chapter 25 "Andrei"

408 20 0
                                    

Faith's Pov.

Saturday night na ngayon at nandito kami sa isang fast food chain. May dinner kami nila Arce.

Nandito kaming lahat maliban kay Rain na hindi na bumalik dito sa pinas mula nang umalis siya.

Hinihintay lang namin ang order namin habang nakaupo sa table namin.

Tahimik lang ang mga boys na para bang nagmamatayga sa pligid.

Napabuntong-hininga na lang ako. Halatang nagmamatyag sila kung may ka hina-hinala sa paligid.

"Oh? Bakit ang tahimik niyo?" biglang tanong ni Audrey sa kanila.

Napabuntong-hininga sila bago nagsalita si Kai.

"Nothing, babe. May iniisip lang kami," malumay na sabi ni Kai.

Napatango na lang si Audrey.

"Oo nga pala, nagtext si Rain na pumunta siya sa Hongkong kanina." sabi pa ni Wendy.

"Mmm. Pero ano naman ang ginagawa niya ro'n?" tanong ni Candra.

"Her boss sent her there for some business matter." sagot ni Wendy.

Napatango-tango kami hanggang sa dumating na ang order namin.
Marami ang in order ni Andrei siya kasi ang naunang dumating kanina.

Nagsimula na lang kaming kumain habang nag uusap.

"By the way, kamusta na pala iyong tungkol sa mga nangyayare?" tanong pa ni Arce.

Napabuntong-hininga si Jace bago nagsalita.

"Wala pa rin kaming nakuhang info sa gumawa nun sa mga kaibigan natin." walang ganang sagot niya.

Natahimik kaming lahat bago binasag ni Wendy ang katahimikan.

"So it means na delikado kayong apat?" nag-aalalang tanong ni Wendy.

Napatingin kami sa apat. Natigilan silang pereho.

"Yeah. But we can handle this." sagot ni Gavin.

Uminom ako ng tubig bago nagpunas ng labi at nagsalita.

"You are not safe to go out or to go somewhere guys." sabi ko.

Napatango-tango naman sila Candra.

"Oo nga naman. Baka umaaligid lang sa atin lagi ang mga taong nasa likod ng lahat ng ito." nag-aalalang sabi ni Audrey.

"Worst, baka pati kami ay madamay pa." nahihintakotang sabi ni Wendy.

Napabuntong-hininga sila Jace.

"Don't worry, tulad nang sabi ni Faith. Mukhang kami lang ang punterya nila. Kaya huwag kayong matakot." sabi ni Kai.

"We will protect you girls. We can handle this," sabi pa ni Gavin.

Napabuntong-hininga na lang sila Audrey bago tumango.

"Pero, tama si Faith. Hindi kayo dapat pumunta sa kung saan-saan. Baka nasa paligid lang ang mga taong gustong pumatay sa inyo." nag-aalala pa ring sabi ni Arce.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now