chapter 33 "Finale"

805 28 0
                                    

Jace's Pov.

Agad na akong nagpaalam kela Mom matapos ko silang makausap. Pumunta sila rito sa bahay ko para kausapin nila ako.

Gusto pa sana nilang ihatid ako sa airport pero tumanggi na ako.

Agad na akong pumasok sa kotse ko at punaandar ito paalis.

Medyo nakaramdam pa ako ng kaba pero binalewala ko na lang ito. Ang mahalaga ay makakaalis kami ng bansa ngayong gabi.

Dinial ko pa ang number ni Faith pero out of coverage area ito. Napabuntong-hininga na lang ako.

I want to see her before I leave. But I think she doesn't want me to say goodbye.

Ibinaba ko na lang ang phone at inilagay sa dashboard.

Nagfocus na lang ako sa pagdrive. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko pero pilit ko itong iwaksi.

Napatingin ako sa reer view mirror ng may mapansin akong nakasunod sa akin.

Napalingon pa ako sa likod at parang ako nga ang sinusundan nito.

Napalunok ako at mas binilisan ang takbo ng kotse ko.

Bumilis din ang takbo ng motor nito habang nakasunod sa akin.

"Shit!!" bulalas ko pa at mas binilisan lalo ang takbo ng kotse ko.

Pero nagulat ako ng halos paliparin nito ang motor niya at hinarangan ako dahilan para mabilis na mapahinto ako.

Damn!!

Nanginginig ang kamay na nakahawak ako sa manobela habang nakatingin sa harap.

Nakita kong bumaba ito ng motor niya at humarap sa gawi ko.

*Lunok

Mabikis na kinuha ko ang cellphone ko at dinial ko ang number no Gavin pero hindi ito ko ito ma contact.

Fvck this!

Pinaandar ko uli ang kotse ko at akmang aabante ako ng tutukan ako nito ng baril.

Nagulat pa ako ng barilin nito ang gulong ng kotse ko dahilan para ma flat ang gulong nito.

"Fvck!?" inis na mura ko at hinampas ang manobela.

Nakita kong dahan-dahan itong naglakad palapit sa kotse ko. Lumapit siya sa may pinto at kumatok.

Nanginginig ang kamay na napahilamos ako ng mukha.

*Tok! Tok! Tok!

Katok pa nito pero hindi ko binuksan. Kinuha ko uli ang cellphone ko at dinial ulit ang number ni Gavin pero hindi ko pa rin ito ma contact.

Shit!

Hindi kaya hinarangan na rin siya?

Pa'no ba nila nalamang aalis kami? Hindi naman namin ipinaalam sa lahat na aalis kami!

Damn!!

*Tok! Tok! Tok!

Lumakas ang katok nito kaya hindi ako mapakali habang hinahanap ang numero nila Mom.

*Blaagggg!!

Gulat na nabitawan ko ang cellphone ko ng hampasin niya ng baril ang salamin ng kotse ko dahilan para mabasag ito.

Hindi ako nakakilos sa gulat habang nakatingin sa kaniya.

Nakamaskara ito ng kulay itim at may design na kulay gintong M sa gilid nito.

Parang pamilyar sa akin ang maskarang suot nito ngayon.

Saan ko ba nakita ang maskarang suot niya?

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now