chapter 3 "Simula"

1.4K 60 8
                                    

A/N: Konnichiwa! Ohayo guzaimasu!

Faith's Pov.

Nandito ako ngayon sa harap ng isang hospital kung saan ako nagtrabaho.
"Moonstone hospital." Basa ko sa malaking nakasulat sa harap ng hospital. Napabuntong hininga na lang ako ng may maalala ako. Naalala ko siya. Ang kaibigan ko kung saan doctor din ang pangrap niyang kunin para makatulong sa mga taong gusto pang mabuhay. Sa mga taong gustong maging mabuti ang mga kalagayan.
Lalo na ang pamilya niya pero huli na ang lahat. 'Di ko na siya nakita uli mula ng mamatay ang pamilya niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ngumiti ako at inayos ang suot ko bago naglakad papasok sa loob ng hospital.

Binati ako ng mga ibang staffs at nurse na nakasalubong ko. Binati ko na lang din sila pabalik. Bago pa lang ako dahil kaka-apply ko lang noong nakaraang linggo. Mag-iisang linggo pa lang ako sa hospital na 'to.

Iilan pa lang ang kilala ko rito. Mga ka co-doctor ko rin. Pumasok na ako sa elavator. Pipindutin ko na sana ang 5th floor nang maunahan ako ng isang babae.

Umayos na lang ako ng tayo at nakita ko sa gilid ng mata kong nilingon ako ng babae.

"Hi," Bati pa nito.

"Hello." Balik na bati ko pa.

Maganda siya at halatang galing sa mayamang angkan. Pero nakasuot siya ng doctor's dress.

"Ikaw ba yung bagong doctor dito?" Nakangiting tanong pa niya.

Tumango at tipid na ngumiti. Natawa siya sabay lahad ng kamay.

"Oh! I'm Arce Fuego." Nakangiting pakilala niya.

Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Faith," nakangiting sabi ko pa bago bumitaw.

"Totoo nga ang sinabi nilang maganda ang bagong doctor dito." Nakangiting sabi pa niya.

Napakamot naman ako sa ulo at nahihiyang ngumiti. Hindi ako sanay na pinupuri.

"Ah, 'di naman," nahihiyang sabi ko pa na ikinatawa niya.

Saktong bumukas ang elevator at saya kaming lumabas.

"Good morning, Doc Fuego."

"Good morning, Doc Faith."

"Good morning, Doc."

Bati pa ng mga nurse paglabas namin ng elevator.

"Good morning, too."Arce.

"Good morning." Nakangiting bati ko rin sa kanila.

"Oh! It seems like mahiyain ka," natawang sabi pa ni Arce.

"Ah, ganun lang talaga. Wala pa naman akong masyadong nakilala dito." Sabi ko pa.

Inayos niya ang stethoscope na nakasabit sa leeg niya at nakapamulsang naglakad.

"Nah! 'Wag kang mahiya. You're a doctor, so you should be like me!" Natatawang sabi pa niya.

Ngumiti na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng office ko. Napatingin ako sa kaniya.

"Ah, ikaw pala ang gumamit ng office na 'yan?" Turo ko sa katabi bg office ko.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now