chapter 10 " The news"

701 34 0
                                    

Zayne' Pov.

Nasa mansion kami nika Kuya ngayon habang nakaupo dito sa sala. Nagbabasa ito ng newspaper ng nakapandikwatro habang ako naman ay nakasandal sa sofa hawak ang cellphone ko.

Tsk!

Ang boring ng araw na ito. Wala pa akong agahan dahil kakagising ko pa lang din naman. Mamaya pa ako kakain.

Dito na ako natulog kagabi ng makaalis ako sa pinuntahan ko.

Psh!

Useless ang lakad ko kahapon. Walang matinong---nevermind!

"How was your work?" biglang tanong pa ni Kuya, nasa binabasa pa rin ang tingin nito.

Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Well, it was fine." walang ganang sagot ko.

Tiniklop nito ang newspaper na binabasa bago itinabi.

"I'm referring to your---"

"Tsk! I'm not on my mood to talk about it, Kuya." walang ganang pigil ko sa kaniya.

Rinig kong nagbuntong-hininga ito bago seryusong tumingin sa akin.

"Just make sure to do it well. I'm very busy to manage our company so, I can't accompany you to do it." seryusong sabi pa nito.

Tsk!

Hindi nalang ako kumibo at pumikit. 'Di ko na kailangang samahan pa niya sa mga gagawin ko. I can handle it by the way.

I am not named Zayne Milton without one.

Tsk!

"Take your breakfast first, I'll leave you here." huling sabi pa nito bago naglakad paakyat sa hagdanan at dumeretso sa kwarto nito.

Napabuntong-hininga uli ako bago naisipang tumayo at umakyat na rin. Maliligo nalang muna ako bago kakain.

Agad na akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ng thirty minutes ay nagbihis na agad ako.

Pagbaba ko nakasalubong ko pa ang isang katulong na nakayukod na bago nagsalita.

"Kumaun na po muna kayo, Young Lady." magalang na sabi nito.

Tsk!

"May lakad ako kaya hindi na ako kakain." sabi ko bago ito nilagpasan.

Hindi pa man ako nakakarating sa pinto ng may biglang nagbukas at pumasok ang apat.

Napakunot ang noo kong nakatingin sa kanila.

"Good morning, Z," nakangiting bati pa ni Yvonne.

Tinanguan ko nalang ito bago nagsalita.

"What are you doing here?" tanong ko.

Napakot pa sila ng batok habang ang iba ay napaiwas ng tingin.

"Hehehe. Makikikain lang sana kami----"

"Tsk! Wala bang pagkain sa inyo?" pigil ko kay Liren.

"Meron tinatamad lang magluto." kamot ulong sagot naman ni Xenia.

Napapailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

Nagtungo nalang ako sa sofa at naupo. Sumunod naman sila at naupo rin.

"Nasaan si hubby?" tanong pa ni Xyca habang tumingin sa paligid.

Kina-reer ang pagtawag ng hubby kay Kuya, eh 'no?

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें