"Epilogue"

1.3K 48 14
                                    


Zayne's Pov.

Lumipas ang isang buwan na payapa na ang kalooban ko. Matapos noong gabing tinapos ko ang buhay nila Jace at Gavin ay naging tahimik na ang kalooban ko para sa pamilya ko.

Lagi rin akong pumupunta sa simbahan para humingi ng tawad sa Dios sa lahat ng mga nagawa ko.

Naibigay ko na ang hustisya para sa pamilya ko.

Kahit papaano ay nakilamay kaming lahat at nakilibing sa mga Moonstone at Lendron.

Panay pa ang iyak nila Arce. Alam na rin nilang isa akong Milton. Pero hindi ko sinabi sa kanila na ako ang nasa likod ng pagkamatay nila Jace.

Sa isang buwan na lumipas ay naiisip ko pa rin ang mga nangyayari. Nakakaramdam ako ng konsensiya dahil alam kong hindi tama ang paghihiganti ko.

Ang gusto ko lang naman ay makamtan ang hustisya para sa pamilya ko.

Nakamtan na rin ni Kuya Zayden ang hustisya sa pagpatay sa mga magulang niya.

At hanggang ngayon ay walang matinong information ang nakuha ang mga autoridad sa mga nangyayari.

Pati na rin ang mga soco imbistigador. Sumuko na sila sa pag-imbistiga dahil wala naman silang napala.

So far ay naging maayos naman ang lahat.

Bumalik sa normal ang buhay ko kasama sila Kuya Anthon, Kuya Zayden at ang mga kaibigan ko.

Nanatiling Zayne Shion Milton ang pangalan ko.

Gusto ko ng ilibing sa limot ang lahat ng mga nangyayari.

Gusto ko ng maging malaya sa galit na nasa puso ko noon.

Gusto ko ng mamuhay ng tahimik at payapa kasama ang mga taong nanatiling nasa tabi ko.

Hayst!

"Zayne! Come here!" rinig kong sigaw ni Maddy.

Yes.

It's Maddy.

Siya iyong tinulungan ko sa hospital bill nila dati ng kapatid niya sa hospital nila Mr. Moonstone.

Nagtrabaho pala siya kay Kuya Anthon bilang assistant nito sa Kings ground.

Alam ko na kung ano ang naging buhay ni Kuya at ang nangyari noong five years ago.

Kung paano siya nakaligtas.

Sinabi niya sa akin ang lahat at palagi niya pala akong sinusundan noon.

That's why he knows about my identity.

Lalo na ang pagiging assassin ko.

Sinabi ko rin sa kaniya kung paano ako naging assassin. Kung paanong naging Kuya ko si Kuya Zayden Milton.

*Flashbacks five years ago.

Galit na galit akong umalis sa pinaglibingan ko sa kapatid at pamilya ko.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko matanggap na wala na ang pamilya ko.

Parang kahapon lang ay nagkakatuwaan at nagbibiruan kaming lahat.

Tapos ngayon wala na sila.

Napakuyom ang kamao ko. Nakaramdam ako ng matinding galit sa mga taong gumawa nun sa pamilya ko.

Napatingin ako sa hawak ko. Ito ang bagay na inilagay ni Anna Faye sa kamay ko kanina bago pa man siya nawalan ng buhay.

Sila Jace Moonstone!

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now