CHAPTER 19

34.6K 1.3K 296
                                    

Chapter 19

Clayton’s Pov

TULALA ako habang naghihintay kung kailan matatapos si Daniel kaka-shoot doon sa basket. Nandito kami ngayon sa arcade ng mall kung saan ko siya dinala. Hindi mawala sa isip ko iyong mga binitawan kong salita kay Lorcan. Minsan naisip ko na rin na i-staple itong bibig ko. Kung ano-ano na rin kasi ang lumalabas. Pero hindi ko na mababawi pa iyon at siguro mas nakakabuti na rin na malaman niya iyon. Para na rin sa ikakatahimik ko.

Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. Bakit siya pa iyong galit? Galit ba siya na pinamukha ko sa kanya na f*ckboy siya? Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Saya dahil naamin ko na mahal ko siya at lungkot kasi iyong pagmamahal ko hindi niya iyon kayang suklian. Masakit pero kailangan kong tanggapin na sa unang pag-ibig ko ay bigo. Hindi ako naniniwala sa first love never dies na 'yan dahil kaya kong patayin itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi nga lang siguro iyon magiging madali.

Hindi ako makapaniwala na iibig pala ako sa isang lalaki. Kaya siguro noon ay hindi talaga ako nagkainteres sa mga babae. Dahil lalaki pala ang gusto ko. Pero pagtumingin naman ako sa ibang lalaki wala naman akong nararamdaman. Para sa akin parang wala lang. Aaminin kong gwapo si Lorcan pero marami naman akong lalaki na kilala na gwapo rin kaso wala akong maramdaman sa kanila. Tanging si Lorcan lang ang nagpapatigil sa oras at sa paligid ko. Siya lang ang lalaking kayang magpakapos ng hininga ko. Siya lang ang kayang pahatawin ang puso ko sa saya at sakit pero kahit ganun mahal ko pa rin siya.

Hindi ko naman inibig na magkagusto sa kanya pero heto ako hindi na halos makaahon. Lunod na lunod na. Gag* siya pero gusto ko, mahal ko. Kaya ngayon sa mga nasabi ko kanina kay Lorcan.  Hindi na siguro ako magugulat kung pag-uwi namin nasa gate na iyong mga gamit ko.

Ang yugyug sa kamay ko ang nagpukaw sa akin sa malalim ba pag-iisip. Bumaba ang tingin ko kay Daniel na naka cap at face mask. Ayaw kasi siyang palabasin ni Ronnie kanina nang walang suot na ganito. Ako tuloy iyong naiinitan para sa bata. Akala ko si Ronnie ay isang simpleng hardinero lang, pwede rin pa lang driver at bodyguard. Siya iyong pinasama sa amin ni Alfonso kanina. Iyon daw kasi ang bilin ni Lorcan pero syempre hindi ko na pinasama si Ronnie rito sa loob nandun lang siya sa sasakyan.

"Papa, hindi ka po nakikinig sa akin. I'm sad." tapos ay ngumuso siya.

Pinantayan ko ang tangkad niya saka ginulo ang buhok. Ang kyut-kyut talaga ng batang ito. Pwede ko nang kidnap-in ito at hingan ng ransom si Lorcan pero syempre sa kulungan lamg ang bagsak ko.

"May iniisip lang si papa," ani ko.

"Do you regret bringing me here, Papa?"

Mabilis akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi. Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya bago tumingin sa suot kong mumurahing relo. Malapit nang mag alas syete ng gabi.

Tumango si Daniel at humawak sa laylayan ng damit ko upang magpabuhat. Bago ko siya mabuhat nagvibrate iyong phone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko iyon.

From: Ronnie
Oras na para umuwi.

May number si Ronnie sa akin,  kinuha niya kanina para daw ma-contact niya ako at ma-contact ko rin siya.

To: Ronnie
Papakainin ko lang si Daniel tapos labas na kami.

Reply ko kay Ronnie saka binalik ang telepono sa bulsa dahil two percent na lang ang cellphone ko.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ