chapter 29 "The truth"

579 28 0
                                    

Zayne's Pov.

Hindi na muna ako umuwi sa condo ko. Dito na na muna ako tumuloy sa mansion ngayon.

May marami pa akong kailangan gagawin.

Tsk!

Nagbihis ako ng damit bago bumaba. Nasa kompaniya na si Kuya kanina. Marami siyang aasikasuhin do'n ngayon.

Dumeretso na lang ako sa kusina. Naabutan ko ang mga katulong na naglilinis.

Kumuha na lang ako ng baso at lumapit sa ref. Kumuha ako ng tubig at nagsalin bago uminom.

Pagkatapos ay lumabas. Sakto namang bumukas ang main door ng mansion at pumasok si-----

"Hey, sis!" sigaw pa ni Xyca.

Tinapunan ko lang siya ng tingin bago umakyat sa kwarto ko.

Naramdaman kong nakasunod ito sa akin.

"Uy! Bakit snob lang ako ngayon?" tanong pa nito.

Tsk!

"Don't mess up with me. I have a lot of things to do right now." walang ganang sabi ko bago naupo sa harap ng table ko sa kwarto.

Rinig ko ang maktol nito at naupo sa kama ko.

Agad na binato ko siya ng cellphone buti na lang nakailag ito.

"I don't give you a permission to sit in my bed." walang lingong sabi ko.

"Hayst! Bakit ba ang sungit mo ngayon, sis? May dalaw ka ba-----hehehe. Biro lang naman, eh." Sabi nito sabay upo sa sofa.

Tsk!

Humarap ako sa laptop ko at tiningnan ang mga info na pinadala ni Xenia.

"Oo nga pala, saan pumunta sila Xenia kagabi? Hindi kasi sila umuwi sa bahay, eh." sabi pa nito.

Bakit ako ang tinatanong niya?

"Asked them not me." sabi ko bago niligpit ang laptop at tumayo.

Kumuha ako ng coat dahil aalis ako ngayon.

"Wuy! Aalis ka? Sama naman ako!" pasigaw na sabi nito at sumunod sa akin.

Tsk!

Bumaba ako at lumabas ng mansion bago dumeretso sa kotse ko.

"Si Kuya ang kulitin mo at huwag ako." sabi ko sa kaniya bago pinaharurot paalis ang kotse ko.

Ang ingay-ingay ng babaeng 'yon. Hindi ata siya mapakali kapag hindi dada ng kahit isang minuto man lang.

Psh!

Akmang ililihis ko ng daan ang kotse ko ng mag vibrate ang cellphone ko.

Hindi na ako nag-abalang tingnan ito. Napatingin ako sa unahan. Napakunot ang noo ko ng makita si Mr. Moonstone na panay ang lingon sa paligid.

Smirk

Tiningnan ko lang ito at parang hindi ito mapakali. Daig pang may makikitang multo.

Napapailing na lang ako.

Huminto ako bago bumaba ng kotse. Inayos ko ang maskara ko bago lumapit sa kaniya.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako napansin.

"Why are you afraid of?" tanong ko dahilan para gulat na mapalingon ito sa akin.

"Shit!?" Rinig kong mahinang mura nito.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now