chapter 8 "Letter"

609 32 0
                                    

A/N: Baka malito kayo, si Zayne Shion Milton ang bida natin. Sadyang misteryuso ang takbo ng story para sa kaniyang paghihiganti.🥰

Kill devil's Pov.

Nangangalit ang ngiping hininto ko ang motor na gamit ko sa gilid ng kalsada.

Gusto ko ng sumabag sa galit noong nakaraang gabi dahil sa mga nakita kong reaction nilang lahat.

Parang hindi man lang sila guilty o kinabahan. Akala mo wala silang kasalanan na hindi pa nababayaran kong umasta sila.

Parang nakalimutan ata nila ang kahayupan nila at ang mga kademonyuhan nila noon.

Napahigpit ang hawak ko sa manobela ng motor ko habang nandidilim ang matang nakatingin sa daan.

"Ang galing niyong magtago at umakto na parang wala kayong kasalanang nagawa." Tagis ang bagang na sabi." Pwes! Gagalingan ko rin ng higit sa galing niyo ang paglalaro at pag-unti unti kong pagsingil sa inyo. Nagsisimula na ako mga hangal!" Galit na sabi ko bago pinaharurot ang motor ko.

Halos ipalipad ko na sa bilis ng takbo ang motor ko.

Hindi ko pinansin ang nagsibusinahang mga sasakyan na nilagpasan ko lang.

Saktong dadaan na ako sa stop light ng biglang nag red light.

Napa smirk ako at bahagyang inangat ang katawan at pinalipad ang motor ko. Narinig ko pa ang pagpito ng pulis pero hindi ko na pinansin.

Nilakasan ko pa ang takbo ng motor ko dahil alam kong hahabulin ako ng nga pulis.

Mga tunggak!

Tsk!

Hanggang sa makarating na ako sa head quarter namin. Psh!

Pinark ko nalang ang motor ko sa harap ng head quarter namin. Wala namang nakakaalam sa lugar nito maliban sa mga unggoy na alaga ni Black Devil ang mafia rank#1.

Tsk!

Pasado alas nuebe palang naman ng umaga. Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko ang tatlo na nasa sala at may pinag uusapan.

Napatigil lang sila ng makita ako. Umayos sila ng upo at tumahimik.

Psh!

Hinubad ko ang itim na gloves bago kinuha ang patalim na nasa bewang ko at inilapag sa mesa.

Kinuha ko rin ang baril na nasa kabilang bewang ko bago naupo.

"Good morning, Kill." Bati pa nila.

Tsk!

Walang good sa morning.

Tinanguan ko nalang sila habang sumandal sa sofa at pumikit.

"Anong pinag uusapan niyo?" Walang ganang tanong ko.

Bumuntong hininga sila bago nagsalita si Dart.

"Pinag uusapan namin ang mga possible na mangyari. Nakuha na namin ang location ng pamilya nila. Ang iba ay nasa ibang bansa pa pero na-handle na namin 'yon." Sabi pa ni Dart.

Tsk!

Alam ko na 'yon.

"Yeah, I know. Anything?" Bored na tanong ko.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon