prologue

2.8K 130 18
                                    

Authors note: This story is not that perfect as the story of those famous authors.

"Mafia's and assassin was exist in a real life."

______________________________________
Prologue

***

It's been two days since nangyari ang hindi kaaya ayang nangyari sa akin. Sinabi ko sa pamilya ko ang nangyari sa akin at galit na galit si Mama at Papa. Galit na galit si kuya at gusto niyang puntahan ang mga gumahasa sa akin pero pinigilan ko. Wala kaming laban dahil mayaman ang mga 'yon. Mahirap lang kami. Pauwi na ako ngayon sa bahay namin. Pasado alas-otso na ng gabi. Galing ako sa palengke dahil nagtitinda ako ng gulay. Ito lagi ang ginagawa ko kapag walang pasok.

Napatigil lang ako sa paglalakad ng makita ko ang maraming tao na nagtatakbuhan at nagsisigawan sa harap ng bahay namin.

Nabitiwan ko ang hawak kong bag na naglalaman ng pinamili ko para sa hapunan namin ng makita ang nagliliyab na bahay namin.

Nanginig sa takot at panghihina ang katawan at tuhod ko.

Hindi p'wede!

Mabilis at aligaga akong tumakbo palapit sa bahay, kahit pa ilang beses na akong nadapa sa panghihina.

"Ma! Pa! Kuya! Mga kapatid ko!?" Umiiyak na sigaw ko.

Sumiksik ako sa mga kapit bahay namin at pumunta sa harap.
Unti-unting nilamon ng apoy ang buong bahay namin. Parang binagsakan ako ng langit sa nakikita ko.

Hindi p'wede! Nasa loob ang pamilya ko!

"Mama! Papa! Mga kapatid ko!!" Umiiyak na sigaw ko pa sabay takbo papasok sa loob.

Pero may humawak sa kamay ko at hinila ako pabalik. "Wag kang pumasok sa loob, hija. Masyadong malaki ang apoy at kanina pa iyan kinain ng apoy." Sabi pa ni Manong Ernesto.

"H-hindi p'wede! Manong, nasa loob ang pamilya ko! Kailangang makalabas sila!" Umiiyak na sigaw ko at pilit kumawala kay Manong.

"Delikado, hija! Baka mapa'no ka pa!" Sigaw ni Manong.

Umiling-iling ako at nanginginig na pinahid ang luha ko sa mata.

"Hindi maaari! Kailangan ko iligtas ang pamilya ko! Hindi sila p'wedeng mawala sa akin!" Umiiyak na sigaw ko at kumawala kay Manong.

Akmang tatakbo na ako papasok nang biglang matupok ang bahay. Sumabog ang loob at nagkandapiraso ang bahay namin.

"Hindi!" Umiiyak na sigaw ko.

Nanghihina at nanginginig na bumagsak ako sa lupa habang umiiyak na tumingin sa bahay namin.
Parang sinaksak ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Mama, papa, mga kapatid ko!

Sigaw ng isip ko habang umiiyak. Tuluyan ng nilamon ng apoy ang buong bahay namin. Wala ng natira maliban sa mangilan-ngilang nakatayo at sira-sirang debisyon ng bahay namin.

Parang pinagkaitan ako ng kapalaran. Nawala na nga ang bagay na pinaka iingatan ko tapos pati pamilya ko ay nawala na rin.

Wala man lang kalabanlaban.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now