chapter 27 "Frustration"

381 18 0
                                    

Jace's Pov.

"Andrei! Kai!" hingal na hingal na sigaw ko pa habang hinahabol sila Andrei at Kai.

Nakangiti lang sila habang kumakaway sa akin papalayo.

May puting liwanag akong nakikita sa likuran nila kung saan sila patungo.

"Andrei! Kai! Where are you going!" sigaw ko pa uli.

Pero hindi sila nakinig sa akin at tumalikod na sila. Unti-unti silang pumasok sa liwanag.

Lumingon pa uli silang dalawa at nginitian ako.

Where are they going?

Hanggang sa tuluyan na silang pumasok sa liwanag at biglang naglaho.

"Andrei! Kai! No!" sigaw ko pa.

"Jace! Jace! Wake up!" rinig kong boses na tumatawag sa akin sapat tapik sa balikat ko.

Bigla akong napamulat ng mata at pagtingin ko si Wendy pala.

Halatang kakagising lang nito habang nagtatakang nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Nandito kami sa bahay ni Wendy. Dito kami dumeretso kanina dahil sa paghahanap kay Andrei.

Nakaidlip pala ako at binagungot.

"What happened to you? Binangungot ka ba?" takang tanong pa ni Wendy.

Napatingin ako sa kabilang sofa. Nakatingin rin sila Audrey sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"I'm fine. Nanaginip lang ako kela Andrei at Kai," walang ganang sagot ko.

Tumango na lang siya bago tumahimik.

Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas-dies na pala ng gabi.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Where's kai?" tanong ko nang hindi ko makita si Kai.

"He went out a while ago. May pupuntahan lang daw siya." sagot ni Audrey.

"Anong oras siya umalis?" tanong ko.

"Kanina pa, maybe eight o'clock in the evening." sabi ni Audrey.

Ano!?

Kanina pa siya tapos hindi pa dumating?

Bigla kong naalala ang napanaginipan ko kanina.

Tsk!

Napapailing na lang ako. I hope na makikita na namin bukas si Andrei.

Alam kong may hindi magandang nangyare sa kaniya. Damn it!?

Sino ba kasi ang may pakana ng lahat ng ito!?

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon