CHAPTER 12

40.2K 1.5K 159
                                    

Chapter 12

Clayton’s Pov

MEDYO madilim na nang makauwi ako sa bahay namin. Madilim ang bahay mula sa labas kung nasaan ako ngayon. Sobrang tahimik pero namiss ko ang bahay na 'to. Hindi ko alam na isang araw ay iiwan ko pala pansamantala ang bahay na kinalakihan ko.

Pumasok ako sa loob at binuhay ang ilaw sa maliit naming tanggapan saka ako pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pero nang makita ko ang tubig mula sa gripo ay biglang gusto kong maligo.

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Lorcan kanina sa classroom. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Tao ako na may damdamin at nasasaktan din. At sa nangyari kanina ay sobra akong nasaktan. Pakiramdam ko ay katulad na ako ng mga pokpok d'yan sa tabi-tabi.

Umiling ako. Sa isang classroom pa talaga. Demonyo talaga si Lorcan.

'Demonyo pero gusto mo naman.' bulong ng kabilang utak ko.

Pumunta ako sa maliit kong kwarto rito sa bahay namin. Hinubad ko lahat ng damit ko at pumunta sa CR para maligo. Tabo-tabo lang naman ang paliguan namin dahil hindi naman kami mayaman at hindi rin namin afford ang shower. Kaya nang matapos kong kuskusin ang balat ko ay napaupo ako sa sahig ng CR namin na sa gilid, sa gilid ng drum.

Pinagsiklop ko ang binti ko saka ko inilagay ang baba sa tuhod ko. Umiyak ako nang umiyak, hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pero di ko magawa. Ang tanging nagagawa ko ang ay ang umiyak ng palihim.

Hindi ko aakalain na darating sa punto ng buhay ko na iiyak ako ng ganito. Nakakaawaan ko ang sarili ko ng ganito. Kung sana . . . kung sana mayaman lang ako—kami ni Mama. Hindi sana ako makakaranas ng ganito. Kung sana may pera lang akong pang-gamot kay mama hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon ng buhay ko.

Dahil sa pagod ko galing sa play namin, pagod sa nangyari sa amin ni Lorcan, at pagod sa pag-iyak ko kanina ay mabilis akong dinalaw ng antok. Ni hindi na nga nakapaghapon bago humiga sa kama ko na matigas. Nasanay na ba ako sa mansyon ni Lorcan na pati sa sarili kong kama na kinalakihan ko ay naging matigas na para sa akin?

Nakaidlip na ako nang magising ako sa malakas na katok galing sa main door ng bahay namin. Ginulo ko ang buhok ko bago bumangon. Sino naman kaya ang matinong tao na kakatok sa ganitong oras?

Bago ako lumabas sa kwarto ko para pagbuksan kung sino man ang taong iyon ay kinuha ko ang isang flower vase na nakalagay sa gilid ng maliit kong higaan.

Dahan-dahan akong pumunta sa main door habang bitbit ang flower vase. Ang tao naman sa labas ay walang tigil sa kakatok sa pintuan. Hindi ba siya aware na maaaring magising niya ang mga kapitbahay namin.

"Sino 'yan?" tanong ko pero walang sumagot. Imbes ay mas nilakasan pa nito ang pagkatok.

Sabay ng pagbukas ko sa pintuan ay ang pag-angat din ng isa kong kamay sa flower vase. Handa ko ng ibato iyon sa tao pero mabilis naman nitong nahawakan ang kamay ko para pigilan sa paghampas.

Sa lapit naming dalawa ay nasinghot ko kaagad ang kanyang panlalaki at mamahaling pabango. Bango palang ay kilala ko na kung sino ito. Pinatay ko kasi ang ilaw kanina bago ako matulog at hindi ko ito binuksan paglabas ko sa silid ko.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now