chapter 5 "Hospital"

985 42 9
                                    

A/N: Konnichiwa! Talasan mo ang iyong isip sa bawat scene.

Third person's Pov.

Papasok sa loob ng mall ang anim na magkakaibigan habang naka pormal attire ang mga ito. Nakangiti pa ang lima sa kanila habang poker face lang si Jace. Pinagtitilihan sila ng mga kababaihan at mga bina-babae.
Hanggang sa makapasok sila sa entrance at nakangiti pa rin ang lima.
Hindi man lang nila napansin ang masama at matalim na tingin ng isang babaeng galit na napakuyom ang kamao habang nag tagis ang bagang nitong naka masid lamang sa kanila.
Hanggang sa mapatingin ang anim sa gawi nila Xenia na poker face lang ding nakatingin sa kanila. Natigilan pa ang anim na nakatingin sa gawi nila. Habang si Jace ay napako ang paningin sa naka maskarang si Zayne.

Napakunot pa ang noo nito at ganun din ang lima pang kasama niya. Marahil ay nagtataka sila kung bakit naka mask ang babae.

Pero agad din silang nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad ang apat na babae at hindi na sila muling nilingon pa.

"Weird! Why is she's wearing a mask?" Nakangiwing ani pa ni Gavin.

Nakasunod lang ang mga mata nila sa apat na palabas ng mall.

"Yeah, mukha pa namang chicks---aray!" Daing pa ni Kai ng batukan siya ni Gael.

"Ulol! Tandaan mo may girlfriend ka na, dre!" Sabi pa ni Gael.

"Maybe trip niya lang hahaha." Sabi pa ni Aron sabay tawa.

"Mga g*go! Hindi naman halatang trip niya lang! 'Di niyo ba napansin ang aura niya?" Tanong pa ni Andrei.

Napakunot naman ang noo ng iba.

"Yeah, parang nandidilim ang mga matang nakatingin sa atin kanina mga dre!" Nakangiwing sabi pa naman ni Gavin.

Tumango ang iba dahil sa sinabi nito.

"Tsk! Lets go!" Sabi ni Jace at naunang naglakad.

Napapailing na sumunod na lang ang lima sa kaniya papunta sa restaurant ng mall. They had a lunch meeting with the negotiator of their company.

Habang ang mga babae ay halos mabali ang leeg kaka-lingon sa anim.
Hinihintay na lang nila ang ka-negotiate nila habang nag order ng makakain.

Tahimik na nakasandal lamang si Jace sa kaniyang inupuan at malalim ang iniisip habang poker face lang ito.

*Sa kabilang banda.

Nakaalis na sila Xenia. Si Zyane naman ay mahigpit ang kamay na nakahawak sa manobela ng kotse nito habang bakas ang masamang aura nito.

Animo'y ora mismo ay papatay na ng tao dahil sa pasama ng pasamang aura niya. Kung nakita lamang iyon ng kaniyang mga alaga at malamang kanina pa namumutla sa takot ang mga ito.

Hanggang sa makauwi na sa tinutuluyang condo nito. Nagpatulong pa ito sa guard upang ihatid sa kaniyang unit ang mga pinamiling groceries.

"A wild and a break through for the following days, weeks and months. Playing with a dirty moves and never let them to win." Nakangising bulong pa nito habang papasok sa kusina ng unit niya.

Inisa isang inilagay sa freezer ang mga freeze meat and foods. Pagkatapos ay uminom ng tubig habang pinaglalaruan sa kamay ang baril na nasa ibabaw ng mesa.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now