sa kaniyang bewang at ganoon din si Kuya Jep.

"Correct! Correct!" tango ni Kuya Jep ngunit nabigyan lang siya ng pingot sa tainga ng kaniyang ina.

"Katulong po," mahina kong sabi bago yumuko upang takloban ang aking sarili.

"Bakit ka pumasok sa trabahong iyan, ha?!" tanong muli ni Aling Nena at pinaglaruan ko lang ang aking mga daliri habang nakayuko.

"Kulang na po 'yong pinapadalang pera ni tita sa akin halos pangbayad na lang din po 'yon sa gastusin sa bahay. Nahihiya na nga rin po ako sa inyo, ang laki-laki na po ng naitutulong niyo sa akin tapos wala man lang po akong maibigay sa inyo pabalik. Tapos nagsimula na pong magkapasukan at sigurado po akong madami ang babayarin sa school. Ayos lang naman po sa akin kahit wala na akong baon kaso 'yon nga lang pong babayarin." mahaba kong sabi habang nakatingin lang sila sa akin at nakikinig.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon