chapter 6 "Let's the batle begin"

868 42 27
                                    

A/N: Ohayo guzaimasu!

The following chapter is about how our characters play for their revenge. Samahan natin sila sa kanilang laro kung paano paikutin ang lahat. At abangan ang kanilang madugong paghihiganti!

And! Talasan niyo ang mga isip niyo sa bawat scene!

Faith's Pov.

Days passed and saturday na ngayon. Day off ko hanggang bukas at sa Monday na uli ang duty ko. I was busy this past few days sa hospital. Maraming mga pasyente ang inasikaso namin. Lahat kami ay naging busy at tutok na tutok sa mga operation na ginagawa namin. Kahapon nga ay napasabak ako sa operating room dahil sa emergency. May pasiyente na nabaril sa dibdib at fifty fifty ang buhay nito. Hindi magkandaugaga ang lahat dahil sa pagmamdali. Buti na lang at kalmado pa rin ako. Marami kaming doctor ang nasa operating room kasama na ro'n si Arce.

Kaming dalawa ang nag-opera. Halos umabot ng dalawang oras ang operation dahil malalim ang tama ng pasiyente. Kunti na lang at sa puso niya na tumama ang bala. Pero naagapan naman namin.

Naging successful ang operation at umiiyak na nagpasalamat pa ang pamilya nito. Mula sa mayayamang angkan naman sila kaya madali lang ang lahat.

Nag-celebrate pa ang buong tropa kagabi dahil sa successful na operation.

Sumama na lang din ako dahil belong naman na raw ako sa grupo nila kaya wala na akong nagawa. Pasado alas- nuebe na nga ako nakauwi kagabi.

Kaya ngayon ay kakagising ko pa lang. Pasado alas dies na ng tanghali. Gutom na rin ako kaya bumangon na ako. Tiningnan ko pa ang phone ko at may mga text galing kela Iren at Arce.

Ne-replyan ko na lang bago tumayo at pumasok sa banyo. Nagsipilyo ako at naghilamos bago lumabas. Hindi na ako nagpalit ng damit at dumeretso sa kusina.

Naghalungkat na lang ako sa ref ng pwedeng lutuin ko. Kumuha ako ng freeze meat chicken at mga rekados  para sa pagluto ng adobo.

Nagsaing na rin ako sa rice cooker bago inasikaso ang lulutuin kong ulam. Matapos kong i-slice ang chicken meat at mga rekados ay nagsimula na akong lutuin ang adobo.

Habang naghihintay na maluto ay nag timpla na muna ako ng kape. Pagkatapos ay naupo sa upuan at inabot ang cellphone ko. Nag picture na muna ako at nagpost sa wall ko.

Have a blessed Saturday everyone:)

Ang caption ko. Wala pa ngang isang minuto ay may nag-react and comment na. Isa na ro'n sila Nia.

Psh!

Ibinaba ko na lang ang phone ko at tumayo. In off ko ang rice cooker dahil luto na ang kanin. Tiningnan ko ang ulam at kunti na lang ay maluluto na ito.

Hinanda ko na lang muna ang pinggan, kutsara't tinidor bago nagtimpla ng juice.

Pagkatapos ay in-off ko na rin ang stove. Maghahain na sana ako ng ulam sa bowl ng may nag doorbell.

*Ding dong ding dong!

"Sino naman kaya yun?" Bulong ko pa at ibinaba ang bowl sa mesa bago naglakad palabas ng kusina at lumapit sa pinto.

Inayos ko pa ang buhok bago binuksan ang pinto.

"Sinong---"

'Di ko natapos ang sasabihin ko nang pagtingin ko ay isang lalaking nakatalikod ang nakita ko.

Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan itong lumingon at mas lalong kumunot ang noo ko ng makita kung sino ang nandito.

Bakit siya nandito? At paano niya nalamang dito ako nakatira?

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang