EPILOGUE

54.3K 1.3K 520
                                    

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Epilogue


7 months later

Clayton’s Pov

MASAYA namaing sinalubong ang pasko kasama sina Allison, Lorcan, Daniel, tita Hilda at tito Stevan. Kasama namin silang nagsalubong ng pasko. Si Allison ay hindi umuwi sa kanila dahil ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa nagtatrabaho tapos wala naman daw siyang makakasama sa bahay nila kaya mas pinili niyang makasama kami sa pasko. Sina tita at tito naman ay nagpagdesisyonan din nila na dito na rin sa amin magpasko dahil sa katunayan daw ay hindi sila sanay na nagsi-celebrate ng pasko. Kaya nang inaya sila ni mama na rito na sa amin magpasko ay agad silang pumayag.

Sobrang saya ko na dahil ang sa tingin ko ang laki na nang pamilya namin ni mama. Dati rati ay kami lang dalawa ang nagsi-celebrate ng pasko. Konting pancit, kanin, adobong manok, syempre hindi mawawala sa amin ni mama ang ice cream paborito ko kasi ang ice cream. Tapos no'ng sinalubong namin ang pasko ay ang ingay ng bahay namin sa tawanan at kulitan. Mas umingay pa nga nang maghating-gabi dahil nagpaputok ng napakaraming firework at iba pang klaseng paputok ang mga tauhan ni Lorcan sa maliit naming pakuran. Mas naging makulay na ang buhay ko ngayon kaysa dati.

Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon kong balikan ulit si Lorcan. Dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang makakapagbigay ng ganitong klaseng saya sa akin. Sabi niya 'nobody compares to me' daw ganun din ako sa kanya, nobody can compares to him. And I know that I will never love this way, again to another man.

Kung papabalikin ako sa past tapos may kakayahan akong baguhin ang takbo ng buhay ko. Iyon ay sana ay maaga kong nakilala si Lorcan. Pero hindi ko kailanman pinagsisihan na nakilala ko siya sa ganoong paraan. Nagsimula kami sa relasyong walang label, sa relasyong akala ko walang paroroonan dahil lalaki si Lorcan at ako rin naman, mayaman si Lorcan mahirap ako, nakilala ko siya sobrang successful na niya tapos ako hindi pa nakapagtapos sa pag-aaral. Pero lahat ng iyon ay hindi humadlang upang mahalin namin ang isa't isa. Mahirap nga lang kasi sa mga mata ng iba ay hindi pa rin talaga tanggap ang ganitong klaseng relasyon namin ni Lorcan na lalaki sa lalaki pero hindi na namin iyon inisip pa hindi naman sila ang nagmamahalan, eh. Kaya bakit namin pagbibigyan ng pansin.

"Sir, ako na lang po ang magsasara ng restaurant." Bumalik ako sa reyalidad ng biglang pumasok sa maliit kong opisina ang isa sa mga workers ko. May ilan din akong mga trabahante rito na nagpa-part time job. Tumatanggap ako ng mga part-timer kasi naalala ko ang sarili ko sa kanila noon. Mahirap man pero kakayanin para sa magandang kinabukasan. Isa iyan sa mga lagi kong pinapaalala sa kanila. Your education is your ticket to your bright future. Kaya dapat laban lang. Nadadapa man matuto kang tumayo at lumabang muli. Nasusugatan ka man learn to mend your wounds.

"Sige," sagot ko sa kanya. Sinabihan ko kasi siya kanina na maaga akong uuwi ngayon kasi tumawag ang mama ko na may lakad daw siya. Kakatapos lang ng pasko. Tapos ngayon hindi ko alam kung saan ang itineracy ni mama basta pinapaaga niya lang akong umuwi.

Palipat-lipat lang kasi ako ng tahanan. Minsan do'n ako sa mansyon ni Lorcan ng isang linggo, tapos uuwi na naman ako sa amin ng isang linggo. Ganun ang naging routine ko pagkatapos naming magkaayos ni Lorcan. Pero minsan naman ay si Lorcan doon na rin natutulog sa bahay namin, sa kwarto ko. Maliit nga lang kasi ang bahay namin. Tapos ay sinusundo din ako ni Lorcan at hinahatid minsan.

Nang araw na iyon ay hindi na ako nagpasundo kay Lorcan kasi maaga akong uuwi. Isang byahe lang rin naman ang layo ng restaurant ko sa bahay namin. Dinala ko ang paper bag na hinatid ni Jhera sa akin kanina rito. Pagbaba ko ay nakita ko ang itim na porsche ni Lorcan sa labas ng bahay namin. Pagpasok ko sa bahay ay tatanungin ko sana si mama kung nasaan si Lorcan pero nakita ko si mama na bihis na bihis tapos may isang handbag na hermes pa sa tabi niya. Nanood sila ng palabas sa telebesyon. Sa kakasama ni mama kay tita Hilda pati si mama ay nahilig na rin sa mga designers’ bags at mga damit except sa mga sandals at shoes.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now