chapter 13 "Missing"

447 29 1
                                    

Third person's Pov.

Habang nagkakasiyahan ang mga magkakaibigan ay hindi nila namamalayang may nakamasid lang pala sa kanila sa loob ng bar.

Habang si Faith naman ay nasa loob ng bathroom. Hinihintay lang ito ni Jace sa labas ng cr.

Hanggang sa matapos ito at bumalik sila sa taas. May mga tama ng alak na ang magkakaibigan pero kaya pa naman nila.

Pasado alas-onse na ng gabi ng maiisipang umuwi. Lahat sila ay sabay-sabay na bumaba sa ground floor ng bar bago lumabas.

Sa kabilang banda.

Nagmamasid lang ang isang tao sa bawat kilos ng magkakaibigan. Hindi nila ito namamalayan at busy sa pag pasok sa kotse ang magkakaibigan.

Hanggang sa makaalis na ang iba at sunod-sunod na nakaalis na rin sila.

Mabilis na sumampa sa motor ang taong nagmamasid at sinundan ang isang taong kanina pa niya binabantayan.

Nakangisi pa ito habang nakasunod lang sa sinusundan nito.

Hanggang sa magkahiwalay na ng daan ang magkakaibigan. Mas lalong napangisi ang taong naka motor. Nakaitim ang taong nakamotor habang may mask sa mukha.

Samantala, kahit may tama ng alak ay napansin ng lalaki na may nakasunod sa kaniya. Tiningnan niya ito sa reer view mirror.

Nakita niya ang taong nakamotor na nakasunod sa kaniya. Napakunot ang noo nito at binilisan ang takbo ng kotse.

Ngunit ng makarating sila sa may liblib at gubat na bahagi ng daan ay biglang nauna ang naka motor at hinarangan siya nito dahilan para mapa preno ito ng mabilis.

Nakaramdam ng kaba ang lalaki at biglang nawala ang tama ng alak sa katawan niya dahil sa kaba.

Nakita pa niya ang kumikinang na patalim sa bewang ng taong sumusunod sa kaniya dahilan para mapalunok ito.

Mabilis na bumaba ng kotse ang lalaki at tumakbo. Napangisi naman ang taomg naka motor bago bumaba sa motor nito.

Nang lingunin niya ng lalaki ang nakasunod sa kaniya ay napansin niyang babae ang nakasunod sa kaniya.

Takbo nang takbo ang isang lalaki habang may nakasunod sa kaniyang naka-itim na babae.

Kanina pa siya nito  sinusundan. Halos patungo na sa may gubat ang dereksiyon ng lalaki dahil sa pagtakbo.

Nilingon pa nito ang babaeng prenteng nakasunod lamang sa kaniya habang may hawak itong matulis na patalim.

Lalong natakot ang lalaki at mas lalong binilisan ang pagtakbo nito nito.

"Takbo ka lang nang takbo hangga't kaya mo, Aron Rosales." malamig at nakakapanindig balahibong sabi pa ng babae.

Nakamaskara ito ng kulay itim habang nakasuot ng hood.

"S-sino ka!? Bakit alam mo ang pangalan ko? Anong kailangan mo sa akin!?" takot at sunod-sunod na tanong pa ng lalaki.

Panay pa rin ang takbo hanggang sa madapa ito. Akmang babangon uli ito nang maabutan siya ng babae.

"Sino ako? Bakit alam ko ang pangalan mo? Anong kailangan ko sa'yo?" pag-uulit na tanong pa ng babae sa sinabi nito kanina.

Nanginig sa takot ang lalaki ng palandasin ng babae ang patalim sa mukha nito.

"Well, no need to know who I am. I know your name because I know you than you think. The last, I am not the one who need something to you but let me tell you. You will face the death after I bring you to the devil one." malamig na sabi ng babae bago sinapak ng malakas ang lalaki dahilan para mawalan ito ng malay.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now