CHAPTER 27

23 9 9
                                    

Unknown

"Tita, alis na po ako!" pagpapaalam ko sa aking tiyahin.

"Ipahatid na lang kaya kita kay James," sabi nito sa akin ngunit umiling ako.

"Hindi na po Tita Lalaine, gusto ko pong maka-bonding ang mga magulang ko ng mag-isa," ani ko at saka ngumiti sa kaniya. Hinawakan nito ang aking ulo at bahagyang hinaplos ito na parang isang babasagin na baso.

"Sige, mag-iingat ka ha?" tumango agad ako sa aking tita at nagpaalam muli rito.

Nag-umpisa na akong maglakad at sumakay ng jeep. Nakita ko pa sina kuya na mga taga-kanto at kinawayan sila. Ang araw na ito ay isang espesyal para sa akin, ngunit nawala ang lahat ng 'yon nang dumating ang trahedyang 'yon.

Ang araw na ito ay masaya sana ngunit ito 'yong araw na nawala ang aking mga magulang. Kaya hindi ko na ito matatawag na isang espesyal kung kaya't isang ordinaryong araw na lamang ito para sa akin.

Bumaba na ako sa jeep ng makarating na ako sa aking destinasyon. Lumakad na ako papuntang gate at nakita ko si Manong Guard.

"Hello po, Manong Guard!" bati ko rito na siyang kinatingin niya.

"Ohh Spring, napadalaw ka?!" wika nito at bahagyang napa-isip sa kaniyang sinabi. "Ahh ngayon 'yong araw?" tumango ako sa kaniyang sinabi.

"Opo, kaya po papasok na po ako," wika ko at tinuro ang daan papuntang loob ngunit naudlot 'yon no'ng may tanongin siya sa akin.

"Wait Spring, sino 'yong kasama mo no'ng isang ara--- ang ibig kong sabihin ay no'ng isang taon?" Napatawa ako roon sa sinabi niya kaya bahagya kong tinakpan ang aking bibig at nagkamot lamang ito sa kaniyang batok.

"Sina tita po 'yon, iyon po 'yong aking sinasabi sa inyo na nasa abroad," sagot ko at napa-ahh lamang ito sa aking sinabi.

"Sige ineng, pumasok ka na, baka hinihintay ka na rin nila." Tumango naman ako sa sinabi ni Manong Guard.

"Sige po una na ako!" pagpapaalam ko at nagsimula na muling maglakad. Dati rati kasi ay nandito lagi ako sa sementeryo at laging dinadalaw sina mama at papa. Minsan ay nakakausap ko rin si Manong Guard kapag dumadalaw ako rito, kaya kilala na nila ako.

"Good morning mama at papa," bati ko nang makarating na ako sa kanilang puntod. Inilagay ko sa kanilang lapida, ang binili kong bulaklak na rosas kanina sa may labasan. Sumisimbolo ang bulaklak na ito sa pangmatagalan na pagmamahal ko sa kanila.

"Kamusta na po kayo riyan? Higit tatlong taon na rin po kayong wala sa piling ko," wika ko at nilinis ang lapida ng aking ina.

"Ma, sa tingin ko po ay nararanasan ko na 'yong sinasabi niyo po lagi sa akin noon. Na isang araw po ay may magpapatibok na rin nitong aking puso." Tumingin ako sa langit habang nakaupo sa maliliit na mga damo.

"Pero bakit po ganon? Bakit parang nalilito po ako kung totoo po ba itong aking nararamdaman o hindi. Nalilito nga po ako eh, sa totoo lang." Pumikit ako at saka dinama ang malakas na hangin na para ba akong niyayakap nito.

"Nalilito nga po ako sa aking sitwasyon, kung tama po bang kaibigan ko 'yong aking pinili kaysa sa aking nararamdaman. Pero sa tingin ko po ay 'yon ang tama dahil ang ating pong nararamdaman ay natitiis, kaysa mawalan na naman po ako ng mahalagang tao sa aking buhay," wika ko bago yumuko at niyakap ang aking dalawang tuhod.

"Mas magandang tiisin na lang kaysa sa sabihin ang totoo, 'di po ba?" bulong ko sa aking sarili at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa aking tuhod.

"Alam niyo po bang may lalaking ng harana sa akin, kahapon? Sobrang saya ko po no'n kaso may pumipigil sa kasiyahan kong 'yon. Sana patawarin niya na po ako kahit alam ko naman pong wala akong ginawang mali." Naalala ko na naman 'yong nangyari kahapon. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi umiyak.

Middle Of A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon