CHAPTER 18

59 24 59
                                    

Water

Dumaan ang isang linggo at kalahati, na walang pasok at lumiban ako ngayon, dahil ngayon lang ako dadalaw sa aking magulang kasama ang aking tita at pati na rin si Tito James. Ayaw kasi ni Tita Lalaine na dumalaw kami noong ika-isa ng Nobyembre dahil sobra raw daming tao sa sementeryo. Ang gusto niya raw ay 'yong payapa at hindi nakakasakit ng ulo dahil sa dami ng tao.

"Did you already pack, all the things that you should bring in there?" tanong sa amin ni Tito James nang makalabas na kami sa apartment. Tumango ako at saka tinuro ang aking bitbit na basket.

Magpi-picnic na rin kasi kami roon at pasado alas syete lang ng umaga dahil kapag tanghali na kami pumunta roon ay baka sobrang init na at hindi na kami makakapagpicnic.

"Huwag mo nga akong dinadaan-daan sa english mo! Magtagalog ka nga!" utos ni tita kay tito at napakamot na lang ito sa kaniyang batok. Sanay kasi si Tito James na mag-ingles dahil sa pinasukan nitong unibersidad at lumaki rin siya sa States.

"O-oka--- I mean... ang ibig kong sabihin ay sige." napatingin ako kay tita na para ba siyang nangdidiri sa sinasabi ni Tito James. Halos ako rin ay mapangiwi dahil sa sinabi nito.

"Dyusmiyo ka! Sa ilang taong nakakausap kita hindi ka man lang natuto? Pero infairness, gumagaling-galing ka na." biglang nagpalit ang lagay ng loob ni tita sa pagiging malambing kaya tumawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Hindi sila 'yong akala mong perpektong magkarelasyon, dahil laging nagagalit si Tita Lalaine kay Tito James ng walang dahilan at umaamo agad si tito na para bang isang tutang maliit, halos ang cute nilang dalawa kapag magkasama sila. Pero ang nakakapagtaka kay tita ay hindi pa rin niya sinasagot si tito, halos siyam na taon na rin ang lumilipas at mabuti na rin na hindi nagsasawa si tito kay Tita Lalaine.

Ang alam ko'y nagkakilala  sila noong college  no'ng nahimatay daw si Tita Lalaine dahil doon sa pagkakaheadshot ni Ate Nikki gamit ang bolang pangbaseball. 'Yon ang sabi sa akin ni Tito James, nandoon daw siya sa clinic noon at nakita na lang niya na bitbit si tita ng mga kaibigan nito, na puro lalaki dahil isa raw noon si tita sa mga basag-ulo gang.

Bumaba na ako sa kotse ni Tito James at gano'n din si tita, dumiretso na agad kami sa puntod ng aking magulang at agad kong nilinis ang lapida nila. Binasa ko ang mga nakasulat dito upang hindi maisip 'yong nangyari noon.

Winter Shaine J. Dela Chavez
Birth: October 29, 1982
Death: March 26, 2018

Lucas F. Dela Chavez
Birth: June 12, 1981
Death: March 26, 2018

"Kamusta na kayo riyan, ate?" tanong ng aking tita. Umupo na rin siya katulad ko habang nilalagyan ko ng apoy ang kandila gamit ang isang pusporo.

"Kasama ko na ngayon ang inyong anak. Katulad nang sinabi ko sa 'yo noon, ate. Kapag nakauwi na ako ng Pilipinas ay aalagaan ko si Spring na parang isang anak." wika nito habang inaayos ang pagkakalagay ng bulaklak sa may tabi ng lapida.

"Sorry, kung hindi ko nagawang umuwi noon sa Pilipinas. Hindi kasi a-ako..." tumingala si tita at ramdam kong naiiyak na siya ngayon, pinipigilan lang niya. Yumuko ako at napahawak  ng mahigpit sa aking damit na suot.

"Makauwi dahil hindi ako payagan ng aking amo. Hirap na hirap ako noon, hindi ko man lang magawang umuwi para masamahan lang ang aking pamangkin." pagpapatuloy nito at napatingin ako kay tita no'ng sinama niya ako sa kaniyang sinasabi kina mama at papa.

"Alam kong nahirapan siya noon dahil mag-isa lang siya at walang masasandalan ng mga oras na 'yon." nanonood lang ako kay tita nang sabihin niya 'yon. Wala man lang akong maramdamang sakit o kung ano, para bang blangko ang lahat. Tumingin sa akin si tita na nag-aalala kaya ngumiti lang ako rito.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon