CHAPTER 47

29.9K 1K 61
                                    

Chapter 47

Clayton’s Pov

"LORCAN, saan mo ako dinala?" tanong ko sa kanya. Nakaupo siya sa paanan ng kama. Yukong pinagsiklop niya ang kamay saka itinungkod ang siko sa kanyang tuhod. Para bang nahihirapan siya. Para bang pagod na pagod siya. Malalim din ang pinapakawalan niyang mga hininga.

Ang kanyang button down shirt ay nakabukas ang apat na butones no'n. Kung kanina ay naka-rugged jeans siya ngayon ay nakapang-summer shorts na siya at nakapaa. Ako naman ay ang lagi kong suot na polo tapos jeans at wala na ang suot kong sapatos ang socks ko na lang ang sapin ng paa ko.

"Ano hindi ka ba magsasalita? Yuyuko ka lang dyan?" galit kong wika nang hindi siya magsalita, nang hindi niya ako kinibo.

Pagkagising ko kasi ay nandito na ako sa isang silid na kulay brown ang pintura tapos walang ibang nandidito kundi ang isang kama na may side-table at ang isang sofa na kanina ay kinahihigaan ni Lorcan. Hindi siya tumabi sa akin. Nagising ako na mag-isa sa malaking kama at siya pinagsiksikan ang katawan sa sofa.

Ilang metro ang layo ko sa kanya ngayon habang siya ay nakaupo roon sa kama. Naghisterya kasi ako dahil ikaw ba naman ang magising sa hindi mo kilalang silid. Kaya nagising siya. Nilapitan niya ako pero mas mabilis pa sa ninja ang kilos ko at umalis sa kama.

Hindi ko pa makalimutan na may pina-amoy siya sa akin doon sa panyo niya kaya ako nawalan ng malay. Tapos ito na! nandito na ako sa isang kwarto kasama siya. Sa madaling salita kinidnap niya ako!

"Lorcan magsalita ka! Kinidnap mo ako tapos dinala mo ako dito sa . . . saang lupalop man ito ng Pilipinas!"

Inangat niya ang tingin niya sa akin. Nakita ko kung paano gumalaw-galaw ang panga niya. Tapos iyong ugat niya sa leeg ay bumabakat na. Ano siya pa ang galit? Siya ba itong kinidnap?

His bloodshot eyes pierced through me. "I want . . . .” huminga siya ng malalim. "I want to talk to you."

Naitampal ko ang kamay ko sa aking noo at napatalikod sa kanya. Kinalma ko ang sarili ko at muli siyang hinarap. Nilagay ko ang kamay ko sa aking baywang.

"Maliwanag kong sinabi sa iyo, Lorcan na TIME and SPACE. Anong salita dun ang hindi mo maintindihan?" Nanggigil kong sigaw sa kanya.

"Babe, I already gave you that. Mamatay ako kakatanaw sa'yo mula sa malayo. Alam mo bang gustong-gusto kitang hawakan ngayon. Alam mo ba kung gaano kita kagustong yakapin at halikan ngayon?" Namumula at nanunubig ang mga mata niya. Ginulo niya ang buhok na hanggang balikat na niya ang haba. "D*mn it! I f*cking missed you! The moment I saw you, I want to run to you and have you in my arms. I want to hold you so bad that I think I'll go crazy if I can't hold you."

Kung siya namumula at nanunubig ang mata, ako naman ay nag-uunahan na ang luha ko sa pag-agos. Gusto ko rin siyang yakapin. Gusto ko rin sa piling niya. Gusto ko rin hawakan siya pero natatakot na ako. Natatakot ako. Sobra. Natatakot ako na baka kapag nahawakan ko siya mawawala na naman siya. Na kapag nasanay na naman ako, mawawala na naman siya. Ayaw ko na ng ganun. Ayaw ko na. Ayaw ko nang maramdaman ang mag-isa ulit. Ayaw kong maranasan maiwan ulit. Ayaw ko ng maranasan ulit na paulit-ulit na umiyak. Iyong kahit sa pagtulog mo ay tumutulo ang luha mo. Iyong pakiramdam na para kang sinasakal sa sakit ng damdamin mo. Iyong pakiramdam na parang dinurog-durog ang puso mo sa sakit. What I've experienced five years ago was enough for me. Ayaw ko na.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now