chapter 15 "Death"

461 24 1
                                    

Faith's Pov.

Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan na ginamit ko. Nagpunas ako ng kamay bago bago lumabas ng kusina.

Naupo na muna ako sa sofa ko para magpahinga. Kakauwi ko lang dito kanina. Pupunta sana ako sa bahay nila Iren ngayon pero hindi na ako tumuloy.

Nakalimutan kong may tatapusin pala akong folders ngayon. May duty na ako sa hospital bukas.

Hayst!

Napakapa ako sa bulsa para kunin ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

"Nasaan ba 'yon?" bulong ko pa habang kinapa ang bulsa ko.

Hayst!

Baka naiwan ko sa loob ng kwarto. Tumayo na lang ako at naglakad papasok sa kwarto ko.

Pagtingin ko sa bedside table ay nando'n lang pala.

Pag open ko ay may nakita akong tatlong misscall na galing kay Jace.

Tsk!

Bakit naman napatawag ang isang 'to?

May isang text din na galing sa kaniya. Binuksan ko na lang at binasa ang nakasulat.

"W-what?!" malakas na bulalas ko habang nakatingin sa text ni Jace.

Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko bago dali-daling nagbihis ng panalakad.

Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng kotse bago nagmamadaling lumabas ng unit ko.

Agad na akong pumasok sa elevator at pinundot ang groud floor.

Nagtext ako kay Jace na on the way na ako.

Nang makarating sa ground floor ay tumakbo na ako palabas ng condo. Dumeretso ako sa parking lot at agad na pumasok sa kotse.

Mabilis na pinaandar ko paalis ang kotse at tinahak ang daan papunta sa morgue.

Muntik pa akong makasagi ng ibang sasakyan dahil sa pagmamadali ko. Hanggang sa makarating sa morgue.

Nakita kong nandito lahat ng kotse nila Jace.

Agad na akong nagpark at nagmamadaling bumaba.

Mabilis na naglakad ako papasok sana sa loob nang may nakasalubong akong pulis.

"Faith? Hey! Ikaw nga!" sabi pa nito sabay lapit sa akin.

Nang tingnan ko ang mukha nito ay si Serges pala.

"Yeah. Ako nga." sagot ko sa kaniya habang tumitingin sa loob ng morgue.

"Are you ok? Bakit parang 'di ka mapakali?" tanong pa nito.

"Ayos lang. Saan dinala ang bangkay ni Aron Rosales?" tanong ko sa kaniya.

Natigilan pa siya habang nakatingin sa akin bago nagsalita.

"You know him?----"

"Oo. Saan ba siya dinala?" pigil ko pa sa kaniya.

Napakamot pa ito bago gumilid.

"Samahan na kita kung saan." sabi pa nito.

Tumango na lang ako at naglakad na papasok sa loob ng morgue.

May mga pulis din pala ang nandito sa loob.

"In this way, Faith." sabi pa nito.

Pagtingin ko sa loob ay nakita kong umiiyak sila Arce.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now