chapter 32 "laste battle"

539 21 0
                                    

Sword's  Pov.

Hide out

Pinatawag kaming lahat ni Kill sa hide out dahil may pag-uusapan kaming lahat. Pati sila Race ay pinatawag niya rin.

Nagtataka pa kaming lahat dahil parang mas lalo parang nagalit ang isang 'yon.

Nagmamadaling pumunta na lang ako sa hide out namin. Halos ipalipad ko pa ang motor ko para lang makarating agad.

Mahirap na't maunahan ako ni Kill. Baka isang bala ang lilipad papunta sa mukha.

Tss!

Pagkarating ko ay nakasabay ko pa si Race.

"Hey!" bati nito sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at bumaba ng motor. Sabay kaming naglakad papasok sa loob.

"Anong meron ngayon?" takang tanong pa nito.

Nagkibit-balikat ako.

"Baka para sa dalawang huling natira." balewalang sagot ko.

Pagpasok namin sa loob ay kaniya-kaniya ng upo ang lahat.

Ang ingay-ingay pa ni Art habang binabatukan ni Gun.

Tss!

"Yah! Nandito na pala kayo!" sigaw pa nito sa amin.

Nakatanggap uli siya ng batok mula kay Gun.

"Huwag kang maingay! Baka hindi mo pa natikom bibig mo pasok na bala ng baril ni Kill sa bunganga mo!" inis na sita ni Gun sa kaniya.

Napakamot na lang si Art kaya napapailing na naupo na lang ako.

"Mukhang hindi na makapag hintay si Kill, ah!" sabi pa ni Knife habang palabas ng kitchen.

May hawak itong apple at naupo sa tabi ni Dart.

Inalok pa niya ang katabi pero tumanggi ito habang nakatingin sa laptop niya.

"May planong umalis ang dalawa." biglang sabi pa ni Dart.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"You mean ang dalawang natira?" tanong ni Gun.

"Mmm. Nagtext si Kill na nagbabalak na tumakas ang mga loko." napapailing na sagot pa ni Dart.

Nagkatingin kaming lima at sabay na napangiwi.

Sila tatakas? Sa tingin ba nila pakakawalan sila ni Kill?

Nah! Nanaginip sila ng gising.

Tss!

"Nanaginip ng gising ang dalawang 'yon." natatawang sabi pa ni Gun.

"Mukhang takot na takot na sila ngayon, ah." nakangiwing sabi ni Race.

"Loko! Sino ba naman ang hindi matakot? Dalawa na lang sila at tigok na mga kaibigan nila. Psh!" Napapailing na sabi pa ni Knife.

Napasandal na lang ako sa sofa. Biglang bumukas ang pinto at lahat kami natahimik.

Nandiyan na ang masamang hangin.

Tss!

Pumasok si Kill at dumeretso sa kwarto niya. Nakasunod lang ang tingin naming lahat sa kaniya.

Maya-maya ay lumabas ito dala ang napakakinis at talim na kutsilyo habang may dalawang litrato itong hawak.

*Lunok

Isang Zoe Cris Knives backpacker fixed blade na kulay itim ang hawakan.

Ang kinis pa na pwedeng ka ng magsalamin. Tapos ang talim pa ng blade nito.

The Assassin's Revenge series #1 (Complete ✓)Where stories live. Discover now