chapter 21 "Hinala"

383 20 1
                                    

Faith's Pov.

Days passed. Nalibing na kahapon ang pamilyang Lamoste. Dalawang kaibigan namin ang wala na kasama ang pamilya nila.

At alam kong may malaking dahilan kung bakit nangyayare ito. Alam kong may nagawang kasalanan ang magkakaibigan kaya sila pinupunterya.

Dahil hindi mangyayare ang mga bagay na ito kung wala pa.

Ayos na rin si Candra at inaaliw lang namin ito. Hindi madaling mawalan ng taong mahalaga sa buhay. Dahil naranasan ko na rin ang bagay na iyon.

Napabuntong-hininga ako habang papasok sa loob ng hospital. May duty ako ngayon. Habang si Arce ay bukas pa ang duty niya.

Binati ako ng mga nurse na nakasalubong ko. Binati ko rin sila bago pumasok sa elevator. Mahigit isang linggo kaming walang duty ni Arce dahil sa lamay ng mga Lamoste.

Nang makarating ako sa floor ng office ko ay pumasok na ako. Inilapag ko sa sofa ang bag ko bago lumapit sa doctor's dress.

Nagbihis ako bago naupo sa swivel chair ko. Tiningnan ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa.

*Tok! Tok! Tok!

"Come in!"

Sabi pa ko sa kunatok. Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary assistant ko.

"Good morning, Doc. Faith," nakangiting sabi pa nito.

"Good morning, too." balik na bati ko.

Naupo siya sa harap ng mesa ko bago nagsalita.

"Isang linggo kang walang duty, Doc, ah! Anong meron?" tanong pa nito.

Napasandal ako sa upuan ko bago tumingin sa kaniya.

"May inasikaso lang kami ng mga kaibigan ko." sagot ko sa kaniya.

"Iyon ba 'yong tungkol sa pamilyang Lamoste? Kaibigan mo iyong namatay, 'di ba?" tanong pa nito.

Napabuntong-hininga ako bago tumango.

"Kawawa naman sila." sabi pa nito.

Tsk!

"How's my schedule for today?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah, walang operation ang naka schedule ngayon. You need to check the patient room 103 at 207 mamaya. Tapos sa hapon naman ay iyong patient sa 302 at 304 ang i-check mo mamaya." sabi pa nito.

Tumango na lang ako bago binalingan uli ang mga papel sa table ko.

"You can leave now." sabi ko pa.

Tumango lang ito bago tumayo at lumabas ng office.

Ang daldal.

Tsk!

***

Pasado alas-kwatro na ng hapon at kakalabas ko lang ng hospital. Pumasok ako sa kotse ko para umuwi na sa condo ko.

Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Pagtingin ko isang unknown number ang nagtext.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa numero.

Binuksan ko ang messages.

From: 09*********
Always take good care of yourself. I'm always watching on you.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang